Chapter 05

39 9 0
                                    

Continuation....

Nilingon nila akong lahat sabay iling. Tinawag pa nito muli ng isang beses ang aking pangalan at saka kumatok ng malakas pero ni isa sa amin walang sumagot nanatili lang kaming tahimik sa loob.



"Wala yata sila rito" rinig naming sabi ni Floyd.


"Where is Var ba kasi?!" nababagot na sabi ni Maxine.


"Bakit sa amin mo tinatanong eh magkasama tayo" sabi naman ni Max.


"Tinatanong ba kita, huh?!" supladang sabi naman ni Maxine.


"Ewan ko sa 'yo! Sakit ka talaga sa ulo!" sabi naman ni Max.


"Then, cut your head para wala ng masakit!" mataray na sabi ni Maxine.


"Alam mo ikaw!" galit na sabi ni Max.


"Tama na 'yan! Tara na!" putol ni Floyd sa bangayan nila Maxine at Max at nauna ng maglakad, sumunod naman ang mga kasama niya.


Napabuga naman sila ng hangin. "Ho! Teka nga, bakit sa 'yo nila hinahanap si, Var?" curious na tanong ni Crista.


"Ewan ko." sagot ko.


Nagpahinga muna kaming lahat at maya-maya'y may kumatok na naman sa pintuan pero mahina lang ang pagkatok nito hindi kagaya kanina.


Walang tumayo ni isa sa amin. Nanatili lang kaming tahimik.



"Bes!" rinig kung tawag sa 'kin ni Dale. Kahit mahina lang ito ay alam ko na si Dale ito dahil kabisado ko na ang boses nito.


Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. "Dale?!"


"Var! Nandito siya! Nandito si bestie!" mahinang sabi nito. Bigla namang napatayo si Serene. "Boses ni Dale 'yon."


"Madi, nandito ka ba?" rinig kung tanong ni Var mula sa tapat ng pintuan.


"Nandito ako!" tugon ko.


"Kami 'to! Si Dale tsaka si Var! Buksan mo yung pintuan" sabay na sagot naman nilang dalawa.


Tatanggalin ko na sana yung tali sa pintuan ng biglang pigilan ako ni Dobei. "Anong ginagawa mo?! Sigurado ka bang sila 'yon?! Nakita kong naka labas silang dalawa sa malaking pintuan na 'yon! Baka sila Maxine 'yan!"


"Hindi! Kilala ko ang boses nilang dalawa, sila 'yan! Tumabi ka nga!" sabi ko sabay tulak dito ng mahina.


Lalapit na sana ulit ito sa 'kin para pigilan ako ng biglang harangin ito ni Serene. "I trust her. Sila Dale at Var 'yan. Please, tulungan niyo kaming tanggalin ang mga tali. Hindi namin kayo kayang ipahamak." seryosong sabi ni Serene habang pabalik-balik ang tingin sa kanilang lahat.



Hindi na ako nakinig sa kanila dahil inumpisahan ko na ang pagtanggal sa mga taling ito, dahil sa sobrang higpit at dami ng itinali namin ay nahirapan ako. Biglang lumapit si Brix at tinulongan akong tanggalin ang mga tali at sunod-sunod na silang tumulong kaya mas napadali ang pagtanggal sa mga itinali namin mula sa pintuan.



"Bes!" naiiyak na sabi nito sabay yakap sa 'kin ng mahigpit. "Walang hiya ka! Iniwan mo 'ko do'n! Huwag mo na uulitin 'yon ha?!" umiiyak na dagdag nito.


"I'm sorry" umiiyak rin na sabi ko.


"Tama na 'yang drama niyo, ituloy niyo nalang 'yan mamaya, tulungan niyo muna kaming itali ulit ito" singit naman ni Serene.


"Ito naman! nagda-drama pa 'yong tao, eh! Panira ka ng moment!" reklamo ni Dale habang pinupunasan 'yung mga luha niya.


Pagkatapos naming talian ulit 'yong pintuan nagpahinga na ulit kami.


"How are you? Wala bang nanakit sa 'yo?" biglang tanong ni Var sa 'kin. Umiling naman ako. "Sa totoo lang, hindi talaga ako okay at hindi ako magiging okay hangga't hindi tayo makakaalis sa islang ito." sagot ko naman.


"Sobrang nag-alala si Var sa 'yo, bes.... I mean... kaming dalawa, sobrang nag-alala kami sa 'yo" ngumisi pa ito ng malapad.


"Sorry" tanging sabi ko lang.


"Teka, paano kayo nakapasok dito? Wala na ba 'yong mga guards sa labas?" nagtatakang tanong ni Dobei.


Tinignan pa ako ni Var bago nito sagotin ang tanong ni Dobei.


"Nag volunteer kaming pumasok dito. Actually, hindi lang kami ang nag volunteer na pumasok ulit dito sa loob, marami kami." saad naman ni Var.


"Bakit pa kayo bumalik eh nakalabas na nga kayo, mas safe na kayo doon" naguguluhang ani ni Arane.


"Akala din namin mas safe doon pero nong sinabihan kaming magsimula na daw kaming lumangoy para makauwi na kaming lahat. Mas nawalan kami ng pag-asang makauwi. Kaya 'yong iba sa amin nag-panic na, may nagsimula ng lumangoy para lang makaalis sa islang ito at 'yong iba iyak lang ng iyak dahil hindi rin nila alam kung anong gagawin at....kami naman nag-decide nalang na bumalik dito sa loob kahit mapanganib rin dahil kung doon lang kami mananatili sa labas hanggang mamayang gabi ay mamamatay naman kami sa sobrang lamig." sabi naman ni Dale.




Natahimik naman kaming lahat pagkatapos naming marinig ang sinabi ni Dale. Talagang nawalan na kami ng pag-asang makaalis sa islang ito.

IT'S NOT A GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon