𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐕𝐄

17.8K 460 12
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐕𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Ilang araw na ang nakalipas nang pinapanood ko sa mga anak ko ang compilation ng pictures and videos namin ni Ashton.

Pagkatapos magsalita ni Tres ng araw na iyon ay natigilan ang mga anak ko. Nakita ko ang pagkawala ng tuwa at excitement nila.

Tinanong pa nila kung mahal sila ni Asthon. Hindi ko masasabing oo, at hindi ko rin masasabing hindi dahil sa totoo lang, hindi ko alam. Wala akong ideya. Baka oo, o baka hindi.

Actually, natatakot ako na hindi niya tanggapin ang mga anak namin kapag nalaman niyang nabuntis niya ako. Natatakot akong tanggihan niya sila.

You can't blame me. He's mad at me. Galit siya sa daddy ko. Galit siya, kaya baka hindi niya tanggapin ang mga anak ko or maybe matatanggap niya pero baka kunin niya sa akin ang mga anak ko. Baka magalit siya dahil tinago ko ang mga bata sa kanya at para gantihan ako ay kukunin niya ang mga anak ko.

God! Mababaliw ako kapag nangyari iyon. Isipin ko pa nga lang ngayon ay para ng dinudurog ang puso ko ng pinung-pino. Naiiyak na ako.

Napalingon ako ng biglang may nag-abot sa akin ng panyo. It's Rio. Kinuha ko iyon.

Ang swerte ko kay Rio. Everytime na nalulungkot ako ay nandyan siya palagi. Handang maging sandigan ko sa tuwing ng hihina ako, handang mag-abot ng panyo sa tuwing iiyak ako. Paano na lang kung wala si Rio? Sa limang taong ko siyang nakasama, pinagpapasalamat ko ng sobra. I'm so thankful that he became my friend... my best friend.

"Hey, you're crying again." tumabi siya sa akin. Nandito ako ngayon sa balkonahe. Tulog na ang mga bata.

Malamig ang simoy ng hangin dito maaliwas ang gabi, maliwanag ang langit dahil sa mga kumikinang na mga tala, ang buwan ay napakabilog.

Napaka-perfect ng ambiance, tanging ang mga tunog lang ng kulisap at ang tunog ng pag-alpas ng alon nang dagat sa dalampasigan ang maririnig. Para iyong musika sa pandinig.

I'm so in love with this place. Ang tanging mga kapitbahay lang namin ay ang mga taga-pangalaga ng  isla at ang mga katulong namin dito sa bahay.

Pinatayuan sila ni Rio ng maliliit na bahay sa hindi kalayuan mula dito sa mansion. Pinag-aral din ni Rio ang mga anak ng mga trabahante niya sa syudad.

Ang islang ito'y napapalibutan ng tubig. Ang tanging transportation lang sa tuwing  papunta or aalis dito sasakay ng sasakyang pang dagat. May yati si Rio, iyon ang nagsisilbing transportation namin sa tuwing tutungo kami sa syudad at sa kabilang isla para ihatid ang mga bata sa kanilang skwelahan.

"Rio." Sambit ko sa pangalan niya. Pinunasan ko ang luha ko. Hindi na ako nagsusuot ng eyeglasses ngayon lagi na lang contact lenses dahil simula noong magka-anak ako ay laging nasisira ang eyeglasses ko. Ang bilis kasi ng kamay ng mga baby, kinukuha nila eyeglasses ko kapag kinakarga ko sila. And before I know it, nabali na nila minsan ay tinatapon nila kaya nababasag kaya simula noon ay contact lenses na ang ginagamit ko.

Sumamdal ako sa balikat ni Rio after kong punasan ang mga mata ko.
Nabalot kami nga katahimikan ngunit ilang sandali lang ay nagsimulang kumunta si Rio. Tear drops on my guitar by: Taylor Swift, ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses ni Rio habang kumakanta siya, tila ba may pinanghuhugutan siya. Maganda ang boses niya, napakakalmado, sa sobrang kalmado kapag nagsisimula na siyang kumanta ay gumagaan ang nararamdaman mo.

Hindi kaya't broken hearted si Rio kaya malungkot ang kinanta niya? Pero wala naman akong nababalitaang may nagugustohan or nililigawan siya.

"Chandrea," tawag sa akin ni Rio. Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya tiningala ko siya.

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon