ANG NAKARAAN :
"Gwen : may mali dito , alam kong hindi nag sisinungaling si jake nung sinabi niya na nagta trabaho ang asawa niya sa aming kompanya pero bakit wala ang pangalan nito dito ..Agad niyang pina imbestigahan ang mga nangyayari upang malaman ang totoo dahil may hindi talaga tama .. hindi niya muna ito sinabi kay jake gusto niya siya muna ang maka alam ng lahat
ANG PAGPAPATULOY :
Habang si jake naman ay masayang nagtatrabaho ay inasikaso na agad ni gwen ang mga dapat niyang malaman lumipas ang oras break time na nila jake at si gwen naman ay nag intay na dumaan sa may harapan si jake ngunit wala ito nung lumabas ang ibang mangagawa sa bahay ay tinanong niya kung asan ito .. hindi pala ito umalis sa likod ng bahay at doon na kumain kaya pinuntahan niya ito .."Gwen : wow naman may baon ka pala ngayon na pagkain
"Jake : opo mam para maka tipid din ako hehe
"Gwen : yayain sana kita kumain kanina doon sa loob eh nakain kana pala dito
"Jake : nako mam hehe sobra sobra na po naitutulong niyo sa akin ..
"Gwen : hindi yan dahil ayaw mo ako sabayan kumain sa loob ,ako na lang sasabay sayo dito sa labas
Maya maya ay dumating ang mga kasam bahay ni gwen at nag dala ng mga pagkain sa likod ng bahay gulat na gulat si jake dahil pati upuan at lamesa ay nag palabas pa itong si gwen
"Jake : hala mam talagang dito po kayo kakain napaka dumi po dito
"Gwen : ano kaba jake hindi ako katulad ng ibang mayaman na ilag sa mga ganitong dumi haha sanay ako dyan
"Jake : paano nangyari yun ..
"Gwen : kase kahit na lumaki ako sa yaman ay tinuruan ako ng magulang ko na maranasan ang hirap ng buhay para daw maging magaling akong negosyante balang araw lagi nilang pinapaalala sakin na wag kong ituring na maliliit na tao ang mga nagtatrabaho sa amin dahil sila ang dahilan kaya gumanda ang buhay namin
"Jake : kaya naman pala sanay kayong makisama sa katulad kong mahirap hehe
"Gwen : mabait ka kase jake ..
"Jake : salamat po madam ..
Muli silang kumain ng sabay at masayang nag uusap dahil doon ay nadama muli ni gwen ang mabusog sa pag kain
"Gwen : paano papasok na ako sa loob malapit ng bumalik mga kasama mo at magsisimula na ulit kayo
"Jake : sige po mam maraming salamat lagi sa kabaitan niyo
"Gwen : salamat din sayo ..
Nilikom na lahat ng kasambahay ang pinagkainan nila at pumasok nadin sa loob ..habang sila jake naman ay bumalik na sa trabaho napansin din siya ng kaibigan niya na napapalapit na ang loob nito kay gwen
"Pare : napapansin ko pare na medyo mag ka sundo na kayo ni madam ah ..
"Jake : oo pare napaka bait ni madam sa akin di ko alam kung bakit
"Pare : bakit inlove sayo yan tyempo ka dyan biglang yaman ka haha
"Jake : nako pare imposible yun ,at hindi yun pwede mangyari may asawa ako at may asawa nadin si madam
"Pare : gamitin mo nga utak mo pare isipin mo kapag naging kabet mo yan aba dimo na kailangan mag trabaho dito andoon kana sa loob hayahay buhay
"Jake : parang di mo naman ako kilala diko kayang gawin yun , di bale ng maghirap ako sa buhay basta lumaban lang ng patas at maging tapat sa asawa ko sapat na yun
"Pare : ikaw na talaga haha ,joke lang pare kilala kita mahal na mahal mo si janine eh haha
"Jake : oo pare balang pwede din naman kaming yumaman ni janine basta may sipag lang at tiwala sa itaas ..