APOLO: TRES

659 18 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Pinagsasabi ne'to?

Alam naman niyang hindi ako marunong ng Spanish katulad nilang dalawang magkapatid. Bihasa sila sa lenggwaheng 'yon dahil halos sa Spain sila nagbabakasyon dahil doon halos nakatira ang mga kamag-anak nila samantalang ako ay wala akong maintindihan sa mga salitang sinasabi nila gamit ang lenggwaheng 'yon.

"Ha?" 'Yon nalang ang naging reaksyon ko. Napansin ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi ni Apolo pero hindi naman ako sinagot. Halata naman kasing pansin niya na wala akong nakuha sa mga sinabi niya kanina.

"What are your plans after you graduate?" Tanong ni Apolo.

Napasulyap muna ako kay Alaric na kababalik lang galing banyo, hawak na niya ang kaniyang cellphone at may tinitipa na kung ano doon. Nag-angat siya ng kaniyang ulo pagkatanong ni Apolo n'on.

One of my plan is to marry Alaric, well, it is partly impossible because he still doesn't love me but I can give him no choice. Pipikutin ko siya, 'yon na din naman talaga ang plano ko simula palang at baka makuha pa siya ng iba.

Alam kong malabo na mahalin ako ni Alaric kung kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin kaya naman kailangan ilagay ko siya sa lugar na wala talaga siyang kawala.

I composed myself, not wanting Alaric to notice my sudden silent. Baka mahuli pa ako na may binabalak akong masama sa kaniya. Masyado na akong kilala ni Alaric at sa kabisado na niya kung anong tumatakbo sa isip ko. Naiinis nga ako minsan dahil para akong bukas na libro sa kaniya at hindi ko magawang magpanggap.

"I will work under my cousin. Si ate Jillian kasi ang role model ko. She's great when it comes to her work" sabi ko nalang, well, 'yon naman talaga ang nasa top priority ko. Pangalawa lang 'yong pamimikot ko kay Alaric, pero importante parin 'yon para sa akin dahil doon nakasalalay ang lovelife ko.

"May plano ka pala sa buhay, Via?" Pang-eepal nanaman ni Alaric.

Agad tumama ang masama kong tingin kay Alaric saka ko siya inismiran. "Huwag mo akong itulad sa'yo"

Alaric made a face. "I have so much in my plate and you know that, Via. Kaya nga palagi ka nalang nangungulit sa akin dahil hindi kita maisingit sa busy schedule ko"

"Oh, talaga ba? Ba't ka nandito kung ganoon?" Ngumisi ako sa kaniya nang bumakas ang pagkapikon sa kaniyang mukha.

Babawi sana si Alaric ang kaso ay sinuway na kami ni Apolo. "Stop it, you two" naroon nanaman ang linya niyang 'yon. "You both are bestfriends but sometimes I don't get when you fight. Para kayong aso at pusa"

"Si Via 'yong aso, palagi kasi siyang tumatahol"

Aambahan ko sana si Alaric ng suntok nang suwayin ako ni Apolo. He held my hand and stared at my wrist.

ISLA VERDE: APOLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon