Yoonera/Norica's POV
Kakasabi ko lang na home sweet home. Kaso naalala ko, wala pala akong uuwian dito.
"Katniss, sainyo muna ko? Wala akong uuwian."Tumingin naman ito kay Terrence at nag smirk.
Anong trip nito?
"Hehe, ah, eh, Di kasi pwede."
"Ha?! Eh kanino ko uuwi? Ayoko sa hotel."
"Ahm.. Ah! Terrence!"
"Ayaw kita kausap."Sabi ni Terrence at sinipa ang maliit na bato sa harap ng paa niya. Habang ang mga kamay niya nasa pocket.
"Ayaw rin kita kausap gago ka. Hoy! Si Norica, walang tutuluyan."Sabi ni Katniss at ngumisi.
Ha? Bakit kay Terrence niya ko pinapatuloy? Edi ba mag jowa sila? Alam ko naman na may tiwala siya pero diba.
Hinila ko naman si Katniss sandali.
"Huy, ano yun. Diba M.U. kayo?"
"Anong M.U.? Gago ka ba? Matagal na namin natigil yung M.U. na yon!"
"Ha?! Eh bakit ang close niyo pa din?!"
"Tangina ka. Tagal ko ng sinabi sayo to. Dika nanaman nakikinig punyeta."
"So ano nga?! Bakit di na kayo M.U.? Bakit ang close niyo parin?!"
"We decided na maging friends nalang. At bestfriends kami kaya close kami! Duh. And he-"
"KATNISS!"Sigaw na Terrence na kinagulat ko. Si Katniss naman, tawa ng tawa.
"Tang ina mo Terrence, di nakakatuwa!"Sabi ko at hawak ang dibdib ko. Shit, nagulat talaga ko.
"Hoy Terrence sa bahay niyo matutulog yang gagong yan ha. BYE!"Sabi ni Katniss at sumakay na dun sa sundo niya.
So sakanila talga ko matutulog?
"Sooooo......"Pag sisimula ko. Isang taon ko ng kasapakan si Terrence pero ang awkward ngayon.
"Sa bahay namin tayo matutulog. Tapos ipapalinis ko yung condo ko para dun tayo matulog. You can stay whenever you want."
"Thanks. Lilipat din ako pag naka bili nako ng condo."
"Norica."
"Oh?"Tanong ko at tinignag si Terrence. Seryoso ang muka niya.
"Ang pangit mo."
"Tangina ka!-"Sasapakin ko na dapat siya pero bigla siyang umalis at tumakbo.
"Yung sundo natin!"
Typical Terrence.
--
Nandito na kami sa bahay ni terrence. Ang yaman pala ng gagong to? Di halata sa muka dugyot eh. Joke. Haha.
"Laway mo Kyline. Tara na, pakilala kita sa Family ko."
Pag pasok namin sa bahay niya, hinug siya agad ng isang babae. Nanay niya siguro.
Nabanggit rin sakin ni Terrence na nag bago na mommy niya. May pake na tska naging clingy sakanya which is so sweet.
"Anaaaaak! Na miss ka namin anak!"Sabi ng mommy niya at hinug siya. Napa tigil ito at napa tingin sakin. Agad niyang hinawakan ang nga kamay ko.
"Jusko! Anak nobya mo ba ito? Ang gandaaa!"
"Ma! Kaibigan ko lang yang ulol na yan. Bitawan mo nga siya ma baka mahawa ka sa ka pangitan niya."Agad ko namn siyang sinapak. Gago.
BINABASA MO ANG
Best Frienemy {1st}
Fiksi Remaja[Book I] Si Yoonera at Victoria ang pinaka mag bestfriends sa buong mundo at parang wala ng makakapaghiwalay sakanilang dalawa. Pero nagbago ng lahat ng mamatay ang parents ni Victoria at kupkupin siya nila Yoonera. At unti-unting mapupunta ang laha...