Chapter 07

34 9 0
                                    

Pagkalubog ng araw, dahan-dahan kaming lumabas lahat at bumaba. Napag-desisyonan namin na lumipat na ng ibang kuwarto at maghanap na rin ng mga pagkain dahil wala na kaming makain sa araw na ito at hindi na rin kami safe doon dahil natatakot na rin kami baka bigla kaming pagbabarilin o baka naman mas worst ‘yong maranasan naming lahat kaya umalis nalang kami sa kuwartong iyon.



“Nagugutom na talaga ako.” biglang sabi ni Rachel habang naglalakad at nagmamasid kami sa buong paligid.


“Tiis-tiis lang muna” sabi ni Brix na mahigpit ang hawak sa baseball bat niyang dala.


“Bumalik nalang kaya tayo sa kwarto, guys? mas nakakatakot dito. Ang tahimik e!” suhestiyon naman ni Aika.


“Alam mong delikado na tayong lahat doon tapos sasabihin mong bumalik ulit tayo?! Ikaw nalang kung gusto mo, bahala ka!” masungit na sabi ni Dobei, siniko naman ito ni Rachel sa tagiliran.



Pagkapasok namin sa may kusina agad kaming dali-daling lumabas dahil hindi namin masikmura ang mga nakita naming mga bangkay ng mga dati naming mga kaklase na talagang brutal ang pagkamatay!


Isinuka ko lahat ng kinain ko kagabi, ganon din sina Dobei, Rachel, Aika, Serene, at Arane. Si Dale naman todo himas lang sa likod ko. Si Theo naman tinatakpan lang yung bibig niya.



“Nasaan si, Var?” tanong ko pagtapos kung mahimasmasan, pina-inom na rin ako ng tubig ni Dale.


Napalingon kaming lahat kay Var na kakalabas lang galing sa loob ng kusina na may bitbit na pagkain at dalawang baseball bat.


“Ang tibay ng loob mo, saan mo ‘yan nakuh—” hindi natapos ni Theo ang kanyang sasabihin ng bigla siyang maduwal. Inabotan naman siya ng tubig ni Arane pagkatapos.


“Nakalimutan niyo na? Sanay na sanay na siya sa mga ganyan...buti nalang at may kasama tayong mala detective conan dito.” sabi ni Dale habang tinatapik ang likod ko.


“Saan mo ‘yan nakuha, Var? Sa tabi ng mga bangkay doon sa loob?” tanong naman ni Dobei.


“Nope, sa sink at sa table ko ito nakuha... mukhang pinag-aagawan nila ito” sagot naman ni Var. “Kaya ba ng mga sikmura ninyong kainin ‘to?” dagdag na tanong pa nito habang itinaas ang dala niyang mga pagkain sa ere.


“No choice na tayo” sagot naman ni Serene.


“Okay na ‘yan, kaysa naman gutomin tayong lahat at baka dito pa tayo mamatay” sabi naman ni Theo.


Ipinasok na ni Var sa dalang bag ni Brix ang mga pagkain dahil siya ang in-charge dito dahil mabilis siyang tumakbo.


Maglalakad na sana kami para humanap ng matataguan ng biglang sumigaw ang isa naming kaklase na puno ng dugo ang katawan at nakatingin ito sa amin ng masama at may hawak-hawak pa itong kutsilyo sa kanang kamay.


Agad kaming napaatras lahat. Ibinigay naman ni Var kay Dobei ang dala niya kaninang baseball bat at ginamit niya iyong isa. Si Theo naman may dalang matulis na punyal. Kaming mga babae naman ay nasa likuran lang nila.



“Buhay pa pala kayo! Sino sa inyo ang gustong ma-una?!” mariin na sabi nito habang nakangisi ng malapad.


“Nababaliw ka na, Aaron! Hindi na ikaw ‘yan!” sabi naman ni Brix na tinawanan lang ni Aaron ng pagkalakas-lakas.


Napaatras kami ng humakbang ito. “Gusto ko nang umuwi pero hindi ko magawa dahil buhay pa kayo!!” galit na galit na sigaw nito.


Sumugod ito at muntikan ng masaksak si Theo mabuti nalang at napalo siya ni Brix sa ulo ng baseball bat pero tumayo pa rin ito at muling sumugod at si Brix na talaga ang nilapitan nito. Sa ilang ilag ni Brix natamaan na niya talaga ito sa may kaliwang braso pero hindi ganoon ka lalim ang sugat nito. Sunod naman, si Var na ang nilapitan nito. Pagkatalikod niya kay Brix, natamaan siya nito sa katawan pero hindi gano'n ka lakas dahil mahapdi na ang sugat niya kaya pinalo siya ulit ni Dobei ng pagkalakas-lakas ng lingonin nito si Brix dahil sa ginawa niya at nakahandusay na ito ngayon sa sahig at ilang segundo lang ay may lumabas na dugo mula sa ulo nito.



Sa sobrang taranta at takot na nararamdaman ni Dobei ngayon ay nawalan ito ng balanse at napa-upo ito bigla sa sahig. “Napatay ko siya?!” gulat na tanong ni Dobei habang nakahawak sa ulo niya.


Pinakalma na muna nila si Dobei bago kami pumasok sa ibang kwarto.


“Hey, alam mo kung hindi mo siya pinalo sa ulo... baka may nangyari ng masama sa isa sa atin. Hindi ko rin naman sinasabing tama yung ginawa mo pero sa sitwasyon natin ngayon... mas nakabuti ‘yon” biglang sabi ni Serene na tumabi kay Dobei at saka tinapik-tapik ang likod nito.



Sa kuwartong iyon ay may isang malaking bintana at matatanaw mo talaga ang dalampasigan at sa matagal namin na pagmamasid ay may nakita kaming apat na Yacht, magkakalayo ang mga ito. Plano sana naming tumakas kanina at dumaan sa may malaking bintana kaso hindi namin magawa dahil maraming bantay sa ibaba.


Ilang araw ang lumipas ay biglang tumahimik ang mansion na ito at hindi namin alam kong kami na lang ba ang natitirang buhay pa o may mga buhay pa kaming mga kasama sa loob ng mansion na ito.


Sa ilang araw na lumipas at pagmamasid namin sa mga nakabantay sa labas ay nalaman na rin namin ang routine ng mga nagbabantay sa ibaba. Kung paano sila magpalitan ng puwesto at kong kailan sila matutulog lahat.


Gumawa na rin kami ng tali para kami ay makababa. Pinlano na rin namin kung saan kami dadaan kapag kami ay nakababa na lahat. Minsan kapag tulog na ang mga guwardya sa ibaba ay bumababa ang iba sa amin at tinitignan kung saan mas safe daanan at kung saan ang delikadong daan.



“Hindi na tayo puwedeng magtago nalang dito. Kailangan may gawin na tayo” saad ni Brix.


“I agree! Kunti nalang ang pagkain natin at tubig, baka dito pa tayo mamatay” pag sang-ayon naman ni Dale.


“Alis na tayo dito, guys! Baka sa gutom lang tayo mamatay!” sabi naman ni Rachel.


“Arane, kaya mo na bang tumayo?” tanong ni Brix dito dahil buong araw lang itong nakahiga dahil masama ang pakiramdam nito.


Dahan-dahan naman itong bumangon at umupo ng maayos. “Aalis na ba tayo?” tanong nito.


“Oo, pero masama pa ang pakiramdam m—” pinutol naman ni Arane ang sasabihin nito.


“Kaya ko ang sarili ko, iinom nalang ako ng gamot mamaya” sabi nito.


“Sigurado ka ba?” nag-aalalang tanong ko dito dahil sobrang putla na ang mukhang nito at tumango lang naman ito.


“Sige, ganito nalang, si Theo na ang bahala sa ‘yo, ayos lang ba sa ‘yo ‘yon, Theo? Si Dobei nalang ang papalit sa puwesto mo” tanong ni Brix dito.


“Sige” tugon naman ni Theo.


“Sige na, ayosin niyo na mga gamit ninyo” sabi naman ni Var. Lumapit naman ito sa akin at sinabing. “Huwag kang lalayo sa ‘kin mamaya, okay?” tinanguan ko nalang ito bilang sagot sa tanong niya at saka inayos ko na rin ang mga gamit ko.



Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin mamaya pero sana makaalis na kami ng tuluyan sa nakakatakot na isla na ito.

END OF MADISON’S POV

IT'S NOT A GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon