Chapter 10

8.3K 167 4
                                    

SEVIANNA KATE POV

_

_

_

Halos mag dadalawang buwan na kami ni Zyler dito sa America. Nung gabing yun ay agad na kaming umalis sa Pilipinas. Maayos naman kaming namumuhay at nag aaral nadin si Zyler dito. Bumibisita din naman sila Tristan at Crystal dito kaya okay lang. Wala na akong balak bumalik ng Pilipinas. Ayaw nadin ni Zyler doon at mukang masaya na siya dito. Kasalukuyan akong naglilinis habang si Zyler naman ay nagbabasa ng libro nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot.

"Hello sino po ito" tanong ko sa tumawag.

[Sevy na aksidente Papa mo. May nakabanggan siyang malaking truck at tinakbuhan lang siya nito. Please umuwi muna kayo ni Zyler dito.]- Mama.

"Sige po Ma." huling sagot ko bago patayin yung tawag.

Ano na aksidente si Papa? At kailangan naming umuwi. Hindi ko alam kung uuwi ako, paano kung makita kami ni Tyler. Ayaw ko man tumuloy pero napag pasyahan kong umuwi para kay Papa. Agad akong nag book ng flight ticket papuntang Pilipinas.

"Mommy uuwi poba tayo ng Philippines??" tanong ni Zyler habang nag iimpake ako ng mga damit namin. Baka sa bahay nalang muna nila Mama kami tumuloy.

"Yes anak. Na aksidente kase si Lolo mo kaya kakailanganin ni Mommy umuwi dun. I hope you understand anak." aniya ko bago halikan siya sa noo. Agad naman itong tumango at tinulungan akong mag impake ng mga gamit namin. Mabuti nalang at naunawaan ni Zyler ang sitwasyon. Dahil alam kong ayaw niya din munang umuwi. Nang matapos na kaming mag impake binihisan kona siya agad at nagbihis na din ako.

Naka sakay na kami ngayon sa eroplano, nagbabasa ako ng libro habang natutulog naman si Zyler. I can't stop thinking about him. Minahal ko siya pero mahal niya pa pala si Darcie. Sa loob ng 16 hours and 44 Minutes na oras sa wakas nakarating nadin kami. Sobrang sakit ng katawan ko, natutulog padin si Zyler kaya agad ko itong ginising.

"Anak nandito na tayo gumising kana." aniya ko habang tinatapik ang balikat nito. Agad naman itong nagising at kinusot kusot ang mata.

"Nasa Philippines napo tayo Mommy??" tanong niya.

"Oo anak. Ihahatid muna kita sa bahay nila Mama nandoon nadin naman si Kuya. Iiwan muna kita kay Tito Sean mo ha." saad ko at tumango naman siya bago kami bumaba. Si Kian ang susundo sa amin dahil hindi kopa sinabi kila Tristan at Crystal na uuwi ako. Ihahatid kolang si Zyler sa mansion at dederetso na agad ako sa hospital. Habang naglalakad lakad kami nakita kong kumakaway si Kian sa amin kaya agad akong pumunta sa kaniya.

"Mabuti naman at umuwi ka Sevy. Hinihintay na kayo ni Kuya Sean sa bahay. Gusto niya nadin makita yung pamngkin niya. Kami na bahalang mag alaga kay Zyler kapag pupunta kana sa hospital." saad ni Kian habang tinutulungan akong ilagay yung mga bagahe namin sa likod nang sasakyan. Nang matapos na kami agad na kaming sumakay sa sasakyan at umalis na sa airport.

Nang makarating kami sa mansion ay agad kong binuksan yung pinto. Unang bumungad sa akin ay si Kuya Sean kasama sila Tristan at Crystal. Anong ginagawa nila dito??

"Anong ginagawa niyo dito. At paano niyo nalaman na uuwi ako?" tanong ko sa kanila.

"Sinabi ni Kuya Sean sa amin na uuwi kadaw. Alam nadin namin ang nangyari kay Tito. Kaya nadito kami para alagaan si Zyler. Kami muna ang magbabantay kay Zyler kapag nasa hospital ka." pagpapaliwanag ni Crystal. "My baby pamangkin namiss moba si Tita Ninang??" aniya niya bago pisilin ang pisnge ni Zyler.

"Tutal nandito naman kayo aalis na ako at baka inaantay na ako ni Mama sa hospital." aniya ko bago magpaalam sa kanila at hinalikan ko si Zyler sa pisnge. Agad akong sumakay nang taxi papunta sa hospital.

My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now