Mania Travels 1

20 0 0
                                        

PART 1

Sobrang haba ng tulog ko at hindi ko namalayang nagising ako ng gabi. Bakit kasi walang alarm clock?!

Inis akong bumangon mula sa aking kinahihigaan at inayos ito, Pagbukas ko ng bintana ay bumungad sa akin ang maliwanag na kalangitan dahil sa kabilugan ng buwan.

Feeling ko ang lakas lakas ko ngayon dahil mahaba haba ang pahinga ko.

Nangalkal na rin ako sa kabinet ko na nasa gilid ng bintana. Pagbukas ko sa kabinet bumungad sa’kin ang mga dark color dress. Ano ba yan, wala bang pink na dress dito? total no choice naman ako. suutin ko na lang ‘to kaysa naman wala akong maisuot.

Kinuha ko na lang ang dress na iyon atsaka ipinatong na lang ito sa kama. Maliligo muna ako kahit gabing tapat. Para naman fresh akong papasok sa first day ko dito sa biringan.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin ang comfort room, Wala naman  kasi gaanong hotel assistant manager ang lumilibot dito. Yan tuloy kailangan ko pang mag -ikot ikot dito sa napaka laking hotel.

Napapaisip ako, what if. maligaw ako bigla sa hotel na ‘to? Wag naman sana oh.

Maya-maya pa ay may babaeng nag-landing sa may bintana ng hotel  sakay sakay sa walis tingting. Sobrang lakas din ng aura nito na nakakapanindig balahibo.

Pagkatapos lumanding ay isinandal lang niya ang walis sa tabing bintana at pinagpagan ang kanyang damit bago ito bumaling  sa kinatatayuan ko at bahagya itong ngumiti.

“ oh, hi. anong maitutulong ko sayo? ”.  halos hindi ako makakurap sa nakita ko, Nag freeze bigla ang utak ko sa loob ng 3 seconds. Mabuti na lang ay nagawa ko pa rin ang makapag salita.

“ Ateng witch saan ba Cr dito? Kailangan ko kasing maligo, kasi. you know.... Amoy something na ako e ”. kumunot lang ang noo ni ateng witch mukhang nag loading din ito makasagot sa tanong ko.

“ Transfer? ”. tumango ako bilang tugon sa tanong niya.

“ Ang mga nilalang dito ay hindi naliligo. ” matapos niyang sabihin iyon ay naglabas ito ng stick pagtapos ay pinunasan muna niya ang stick  gamit ang laylayan ng kanyang dress.

“ Alam mo ba ang paraan ng paglilinis sa pisikal na kaanyuan ng mortal na naninirahan dito? ”. umiling ako sa tanong niya dahil hindi ko naman talaga alam. Tumango tango na lang s’ya habang pinagmamasdan ako. Ilang sandali pa iwanasiwas niya sa hangin ang stick na hawak hawak niya habang may sinasabi itong hindi ko maintindihan.

jeu solum ”. pagkatapos makumpas ang stick na hawak hawak niya ay biglang nag-iba ang anyo ni ateng witch. Bigla na lang naging white ang suot suot nitong dress na may design na orchids sa laylayan.

“ Wow, galing. How to be you po? ”.naaamaze kong saad habang nakatingin sa outfit niyang white.

“ Ngayon ikaw naman ang sumubok. ” aniya, Akmang tatanggi na sana ako dahil wala naman akong wand ngunit humugot ito ng something sa likuran n’ya at maya-maya pa’y naglabas na ito ng stick sa mga kamay nito pagkatapos ay iniabot niya ito sa’kin na kaagad ko naman tinanggap.

“ So,paano po ako gagawa ng magic kung hindi naman ako marunong? ”. disappointed kong tanong , lumapit lang si ateng witch sa’kin at inakbayan ako.

“ Ipikit mo ang iyong mga mata at subukan mong pakalmahin ang isipan mo”. sinunod ko na lang si ateng witch kaysa magreklamo ako dito. Baka kasi kapag di ko s’ya sinunod bigla n’ya akong gripuhan sa tagiliran, mahirap na mga besh.

“ Ngayon ay subukan mong pakawalan sa iyong isipan ang mga bagay na matagal ng bumagabag sayo. ” Napabuntong hininga ako habang nagt-trying hard sa mga instructions n’ya. Maraming bumabagabag sa’kin.Una yung panghoholdap sa’kin nong holdaper sa kalagitnaan ng byahe and pangalawa di ako nakaatend sa research defense namin na isang beses lang mangyayari sa buhay college at pangatlo kailangan kong pumasa para future kong maging engineer at pang-apat. Paano kaya ako makaka surivive dito sa biringan campus kasama ang mga strange creature.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Biringan CampusWhere stories live. Discover now