Chapter 04

59 10 1
                                    

MADISON'S POV

Kahapon ay nakalabas pa ang iba sa amin, at nang maisipan naming lahat na umalis na rito ay hindi na namin mabuksan ang pintuan kaya naman nagsimula na kaming magpanic lahat.

Mga bandang alas dose, tiyaka palang kami nakakain lahat dahil may naghulog ng mga pagkain mula sa labas. Para na kaming mga preso rito sa loob na nasa iisang silda lang.

Sobrang ingay ng paligid ngayon. Halos lahat ng maririnig mo puro katanungan na wala namang kasagutan.

Bigla kaming napatayo lahat ng biglang bumukas iyong pintuan sa labas ng tunnel. May mga armadong lalaki ang nakapalibot na sa amin ngayon.

"Magandang umaga sa inyong lahat!"

Nagsimula na naman ang mga bulungan.

"'Di ba siya yung nagbabantay doon sa may labas ng tunnel?" rinig kong bulong ni Dale.

Buong tapang na lumapit si brix sa taong nasa harapan namin ngayon ngunit hinarang siya ng isa sa mga bodyguard nito.

"Ikaw ba ang may pakana ng reunion party na 'to?" kaagad na tanong ni Brix.

Nilapitan siya nito at bahagya pa itong natawa at saka pinantayan si Brix.

"Tama ka riyan." tinapik-tapik pa nito ang balikat ni Brix.

"Bakit mo 'to ginagawa? Ano ba ang kasalanan namin sa 'yo?!" matapang na tanong ni Brix dito.

Tumahimik ito saglit bago muling sumagot.

"Wala." sabi nito.

Muli pang nagtanong si Brix ngunit hindi na siya pinansin nito.

May kinuha ito mula sa loob ng suot niya saka itinaas nito ang hawak niyang card. "Ang credit card na ito ay may laman na 500 million."

"Ibibigay mo ba sa 'kin 'yan?" pabirong sabi ni Floyd sabay tawanan ng mga kaibigan niya. Hindi pa rin talaga nagbabago itong si Floyd.

"Mapapasa'yo lang 'to kung ikaw lang ang matitirang buhay sa inyong lahat dito." sabi nito habang hawak-hawak pa rin 'yong credit card.

Napaatras naman ang iba sa amin.

Humakbang papalapit si Floyd sa taong nasa harapan namin ngayon habang seryoso ang kaniyang mukha. "Ang ibig mo bang sabihin...dapat patayin ko muna silang lahat bago ko, makuha 'yang credit card na hawak mo ngayon?"

"At sinong tanga ang papatay ng tao para lang sa pera?!" pagsingit naman ni Brix.

"Kami!" sabay-sabay kaming napalingon lahat sa mga sumagot at sa mga nagsitaasan ng kanilang mga kamay.

Halos lahat sa kanila ay iyong mga ka-batchmate naming huminto na sa pag-aaral, maagang nag-asawa, at mga walang trabaho.

"Nababaliw na ba kayo? Malaking kasalanan 'yan sa diyos!" pasigaw na sabi ni Brix sa kanila.

"Mahirap lang kami at may mga anak akong umaasa sa 'kin, kaya gagawin ko ang lahat para makaranas naman sila ng maginhawang buhay." walang pag-aalinlangan na sagot ni Kiro.

Biglang namang tumayo ang lahat ng mga balahibo ko sa sinabi nito. Kapag 'pera' na talaga yung pinag-uusapan. Magugulat ka nalang na kaya pala nilang gawin yung mga bagay na akala mo hindi nila kaya dahil feeling mo sobrang weak nila sa part na 'yon.

"Madali lang sa inyong umayaw kasi hindi kayo nakaranas ng paghihirap dahil lumaki kayong mayaman!" komento naman ng isa naming ka-batchmate.

"At sa ganoong paraan papatay kayo ng tao?! Papatayin mo kaming lahat para makuha mo lang ang pera?... Sa tingin mo ba kapag nalaman ng mga anak mong pumatay ka ng maraming tao para lang sa pera at para guminhawa ang buhay nila tatanggapin ka pa nila bilang ama?!" galit na tanong naman ni Crista.

IT'S NOT A GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon