𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

21.1K 475 28
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"Can we talk?" isang araw ay bungad sa akin ni Ashton, nasa opisina ako ngayon isang linggo na akong bumalik sa trabaho, panay na kasi reklamo si Chandre na nahihirapan na siya na dalawang company ang hinahawakan niya kaya kailangan ko ng bumalik.

Isang buwan na ang nakalipas nang makilala ni Ashton ang mga anak namin and so far okay naman ang bonding nilang mag-ama. Nasa kanila ang mga bata ngayon hinayaan ko silang mag-bonding habang ako'y umuwi na sa bahay ng parents ko dinadalaw ko na lang ang mga anak ko araw-araw, lagi ko rin sila tinatawagan.

Si Rio ay umuwi ng Davao aasikasuhin niya muna daw ang Isla.

"What is it, Ashton? I'm busy." sabi ko hindi ko siya tiningnan, sinulyapan ko lang siya saglit at nagkunwaring may hinahanap sa ibabaw ng table ko. "Saan ang mga bata?" tanong ko sa kanya.

"Your parents took them, ibabalik na lang daw nila mamaya." tugon niya. "Can we talk at least 5 minutes, Chandrea."

Natigil ako sa pagkukunwaring may hinahanap napabuntonghininga at inayos ko ang eyeglasses ko.

Nagsusuot na ulit ako ng eyeglasses now, hindi naman na inaagaw ng mga bata ang glasses kaya okay ng magsuot ako.

"Maupo ka." sabi ko ko at itinuro ko ang visitors chair.

Naupo naman siya pero bago iyon ay may iniabot siyang maliit na box sa akin.

"Ano ito?" tanong ko sa kanya.

"I also don't know. I don't remember what's inside but I saw it on my old things, ang sabi ni Grace ay nasa bulsa ko iyan noong na disgrasya ako. I don't open it because there's a name on it at the back. So assumed that maybe that's is for you."

"Okay, I'll open it later."sabi ko nang makitang pangalan ko nga ang nasa likod ng box, ibinalik ko na sa mga papers ang paningin ko. Nilagay ko lang sa tabi ang box na inabot ni Ashton.

"Are you avoiding me?"

"No."

"Iniiwasan mo ako sa tuwing lalapit ako sa 'yo ay lumalayo ka, bakit?"

"Busy ako, Ashton at isa pa binibigyan kita ng pagkakataon na makasama ang mga bata gusto kong sulitin mo ang pagsasama niyo ang pagbawi mo sa mga panahong wala ka sa tabi nila."

"Pero, gusto ko ring bumawi sa 'y—"

"Sabihin mo sa akin iyan kapag nakaalala ka na, Ashton." malamig na sabi ko.

Napag isip-isip ko kasi nitong nakaraan na tama na si Tres na kailangan kong timbangin ang nararamdaman ko at hindi ko dapat hayaan ang sarili kong magmadali ulit baka kasi matulad na naman noon naging mabilis ang pagkakaroon namin ng relasyon naging mabilis ang pag amin ko sa sarili kong mahal ko siya, naging mabilis na hindi ko na naisip kong mahal niya rin ba ako. Nakuntento na lang ako sa actions niya hindi ko na naisip na kailangan rin ng salita para masabing mahal ka talaga ng tao. Hindi lang puro effort, kailangan ka rin niyang bigyan ng kasiguraduhan.

Mahal ko siya pero, tama bang ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa? Sinabi niya sa akin noong nakaraan na mahal niya ako? Sigurado ba siyang mahal niya talaga ako? Paano kung pagbalik ng alaala niya ay bumalik din ang lahat ng galit niya?

Kaya kahit mahal ko siya kailangan ko munang pigilan ang sarili ko. Kailangan ko munang hintayin ang tamang panahon. Kailangan ko munang masigurong mahal niya rin ako at higit sa lahat kailangan ko ring hintaying makaalala siya baka kasi kapag sumugal uli ako mabasag at masaktan na naman ako, baka kapag sumugal ako ulit matalo ako ulit. Baka kasi pagbalik ng alaala niya kasabay din nito ang pagkawala ng pagmamahal na sinasabi niya.

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon