Twenty Seven

224 9 4
                                    

***

Hindi pa rin ako nakaimik dahil sa nakita ko hanggang sa may tumapik na lang sa akin.

Pagtingin ko ay nakatayo na sa gilid ko si Finral bitbit ang mga damit na pinakuha niya sa baba.

"You okay Miss Gray? Mukhang ang lalim ng iniisip mo," saad niya kaya napailing lang ako.

"Huh? Ah wala 'to. May bigla lang akong naisip," palusot ko pa at mukhang naniwala naman siya doon.

Hindi ko na lang masyado inisip ang tattoo niya sa likod dahil sino ba naman ako para mang judge 'di ba?

I mean hindi naman porket he's most likely to not have that tattoo eh hindi na talaga siya pwede magkaroon ng gano'n.

Ako lang talaga ang nag assume na dahil mukha siyang malinis na person ay dapat whole body niya malinis din hehe.

"Miss Gray I'll put your clothes here so you could wear them after you drink that. I'm sure you don't want to stay in that robe for too long," medyo natatawa pa niyang saad kaya natawa din ako.

"Salamat Finral, you should get dressed too habang di ko pa naman tapos tong iniinom ko."

Tumango lang siya sa akin at nauna nang tumungo sa banyo para makapagbihis siya ng damit.

Ako naman ay tinapos na ang iniinom ko at kinuha ko ang bag ko. Kinalkal ko iyon at hinanap ang phone ko, baka sakaling mabuksan ko pa kaso wala, dead na talaga battery ko hays.

Need ko icharge ang phone ko since hindi ko iyon pwede patagalin na drained sa battery. Besides, baka mamaya marami na ang nagttext or tumatawah sa'kin tapos di ko pa pala alam.

Mahirap na magkaroon ng emergency tapos hindi man lang ako aware di ba. Tsaka mamaya baka tawag na ng tawag ang demonyong si Drake. Kung ano ano na namang sermon ang aabutin ko doon sa lalaking yon kapag nagkita kami. Akala mo naman talaga kung sino sa life ko para sermonan ako ng bonggang bongga.

Dinaig pa niya tatay ko sa panenermon mga ante. Kulang na lang magpari siya para non stop sermon ang gawin niya. Tch.

Nabalik ako sa realidad ng lumabas na uli si Finral galing ng banyo. "Your turn, Miss Gray," saad niya pa kaya tinanguan ko siya.

"Ay Finral siya nga pala, is there any chance na may spare charger sila dito? Drained na kasi yung battery ng phone ko and I need to see if may nag message sakin or tumawag," medyo nag aalala kong saad sa kaniya.

"Oh, is that so? I'll call the front desk to ask. You should change your clothes now. I got this dont worry," saad niya pa kaya nginitian ko siya and nag thank you din ako bago ko kinuha ang damit na nilagay niya sa ibabaw ng stool tapos dumeretso na ako papasok ng banyo uli para makapag palit na ng damit ko.

After ko mag palit ay sinampay ko uli ang robe na ginamit ko at lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko si Finral na nakaupo sa ibabaw ng kama at nakasandal siya sa headboard nito habang nagbabasa ng libro. Oh, he's also a book worm I guess.

Napansin naman niya ang presensya ko kaya lumingon siya sa akin.

"Nice, I got the right sizes for you. Saktong sakto lang sayo ang mga damit na napili ko," nakangiti pa niyang saad kaya medyo nahiya ko ng slight na slight lang hehe.

"Uh, anong libro yang binabasa mo?" Biglang tanong ko pang change topic kasi hiya ako ih. Hahaha!

"Oh, this? It's a mystery crime fictional book. It's called Catch Me Not," saad niya sabay pakita ng cover ng libro sa akin.

Mukhang maganda ang book.

"Mahilig ka pala sa mga detective files na mga stories?" Tanong ko pa kaya ngumiti lang uli siya sa akin na dahilan para lumabas na naman ang malalalim niyang dimples.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now