APOLO: CINCO

641 10 0
                                    

I couldn't look at Apolo the whole time we were eating breakfast and it was so hard for me to act like nothing happened

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I couldn't look at Apolo the whole time we were eating breakfast and it was so hard for me to act like nothing happened. Hindi naman kasi siya ang goal ko na yakapin magdamag kagabi, si Alaric ang puntirya ko kaya nga siya ang niyakap ko nang makaramdam na ako ng antok. Hindi ko inakala na si Apolo ang mabubungaran ko.

Ano bang nangyari? Bakit naging ganoon nalang ang pwesto namin?

"What about you, Via? Are you going to come with us to Verdenito Cruise after Alaric's graduation? 'Yon kasi ang regalo ni Apolo sa kapatid niya bago mag-aral itong si Alaric sa pagpi-piloto" their Dad said. 'Yon na pala ang topic nila, ni hindi ko manlang nasundan.

Hindi agad naproseso sa akin kaya naman lutang akong tumango. Saka lang nag-sink in sa akin na sasakay sila sa sikat na Cruise ship na 'yon kaya naman bumuka ang bibig ko. "Wait, sa cruise ship na pinagtrabahuhan mo dati?!" Gulat kong baling kay Apolo.

Namuo ang ngiti sa labi ni Apolo saka tumango. "Will you come with us?"

Tumango ako, namuo nanaman ang excitement sa dibdib ko at tuluyan na ngang nakalimutan ang nangyari kanina. Tuwang-tuwa ako na agad naman pinuna ni Alaric.

"Don't be too excited, baka makalimutan mo nanaman magdala ng mga damit mo" pambubwisit niya. Talagang pinaalala nanaman niya 'yong nangyari nang mag-boracay kami. Naiwan ko kasi 'yong mga gamit ko nang araw na 'yon kaya naman pagkalapag na lang ng eroplano ako namili ng mga damit doon.

"Isasama ko nalang mga damit ko sa suitcase mo para sure na madadala ko" ngiti kong malapad sa kaniya, nang-aasar din.

Natawa naman sina Tita at Tito. "Kayong dalawa talaga, sige na at kumain na kayo" si Tiya Hailey na inabutan pa ako ng niluto niyang ulam. "I will also ask Gianna if she can come with us" tukoy ni Tiya kay mommy.

I don't think so, masyadong busy sina mommy kaya madalas wala talaga kaming get together. Kung hindi lang talaga ako sasama sa mga galaan nila Alaric at ng pamilya niya ay hindi ako makakagala ng madalas. Gustong-gusto ko pa naman ang road trip at kahit ang out of the country lalo na at kasama ko si Alaric. Kadalasan kasi ay siya ang kasama ko sa kwarto at syempre lagi akong may access na bumuntot sa kaniya.

Napalasap nanaman ako sa kinakain namin. Nahinto lang ang pagngiti-ngiti ko nang mapasulyap ako sa taong nasa harapan ko. Kanina pa ba siya nakatitig? Medyo naiilang na ako kay Apolo,ha.

Magagaling talaga silang magluto,si Alaric lang yata ang walang namana sa kanila. Baka ampon ang isang ito?

Nang matapos kumain ay sa kwarto muna kami ni Alaric tumambay. Maglalaro raw siya ng COD at ako naman ay magbabasa ng mga usapan sa group chat naming magpipinsan. Claudine, one of my cousins, was having her own world, nasa Pangasinan kasi ang isang 'yon at lumayas ulit. Paniguradong babalik din naman 'yon kapag umalis na ulit ang step brother niya sa kanilang bahay. Si Acey naman ay nagdadrama nanaman sa group chat namin. Her boyfriend-or should I say ex-boyfriend cheated on her again. Ilang chances na ba ang nabigay ng babaeng 'yon? Si Josie naman ay wala, hindi naman yata uso dito ang lovelife. Sa aming apat na magpipinsan ay si Josie lagi ang takbuhan namin. Siya lang kasi 'yong walang pakialam sa love relationship pero parang siya pa ang mas beterano sa amin. Siya ang nagsisilbing love guru naming magpipinsan. Siya lang kasi ang malawak ang isipan pagdating sa ganoong bagay, bakit kaya hindi pa siya mag-asawa?

ISLA VERDE: APOLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon