#25

29 4 3
                                    

Kristen's POV

Pag pasok ko palang sa venue, si Yoonera agad ang hinanap ko. Isang buwan nakaming hiwalay pero siya patin talaga. Birthday ngayon ni Angel, at invited kaming dalawa.

The day when she broke up with me, naramdaman ko ang bigat ng mundo sa dibdib ko, sobrang sakit. Hindi ko siya naintindihan nung una, pero unti unti kong naintindihan. Gago kasi ako.

Habang nakaupo ako magisa sa isang bench, may tumabi saakin, pag tingin ko si Terrence.

"Kamusta kayo ni Angel?"

"I'm courting her. Ikaw? I mean kayo?"

I just faked laughed. "Nanalo nga ako sayo, natalo rin naman ako bandang huli."

"Pabebe lang talaga yang si Norica. Joke, haha. Intindihin mo nalang siya. Patience is a virtue. Hindi niya naman gagawin yun kung hindi mahalaga ang rason diba? Kilala mo si Norica, hindi siya magbibitaw ng desisyonh hindi nararapat."

"Ingatan mo si Angel ha? Kahit may pag ka landi yon, magbabago yon pag nag mahal. Wag mo siyang susukuan."

"I won't. Sige pare, kita nalang tayo sa loob. Hanapin ko lang si Angel. Tandaan mo, patience is a virtue."

Kamusta na kaya si Victoria? Si Yoonera? Kamusta na kaya siya? I miss her so much.

I love her more than life, pero wrong timing talaga kami, kahit anong gawin naming pag aalaga sa relasyon namin nabubuwag lang din sa huli. Hindi pa siguro ngayon. O hindi talaga siguro. Hindi ko alam. No one knows.

Alam ko sa sarili ko, Mahal niya ko. Mahal namin ang isa't isa. Pero nga diba, Some people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Corny man pakinggan, pero ganoon talaga.

I never expected this shit in my life. Victoria being my mistress in the past, tapos bigla siyang naging original tapos ang ex ko naman ang naging Kabit. What a twisted love story.

Ang sakit, kay Yoonera ko lang talaga nararamdaman tong sakit na to. Siya lang talaga ang nag papaiyak sakin.

Pero hindi ko talaga siya deserve eh. She deserve someone better, someone who can never make her cry. Not like me.

Naramdaman ko naman na may umupo ulit sa tabi ko.

"Ang ganda ng mga bituin, noh? Para silang ginto sa langit. Mga gintong kahit kelan hindi makakamit."

"Yoonera."

"Sorry, Kristen. Naging duwag ako. Ayoko kasi na masaktan tayo lalo."

"Naiintindihan nakita. Hindi nga naman kasi lahat ng bagay naka oras Ngayon, hindi ba?"

"Kristen? M-Mahal mo pa ba ko?"

I smiled at her. "More than life, Yoonera. Nore than life."

"Sorry... Patawarin mo ako."i can see her eyes getting glossy hanggang sa tumulo na ang luha niya.

"Stop. Don't cry. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan. I'll be fine."

"Pero s-Sinaktan kita."

"Stop crying now, okay? Ayaw kong nakikita kang ganyan, tska baka akala nila pinaiyak nanamna kita."

"Mahal kita."

"Mahal din kita."She smiled at me one last time and walked away. At pagkatapos non tumulo na ang luha ko. Yoonera, bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito?

I looked at our ring. Suot ko parin yung akin. Tapos yung sakanya, iniwan niya dito.

Maybe next time, Yoonera. Maybe next time.

Norica's POV

Pagkatapos ng birthday ni Angel, umuwi nakami. Nag hilamos ako at upo sa terrace. Ang sakit parin. Laging masakit.

"Bakit nandito ka pa? Dapat tulog kana."

"Hindi ako makatulog kuya eh."

"Masakit parin ba?"

Ang hina ko talaga. Agad akong umiiyak. "Sobrang s-sakit, k-kuya. Sobra pa sa sobra..."

"Maiibsandin yan, Norica. Tama yung ginawa mo. Hindi sa ayaw ko kayo para sa isa't isa. Tama lang talaga yung ginawa mo dahil yun ang makakabuti."

"Kuya pero b-bakit ganoon? Laging kaming hindi pwede, laging may sabit. Laging sablay. Hindi na tumama."

"It's not yet meant to be."

"What if it's really not meant to be?"

"Then let it be. Wag ipilit ang hindi dapat ipilit. Kasi Norica, pag dead end na, kahit anong gawin mo, dun ka nalang. Dahil pag nasa dead end kana, wala ka ng dadaanan pa."

"Norica, mahal ka ni Kristen. But love is a bitch. You can never rule it because it rules you. Be the bitch that love will fear. You need to handle yourself. Kahit kasa-kasama mo kami, sa bandang huli, ikaw nalang magisa kasi may sarili kang pananaw sa mundo."

Lumaman mga sinabi saakin ni kuya. Tama nga siguro ang ginawa ko. Pero, why does it have to hurt?

"Magtira ka para sa sarili mo. Magtira ka ng pagmamahal para sayo. Kasi kahit anong gawin mo, masasaktan at masasaktan ka lang rin. Pero hindi masyadong magiging masakit kung may pagmamahal ka sa sarili mo."

"Norica?"I looked at him with my red glossy eyes. "Pupunta na tayo sa Japan. Sasama ka ba?"

"Oo, kuya."

Isa pa itong makaka buti para saakin. Dapat hindi na ako nasasaktan. Hindi ko naman kasi deserve to, hindi ba?

Best Frienemy {1st}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon