It's been 2 months nang ipanganak ko si Skylaire, maayos naman ang buhay pero parang nagiging cold sa akin si Tyler. Palagi nalang siyang busy tuwing gusto ko makipag cuddle sa kaniya. Hindi na din kase kami nagkakasabay kumain, mapa umaga man, tanghali at gabi. Alas sais palang nang umaga ay umaalis na siya at alas onse pa siya nauwi. Palagi siyang busy sa trabaho at nawawalan siya nang oras sa amin ng mga anak niya. Nagsisimula na akong mag overthink, what if ayaw niya na sa akin? what if may bago na siya? what if napapangitan na siya sa akin?
Hindi ko mapigilan mag isip ng kung ano ano dahil medyo tumaba ako nang maipanganak ko si Skylaire. Ang dami ko kaseng pinaglihian nung nasa tiyan kopa siya. Halos ata nang pagkain kinakain ko nung pinagbubuntis ko siya. Palagi ko siyang ipinagluluto nang makakain niya sa gabi at iniiwan ko ito sa lamesa. Nagpasalamat naman ako dahil kinakain niya iyon.
"Mommy hindi papo ba uuwi si Daddy? He's been busy for like five days straight. I really miss him" nakangusong saad ni Zyler habang nanonood sa ipad niya. It's already 9 PM na pero gising padin si Zyler dahil gusto niyang maka usap yung Tatay niya. Napatulog kona si Skylaire kaya narito ako sa sala ngayon nakaupo habang nagbabasa..
"Hindi pa anak, just understand your Daddy. He has a lot of work to do. Maybe when he's less busier we will go to the park." Nakangiting pagkukumbinsi ko kay Zyler kahit hindi pa talaga ako sigurado. Agad naman itong tumango at nahiga sa sofa, inaantok na siguro siya kaya nahiga. Maya maya lang ay binuhat kona si Zyler at inilagay sa kwarto niya.
Halos tatlong oras pa ata akong nagbasa ng libro habang hinihintay si Tyler bago ako makarinig nang busina mula sa labas. Nandito na siya. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagpunta sa pinto para pagbuksan siya. Hindi pa ako kumain ng gabihan kase balak kong sabay kaming kumain.
"Welcome home Love." nakangiting pagbati ko sa kaniya. Pero malamig niya lang akong tiningnan at nilampasan ako. May problema ba siya? May mali ba akong nagawa? (Tanong ko sa sarili ko)
"Love tara sabay tayong kumain. Nagluto ako nang paborito mong ulam." Baka ngayon naman pansinin niya na ako. Pero nagulat ako nang mag dire-dretso siya papasok sa kwarto namin.
"Love may problema kaba? Bakit hindi mo ako pinapansin?" Sa sobrang inis ko hindi kona napigilang sumigaw. Naiitita itong tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay..
"Wala akong problema. Just shut your f*cking mouth I'm tired Sevianna." Did he just said f*cking?
"I don't know what's wrong with you? Wala naman akong ginagawang masama ah? Bakit ka nagkakaganiyan?"
"Napapagod ako Sevianna. Pwede bang itahimik mona muna yang bunganga mo. Hindi ba ako pwedeng magpahinga?"
"Palagi ka nang nagpapahinga ah? Bawal kabang makasabay kumain kahit ilang minuto lang? Ganiyan kana ba talaga ka busy? Ganiyan naba ka importante yung ginagawa mo kesa sa amin ng mga anak mo?" napangiti ako ng mapait nang masama niya akong tiningnan.
"Stop this drama Sevy o told you I'm busy. Just leave me alone!!" malakas na sigaw niya na nagpasikip sa dibdib ko. Sinisigawan na niya ako? Mahirap bang intindihin yung gusto kp siyang makapiling kahit isang sandali lang? Nagulat ako nang biglang umiyak ng malakas si Skylaire. Nagising siya dahil sa malakas na sigaw ni Tyler. Hindi niya man lang pinansin si Skylaire at nagtungo na siya sa kama at nahiga. Hindi niya man lang hinalikan o niyakap si Skylaire? Siguro nga mas importante pa yung trabaho niya kesa sa amin. Dahil sa sobrang inis ko sa kaniya ay hinila ko yung crib ni Skylaire at dinala ito sa guest room. Bahala siya mag isa dun, dito ako matutulog hanggang hindi siya nagbabago. Saad ko sa sarili ko habang pinapatulog si Skylair. Napagpasyahan koana ding matulog dahil anong oras na, nawalan na ako nang ganang kumain.
YOU ARE READING
My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]
RomanceSevianna Kate and Tyler Clyde's Love Story. Sevianna Kate Perez is a student who has been in love with her English Teacher Tyler Clyde Valdez for a long time. She has always loved him since she was a child. The only problem is that he doesn't seem i...