𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎

17.9K 456 13
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


Flashback. . .

"Asaan ka na ba? Kanina ka pa namin hinihintay ni Sheena." bungad na tanong ni Grace nang sagutin ko ang tawag niya. Ni loudspeaker ko ang tawag at naglakad ako papunta sa lababo, huhugasan ko ang kamay kong may mga durian.

Wala na sina mommy dito sa kusina, bumalik na sila sa sala ang tatlong kumain ng durian ko ay bumalik na sa kanilang kwarto bago sila umalis ay inirapan ko sila. Kibit-balikat lang ang tinugon nila.

"Andito pa ako sa bahay e. Pero pupunta ako diyan ngayon. "

"Luh? Akala ko ba kanina papunta ka na?"

"May naging emergency lang." tugon ko. Ayaw kong sabihin sa kanya ang nangyari. Baka kasi awayin niya tatay niya or worst kampihan niya at ako ang awayin niya. Wala pa naman akong kasalanan. Hindi pa rin ako sinasagot ni Daddy sa naging tanong ko tungkol kay Ashton. Kanina ko pa siya pinipilit, pero ang laging tugon niya ay "I don't know." siguro nga wala? Pero bakit gano'n na lang ang galit ni Ashton? Hindi kaya may alitan sila ni Dad, tungkol sa business? Ngayon ko lang naalala ang mga naging reaksyon ng mga bodyguards noong makita nila si Ashton.

Tungkol nga ba sa business?

Haiyts! Ewan! Pero bakit ako nadamay? Nagmahal lang naman ako 'di ba? Nagmahal ako ng gurang! Kainis! Ang arte-arte ni Ashton!

"Chandrea, ano? Are you coming or not?" napukaw ako sa pag-iisip nang marinig ko ang malakas na boses ni Grace sa kabilang linya.

"Yeah! Yeah! Sige na, aalis na ako. See you there." tugon ko at pinatay na ang tawag. Pinunasan ko ang kamay ko gamit ang tissue at nagmadaling lumabas.

Naabutan ko si Daddy at Papa Ryle na nagbabangayan na naman. Wala ng bago. Lagi nal ang. Up until now ay nagseselos pa rin si Daddy kay Papa.

Nagpanggap kasing bakla si Papa noon para maging kaibigan ni mommy para mapatawad ni mom ang sabi kasi ni Mommy ay maluko si Papa Ryle noong kabataan nila, pinagpustahan siya ng mga kabigan ni Papa 'tapos nalaman ni Daddy, binugbog niya si Papa Ryle. Pero noong umalis si Daddy at nabuntis si mommy ay nagpumilit na maging kaibigan ni mom si Papa, pero dahil galit si Mom kay Papa hindi niya tinanggap ang pakikipagkaibigan ni papa, pero hindi sumuko si papa Ryle hanggang sa humantong na nga sa pagpapanggap na bakla siya para lang matanggap siya ni Mom.

Noong bumalik si Daddy at nalaman na magkaibigan si Mom at papa Ryle noong una ay okay lang pero noong nalaman niyang nagpapanggap lang si Papa ay galit na galit siya, lagi niyang inaaway si Papa sa tuwing nagkakaharap sila. Tinatawanan lang naman siya ni Papa Ryle at sinasaway ni Mom.

"Mom, punta lang ako kina Grace." paalam ko kay mom.

"Baby, hindi ba't tatay ni Grace si Ashton?" nag-aalalang tanong ni mommy.

"Yes po, pero hindi naman po si Ashton ang pupuntahan ko doon si Grace po." tugon ko.

"What!? Anong gagawin mo doon!?" si Daddy. Sumabat na naman. Napairap ako.

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon