Nagising ako nang maramdaman ko ang malamig na haplos ng hangin sa aking katawan. Bakit naman kaya sobrang lamig dito sa kwarto namin ni Tristan? Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at doon ko lang napagtanto na hindi pala ito ang kwarto namin ni Tristan. Kanino naman kayang kwarto ito? Tatayo na sana ako nang bigla akong natumba dahil sa sakit ng aking pagkababae.
Grabe sobrang sakit.
Ano bang nangyari sa akin at naging masakit ito ng ganito?
Ilang minuto din akong natulala bago ko napansin na wala akong suot na saplot? Teka bakit wala akong damit? Bigla akong nataranta dahil bukod sa wala akong suot na damit ay nasa kwarto pa ako ng ibang tao. Paano ba ako napunta dito? Ang naaalala ko lang na mga pangyayari kagabi ay naglalaro kami ng truth or dare habang nakapalibot sa bon fire.
Natigil ang pag iisip ko nang mahagip ng mata ko amg isang lalaking kakalabas lang sa banyo. Nang mapatingin naman ako kung sino yun bumungad sa akin si Sir Tyler na mukang kakatapos lang maligo. Naka towel lang siya kaya kitang kita ko yung makisig niyang katawan at matitigas niyang abs. I can't help but stare at his perfect body. He looks so hot while the water is dripping on his face. Hindi ko mapigilang mamula dahil sa kaniyang kagwapuhan. He's so perfect.
Biglang nag flash sa utak ko yung mga sinabi niya kagabi. Nung sinabi niya nag seselos siya at yung tungkol sa nangyari sa amin sa bar at sa bahay nila. Napapa isip pa rin ako dahil sa mga sinabi niya. May nararamdaman ba siya sa akin? Kase hindi naman magseselos ang isang lalaki kung hindi niya mahal yung babae diba?
Tatanungin ko na sana siya kung totoo ba yung sinabi niya sa akin kagabi nang bigla siyang magsalita.
"Look Sevy what happened to both of us is just an accident. Parehas lang tayong lasing kagabi and it meant nothing. Yung mga sinabi ko kagabi ay para kay Darcie. So don't assume that i like you." Mga salita niya na nag paguho sa aking mundo. So wala lang pala sa kaniya yung nangyari sa amin. Matapos niyang kuhanin yung v*rginity ko ganun ganun nalang? Bakit pa ba ako nagtaka? He's Tyler, pwede niyang makuha lahat ng babaeng gusto niya. Kahit pa artista at model yan. Maraming nagkaka gusto sa kaniya at isa na ako doon. Mali bang nagka gusto ako sayo? Mali bang umasa ang babaeng katulad ko na magustuhan ng lalaking katulad mo. Simula noon naman ay wala na talaga akong pag asa sa kaniya. Sadyang ipinagpipilitan ko lang yung sarili ko sa kaniya. Para akong t*nga dahil umaasa ako na magugustuhan niya ako.
Hindi naman masakit.
Parang sinaks*k lang ako ng kutsilyo sa puso.
"And don't you dare tell anyone about what happened to us. I don't want my girlfriend to find out that mistake. I love her more than anything." malamig na saad niya habang nagpupunas ng buhok. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga salitang binitawan niya. Kung mahal niya naman pala yung GIRLFRIEND niya, bakit siya nakipag s*x sa ibang babae?
"Kung hindi mo naman pala ako gusto, bakit mo pa ako hinigit papasok sa kwarto mo at sinabi yung mga bagay na yon. Umasa lang pala ako sa wala. Akala ko pa naman may nararamdaman kana para sa akin. Yun pala ginamit molang ako dahil wala siya ngayon!" galit sigaw ko sa kaniya bago tumayo, hindi ko na ininda yung sakit ng pakababae ko at naglakad ako habang naka taklob pa rin sa akin yung kumot.
Tahimik kong pinulot yung mga damit ko at isinuot ito habang nag dadamit na din siya. Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko habang nagbibihis. Tahimik akong umalis ng kwarto niya at tahimik na naglakad.
Habang paika ika akong naglalakad nakasalubong ko si Tristan na mukang kakagising lang. Napansin niyang namumugto ang aking mga mata. Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at nagsimula nang humahagulgol. Hindi ko na mapigilan, sa buong buhay ko siya lang ang lalaking iniyakan ko ng ganito. Iba yung sakit na naramdaman ko, sobrang sakit. Sobrang sakit na ginamit niya lang pala ako. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko yung lalaking yun. I hate him, no I despise him. I hate that i love him so much. Niyakap ako pabalik ni Tristan at hinalikan sa noo bago niya ako binuhat papasok dun sa kwarto naming dalawa.
YOU ARE READING
My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]
RomanceSevianna Kate and Tyler Clyde's Love Story. Sevianna Kate Perez is a student who has been in love with her English Teacher Tyler Clyde Valdez for a long time. She has always loved him since she was a child. The only problem is that he doesn't seem i...