Yooner Kyline's POV
Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na nanggaling sa aking bintana.
Umaga nanaman. Another morning means another day.
Bumangon na ko dahil may pasok ako ngayong araw. Kahit na maaga pa, nagsimula na kong gawin ang pangaraw-araw na seremonyas ko bago bumaba para kumain.
Bago pa ko makababa, napansin kong may tumatawag mula sa cellphone ko. Nagbi-blink eh baka may natawag.
Kinuha ko iyon at sinagot ito nang hindi tumingin sa caller ID.
"Hello sino this?" sagot ko.
[Wow ah maka-"sino this" 'tong babaeng 'to. Uso pong tumingin sa caller ID.] At ginawa ko nga ang sinabi niya. Ay si bestfriend pala.
"Sorry naman. Ikaw ang aga aga nagsusungit." Nag-pout ako parang akala mo naman makikita niya.
[Wala kang pake Kyline. Tsk. Bilisan mo na oy nandito na ko sa labas ng bahay niyo aba wag mong paghintayin ang maganda.] Sagot niya. Letse ang sungit! Hula ko, nakataas nanaman kilay nito.
"Oo na. Try mo kayang pumasok ng bahay. Hindi ka naman ata mukhang magnanakaw eh. Suggestion lang." I smirked.
[Pakyu sagad Yoonera. Tsk.] Then she ended the call.
Bumaba na ko para kumain ng breakfast at nadatnan ko dun sila mommy at daddy na kasalukuyang kumakain na.
"Goodmorning darling." Bati ni mommy na may British accent pa. Kakauwi niya lang kasi from London dahil sa business meeting na doon ginanap.
"Goodmorning sweetie." Bati naman ni daddy nang hindi natingin sa akin dahil busy sa kanyang laptop and still doing his business. Both of my parents are always very busy pero laging may time para sa breakfast na magkakasama kami.
I gave them both a kiss on their cheeks. I took my seat which is always infront of them at nagsimula na kong kumain.
May narining kaming kumatok mula sa front door at niluwa ang isang Victoria Freniere mula sa pinto.
"Goodmorning tita and tito! Goodmorning din bes." Bati ni Victoria at bumeso sa akin at kila mom at dad.
"Oh Tori nagbreakfast ka na ba? Tara kumain ka na rin dito. Maaga pa naman eh." Alok ni mommy.Tori ang nickname ni Victoria since ang haba imention ng full ang name niya.
"Hindi na po tita kumain na po ako sa bahay. Sarap ng niluto ni mom eh. Atsaka nagtatampo na rin si dad kasi dito na ko laging nakakakain."-tori
"Ok then. Sa sala ka nalang muna. Wait mo nalang 'tong si Yoonera. Bagal kumain eh." Sabi ni Daddy.
Hindi rin nagtagal ay umalis na rin kami. May kanya-kanya kaming kotse at driver. Edi hiwalay kaming pumasok ng school.
Pagdating dun agad akong bumaba ng kotse para puntahan ang kotse ni Tori kasi lagi kaming sabay pumasok sa campus.
Bago pa man ako makalapit kay Tori ay biglang may tumawag sa akin.
"Yoonera!" May nakita akong tatlong magagandang babae na papunta sa direksyon ko. Agad nila akong sinalubong na yakap at sakto ay nakalabas na rin ng kotse si Tori.
"Yoonera! I missed you so much talaga. Grabe ang ganda mo pa rin! Pero mas maganda pa rin ako." Tumawa siya. Siya nga pala si Katniss Celestine Sarte. One of my friends dito sa school.
"Tse hahahaha." Natawa nalang ako kaya nagpout siya. Sarap sapakin nung nguso hahaha joke
"Tara sabay na tayo pumasok sa classroom." Sabi ni Katniss at hinila-hila ako. Binawi ko naman ang kamay ko kaya napatingin siya sakin.
"Uh teka isabay narin natin 'tong si Tori." Tumingin ako kay Tori saka ngumiti. Napansin ko naman ang biglaang pag-irap ni Katniss.
"K whatever." At hinili na ulit ang braso ko. Sumunod na lang itong si Tori. Gusto ko man siyang makatabi kaso makulit itong si Katniss.
"Goodmorning pres." Bati sa akin ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Simpleng ngumiti lang ako sakanila at binati din.
"Special treatment for the school student council president eh?" Rinig kong sabi ni Katniss.
Ako kasi ang student council president dito sa buong school. Si Katniss naman ang secretary.
Nang marating namin ang classroom, agad kaming pumwesto sa aming nga upuan. Katabi ko si Tori of course.
4th year high school students na kami. At medyo nalalapit na ang graduation.
Nagsimula na ang klase. Habang nagkaklase napansin ko ang paulit-ulit na pagsulyap sa akin ni Katniss. Hindi lang pala sa aking kundi pati kay Tori. Tumingin naman ako sa katabi ko na tahimik na nagsusulat ng notes.
Anong problema ng Katniss na'to?
--*
Mabilis na natapos ang klase. Niyaya ako ni Katniss na pumunta ng bar kaya nagpaalam at pinauwe ko na si Tori.
Nang makarating kami ni Katniss sa bar, pinapasok naman kami ng bouncer. Nagtataka ba kayo kung bakit pinapapasok nila ang mga menor de edad na katulad namin? It's simple. Kaibigan namin ang may-ari ng bar na ito. Well, isa lang naman ito sa mga pagmamay-ari ng kanilang pamilya at ito ang ipinamana sa kanya.
Umakyat na kaming dalawa ni Katniss papunta sa usual VIP room namin. Umorder na rin kami ng maiinom.
"So bakit ka naman biglaang nagyaya ha? Kita mo naman ata na busy ako diba? Ikaw kaya maging student council president." I rolled my eyes sakto namang dumating na ang inorder namin. Margaritas lang naman. Bawal akong maglasing baka pagalitan ako nila mommy.
"Layuan mo na yang Victoria Freniere na yan." Seryosong sabi niya. Muntikan ko nang mabuga yung iniinom ko. Shet
"What? Sira ulo ka ba? Bakit ko naman gagawin yun?"
"Like duh! Nakakasira lang ng image mo yang si Victoria. She's a commoner. She doesn't even have friends! Tapos ikaw naman, sikat ka at student council pres ka pa. Nakikipag-friends ka sa mga katulad niya? That way out of your league girl." Sabi niya at saka ininom ang kanyang margarita. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Nakakagago.
"Bakit ko naman gagawin yun? She's been my bestfriend since birth! Magkaibigan din ang parents namin. So ano naman kung isa siyang commoner? Kung ayaw mo sa kanya, wag mo kong idamay dyan sa mga kagaguhan mo." Inis kong sabi atsaka umalis sa lugar na yun. Nakakabadtrip lang. Tsk.
"Hoy uuwe ka na agad? Grabe kararating ko lang." Sabi ni Madison Aliena Cruz, siya yung sinasabi kong may-ari ng bar na'to. Gusto ko pa sanang magstay kaso nawala na ko sa mood.
"Sorry marami pa kong kailangan gawin eh. Nandyan naman si Kat. Bonding muna kayo." At tuluyan na kong umalis doon.
BINABASA MO ANG
Best Frienemy {1st}
Teen Fiction[Book I] Si Yoonera at Victoria ang pinaka mag bestfriends sa buong mundo at parang wala ng makakapaghiwalay sakanilang dalawa. Pero nagbago ng lahat ng mamatay ang parents ni Victoria at kupkupin siya nila Yoonera. At unti-unting mapupunta ang laha...