Another 5 months have passed simula nung nag away si Tyler at Zyler at tinotoo nga ni Zyler yung sinabi niya. After nilang mag away nung ama niya ay nagpatulong siya sa aking mag impake dahil ayaw niya nadaw tumira dito at ayaw niya na daw makita si Tyler. Wala naman akong magawa kundi hayaan nalang siya. Araw araw ko naman siyang binibisita kaya okay lang sa akin.
Ngayon naghahanda ako ng dinner na kakainin namin ni Tyler. Ipagtitira kona lang siguro siya dahil malamang nasa bar siya at may kasama nanamang babae. Napa buntong hininga nalang ako habang iniisip ang mga bagay na iyun. Kasalukuyan akong naghahanda na ng mga pinggan nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong nagtungo dito at naabutang may kasama nanamang babae si Tyler. Kinagat ko yung labi ko para mapigilan ang pagtulo ng luha bago tumalikod at akmang aalis na ako ng bigla ako nitong tawagin.
“Sevy.” pagtawag niya sa akin bago halikan yung babae. Ramdam na ramdam ko yung sakit habang nakikipag halikan siya sa iba. Sobrang sakit na yung taong mahal mo may kahalikang iba at ipinamumuka niya pa sayo na hindi ka niya mamahalin. Gusto na siguro niya na sumuko ako. Pero... mahal ko siya eh. Hahayaan kona lang ba na saktan niya ako? Gusto ko na sa araw na maalala niya ako ay kasama ko parin siya. Pero ang tanong, maaalala niya paba ako? Felling ko hindi na eh. Naramdaman kong tumulo na ang luha ko habang nakatitig ako sa kanila habang uhaw na uhaw silang naghahalikan. Agad kong pinunasan ang luha ko at nagtungo nalang sa kusina. Niligpit kona yung kakainan ko dahil nawalan na ako ng gana at mukang hindi naman siya kakain kaya nagtungo na agad ako sa guest room at doon natulog. Umiiyak parin ako nang ipikit ko ang aking mata.
_
Nagising ako nang biglang tumunog yung alarm ko. Alas sais na palang ng umaga. Agad akong bumangon sa aking hinihigaan at lumabas sa aking kwarto. Naglalakad ako patungo nang kusina nang bigla akong nakaramdam ng pagsuka. Agad akong tumakbo papunta sa banyo at nagsimulang sumuka.
“Bwachhhhh.” nahihilo ako habang patuloy padin ang pagsuka ko. Ano nanaman bang nakain ko. Maayos naman ang mga pagkain dito ah. Bakit bigla nanaman akong sumuka. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto.
“What's happening here?” malamig na tanong niya. Hindi kona nasagot ang tanong niya dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako ng sobra at nasakit na ang ulo ko. Pinilit kong makatayo at pinlush ko yung toilet bago lumabas ng banyo. May kakaiba akong nararamdaman eh. Gusto kolang makasigurado kung totoo ba ang hinala ko. Agad akong pumasok sa guest room at inilock ang pinto.
Binuksan ko yung cabinet ko at hinalukwat yung mga damit hanggang sa makita ko yung hinahanap ko. Pt, Pregnancy Test. Ganito din kase ang mga naramdaman ko ng pinagbubuntis kopa sila Zyler at Skylaire. Hinintay kopang maka alis si Tyler bago ako nagtungo muli sa banyo at itry tong pt.
Nagulat ako sa naging resulta.
P—POSTIVE?!
Ibig sabihin buntis nanaman ako? Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kona agad kung sino ang ama ng batang dinadala ko dahil may nangyari sa amin ni Tyler nung nakaraang buwan. Umuwi kase siyang lasing noon at napagkamalan niyang ako si Darcie at bigla niya akong hinalikan tapos may nangyari sa amin.
Napa tulala ako dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwalang nag dadalang tao nanaman ako. Pero baka ipagtabuyan din ni Tyler ang batang nasa sinapupunan ko kapag nalaman niya. Mas mabuti siguro kung itago ko muna ito, saad ko sa sarili ko bago lumabas ng cr. Nagulat ako nang buksan ko yung pinto ang bumungad sa akin ay si Tyler. May hawak siyang mga gamot at may dala din siyang pagkain. Anong ginagawa niya dito? Gagamit din ba siya ng banyo. Agad kong itinago yung pregnancy test at umiwas ng tingin sa kaniya.
“M—may kailangan kaba?” kinakabahan na tanong ko sa kaniya. Malamig niya lang akong tiningnan bago iabot ang gamot at pagkain sa akin.
“Oh gamot saka pagkain. Baka na food poison kalang.” Food Poison? Kung alam molang na buntis nanaman ako dahil sayo. Pero kagaya nga ng sinabi ko, wala akong balak ipaalam sa kaniya. Ayaw kong ipagtabuyan niya din yung magiging anak ko. Saka pasikreto nalang akong magpapa check up. Wala naman siyang pakielam sa akin kaya hindi yan magtatanong kung saan ako galing. Agad kong kinuha yung mga gamot at nagpasalamat bago magtungo sa kwarto ko.
YOU ARE READING
My Professor Got Me Pregnant [COMPLETED/EDITING]
RomanceSevianna Kate and Tyler Clyde's Love Story. Sevianna Kate Perez is a student who has been in love with her English Teacher Tyler Clyde Valdez for a long time. She has always loved him since she was a child. The only problem is that he doesn't seem i...