The Campus

13 0 0
                                    

Biringan Campus

Hazel Ray Point of View

Ilang minuto na akong nakatayo sa harapan ng creepy na gate at nagdadalawang isip ako pumasok sa loob.

“ Transfer? ”. Halos mahimatay ako sa gulat nang marinig ang isang napakalaking boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

“ O-opo ” natatakot akong lumingon sa likuran ko kung saan siya naroon, anong klaseng nilalang s’ya? nakakatakot! nakakakilabot.

“ Death Certificate meron ka? ”. Bigla akong nanigas sa hindi ko inaasahang itatanong n’ya.

Death Certificate? Seryoso ba s’ya my goodness

“ Wala po ”. anong gagawin ko huhu, natatakot ako baka ano mang oras lapain niya ako bigla, hindi na ako makakauwi sa bahay.

“ Oh s’ya sige, pirmahan mo na ang kontratang ito bago ka pumasok sa loob at ilang minuto na lang magsisimula ang flag ceremony ”. Biglang lumitaw ang isang papel at hibla ng pakpak ng manok sa harapan ko na palutang lutang sa ere.

Hindi na rin ako nagdalawang isip na pumirma sa papel na iyon dahil kailangan kong makisabay sa mga pangyayari dahil buhay ko ang nakataya dito. Matapos kong pirmahan ang papel na iyon bigla itong naglaho ng parang bula pagkuwan ay nagbukas na ang tarangkahan ng gate senyales na maaari na akong pumasok sa loob nito.

Pumihit ang katawan ko papasok sa gate at bumungad sa’kin ang amoy ng sampaguita,  dahan dahan lang akong naglalakad kahit wala akong ideya kung saan ako pupunta.

Gawa sa mga bricks ang nilalakaran ko at ang mga nakatanim na bulaklak sa paligid ay mga bulaklak na madalas kong nakikita sa mga burol.

Hindi ko aakalaing makikita ko ng personalan ang mga bagay na ’to, kasi sa mga palabas ko lang nakikita ang ganitong kakakilabot kilabot na lugar.

Gawa sa mga sinaunang lampara ang mga ilaw na nakadikit sa pader na s'yang nagbibigay liwanag sa kapaligiran, kung nakakatakot ang lugar ’to ano na lang kaya ang mga nilalang na naririto.

Nakatayo lang ako sa isang kawalan na para bang nawawalan na ako ng pag-asa sa lahat ng bagay, Natatakot ako sa ano mang pwedeng mangyari sa’kin ngayon.

Sa ilang sandali mas lalong nagliwanag ang kapaligiran nang magsindi ang bandiritas ng lampara at napatigagal ako nang makita ko ang na sa unahan.

Isang lumang kastilyo na napaka-laki at sa tuktok nito ay mayroong hour glass.

Ilang sandali pa umalingawngaw ang malakas na tunog ng bell sa buong kapaligiran, Ngunit mula sa malayo ay nakarinig ako ng ilang mga yapak.

“ Good Evening everyone welcome back at biringan campus! ”. isang musikang nakakaindak ang narinig ko mula sa paligid at unti-unti ako nakakita ng ilang mga anino.

Nakakapagtakang mga katulad ko ang mga dumating pero lahat sila ay nakasuot ng itim na uniform at tila ba parang normal lang sa kanila ang lahat .

Pero nanindig ang balahibo ko sa katawan nang makita ang mga sumunod  na  estudyante ay iba’t- ibang nilalang na ngayon ko pa lang nakita sa tanang buhay ko.

Ito rin ang unang beses kong makakita ng isang dragon na palipad-lipad sa himpapawid, Anong klaseng lugar ‘to!?

Kung isa lang itong panaginip lord please wake me up huhu

Halos mahimatay ako sa sobrang takot ng makita ko sila, pero dahil makapal ang mukha kong magtapang-tapangan pinanood ko na lang sila papasok hanggang sa may babaeng lumapit sa’kin.

“ Ate, ate transfer ka po? ”. tanong ng babae, katulad ko normal lang yung hitsura ng babae kaya't walang anomang tumango ako.

“ kung ganun sumama ka sa’kin ”. Utos niya, sumunod lang ako sa babae dahil wala naman akong choice kundi sundin s’ya, pumasok kami sa kastilyong luma at pagpasok namin. Namangha ako sa mga nakita ko sa loob.

Biringan CampusWhere stories live. Discover now