Chapter 06

39 9 0
                                    

Kinaumagahan, maaga kaming nagising lahat dahil sa narinig naming sigawan mula sa labas ng kwarto na pinagtataguan namin.



"Nakakatakot na lumabas" biglang sabi ni Rachel.


"Dito na ba tayo mamamatay?" walang buhay na tanong naman ni Ysa.


"Siguro" tugon naman ni Theo.


"Kapag sumuko tayo, dito na talaga tayo mamamatay!" sabi naman ni Brix.


"Tama! Tiwala lang makakaalis din tayo dito." sabi ni Dobei, bago lamonin ang isang lemon square cap cake.


"Hoy! Akin 'yan!" wala ng nagawa si Arane ng lamonin na ng buo ni Dobei ang pagkain niya. "Ang takaw mo talaga!" dagdag pa nito na tinawanan lang ni Dobei.


"Guys, come over here" tawag sa amin ni Serene na nasa likod ng malaking t.v. "Look! Nakaangat yung isang tiles" sabi nito pagkalapit namin.


Nakipagpalit naman ng puwesto si Brix kay Serene. Dahan-dahan din nilang inilipat 'yong malaking t.v sa may pintuan.


Pagkatanggal ni Brix sa isang tiles ay nakakita kami ng lagusan sa loob non. Sobrang maliwanag sa baba.


"Baka dito yung basement" ani ni Arane.


Muntik ng mahulog si Dale ng sinubokan niyang sumilip sa ibaba, buti nalang at nahawakan siya ni Brix sa beywang. Sa sobrang kaba niya ay hindi na siya nakapag-pasalamat kay Brix dahil yumakap na ito sa 'kin tsaka ko kinutongan.



"Teka, bababa ako" presenta ni Brix. Tinulongan nila Var si Brix na makababa gamit ang kanilang lakas dahil baka mabalian ng buto si Brix kapag tumalon ito.


Tahimik lang kaming naghihintay kay Brix hanggang sa naisipan na rin ni Var na sumunod dito sa baba dahil baka kung napano na si Brix dahil ilang beses namin itong tinawag pero hindi ito sumasagot.



"Mag-iingat ka" payo ko dito bago bumaba, tumango lang ito.


Maya-maya ay bumalik na ang dalawa at may dala na itong isang mahabang hagdanan. Isa-isa kaming bumaba. Si Dobei, Rachel at si Ysa nagpaiwan lang sa kwarto. Pinaalalahanan din nila kami na huwag mag-iingay.


Pagkababa pa lang namin ay namangha agad kami. Para siyang isang underground tunnel may dumadaloy na malinis na tubig at sa kabilang side may tatlong pintuan. Kulay pula, puti at itim.


Pagkalapit namin sa may tubig, sisigaw na sana ako ng biglang takpan ni Var ang aking bibig. Napatakip nalang din sila ng kanilang mga bibig ng biglang mag "Shhh" si Brix.


"Bakit?" takang tanong ko kay Var ng tanggalin na niya ang kamay niyang itinakip mula sa bibig ko.



Hindi sila nag explain basta huwag lang daw kaming mag-iingay at huwag pansinin ang mga bangkay na nasa ilalim ng tubig na parang naka-frozen dahil sa design ng ataul. Nagtungo kami sa may right side ng tunnel at doon nakita namin ang isang malaking bintana at ang taong may pasimuno ng lahat ng ito at ang mga tauhan nito ay nakapalibot dito.


Mukhang hindi nila kami nakikita dahil nakasarado ang bintana at nakatalikod sa amin ang mga tauhan niya.


Patuloy lang kami sa pagmamasid hanggang sa nakita naming pumasok sa loob ang iba naming mga kaklase na nagmamakaawang pauwiin na sila ng ligtas at nangangako pa silang hindi sila magsusumbong pero binaril din sila ng mga taohan noong lalaki dahil magbibigay daw siya ng malaking halaga sa makakapatay sa kanila.


Napasigaw naman sa gulat si Crista pero mabuti nalang at natakpan agad ni Theo ang bibig niya. Bigla namang umalis ang mga tauhan niya na nakaharang sa may bintana sa loob at ngayon ay nakatingin na mula sa bintana kaya napaupo agad kaming lahat.


Sumilip si Brix at umupo ulit ng biglang buksan ng isang tauhan niya ang bintana at sumilip pa ito. Kami naman todo ingat na hindi makagawa ng anumang ingay. Mabuti nalang at nakatago agad kami sa may malalaking tubo.



Ngayon, rinig na rinig na namin ang mga boses nila mula sa loob. "May tao?" tanong ng boss nila. "Mukhang wala naman, Boss!" sabi nito saka muling isinarado ang bintana.


Dahan-dahan kaming bumalik para sumilip ulit ng biglang madulas si Arane at nahulog sa may tubig na nag-sanhi ng ingay dahil sa pagkakahulog niya mula sa tubig.


Dali-dali kaming bumalik ulit para magtago sa malalaking tubo. Naiwan si Theo na tinutulongan si Arane makaakyat. Tutulong na sana si Var ng biglang dahan-dahang bumukas ang bintana, mabuti nalang at naiangat agad siya ni Theo bago tuluyang bumukas ang bintana. Dahan-dahan silang naglakad patungo sa may malaking tubo ng walang ingay ng biglang lumingon ito sa kinaroroonan namin. Agad kaming napatayo ng tuwid.



"Boss!, Mukhang may tao nga!" sabi ng tauhan niya.


"Puro ka "mukhang!" lumabas kayong lahat at suyorin niyo ang buong tunnel! Barilin niyo agad! Walang ititirang buhay!" utos nito.


Sa sobrang kaba namin ay dali-dali kaming bumalik lahat. Wala na kaming pake kung maririnig 'yong mga yapak namin basta makabalik lang kaming lahat.


Takang-taka pa sila Rachel ng dali-dali kaming umakyat at ng makaakyat na kaming lahat nakalimutan pa naming kunin 'yong hagdanan kaya kinuha ulit namin 'yong tiles at dali-daling ipinasok ang hagdanan tsaka itinakip ulit namin 'yong tiles ng dahan-dahan.


Napa-buntong hininga nalang kaming lahat.



"Muntikan na tayo do'n!" hinihingal na sabi ni Brix.


"Anong nangyari sa inyo do'n?!" curious na tanong ni Ysa. Ikwinento namin ang lahat ng nakita at narinig namin kanina sa kanila.


"Sobrang nag-alala kami sa inyo...nakarinig kami kanina ng mga putok ng baril, bababa na sana si Dobei para hanapin kayo kaso may biglang kumatok, sila Maxine ata 'yon. Hindi kami nagsalita hanggang sa umalis nalang sila" sabi naman ni Rachel.


"Mabuti at hindi niyo binuksan ang pintuan" sabi naman ni Brix.


"Hindi na ulit ako bababa do'n" takot na takot na sabi ni Crista. "Arane, muntikan ka na kanina, sa susunod mag-iingat ka, ako 'yung kinakabahan sa 'yo" dagdag pa nito habang nakahawak sa dibdib niya.


"I'm sorry, guys.... mag-iingat na ako sa susunod. Theo, maraming salamat kanina sa pagtulong mo sa 'kin." sincere na sabi ni Arane.


"Wala 'yon, magbihis ka na" sabi naman ni Theo.


"Ahh, guys....." napalingon naman kaming lahat kay Dale na nakatingin ngayon kay Arane.


"Basa kanina si Arane 'di ba dahil nahulog siya sa tubig kanina... sa tingin niyo ba hindi nila tayo ma-te-trace sa mga footprints niya?" nag-aalalang tanong ni Dale na siyang dahilan ng paghinto ni Arane sa paglalakad patungo sa loob ng banyo.

IT'S NOT A GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon