Part 16

848 1 0
                                    

ANG NAKARAAN :
Sa kabilang banda naman ay mas naghirap si janno dahil wala siyang mapasukan na magandang trabaho dahil naka ban siya sa lahat ng ito ni sa mga fast food ayaw siyang tanggapin dahil doon ay pinilit nitong mag trabaho ng mga hindi na kailangan ng papeles katulad ng parking boy at manguha ng kalakal .. pero dahil makulit ito ay patuloy itong nag pupunta sa bahay ni gwen ngunit wala ng humaharap sa kanya ..hindi niya alam na nagsisimula ng ayusan ni gwen si jake para sa muli nilang paghaharap

ANG PAGPAPATULOY :
Dahil sa trabaho ni janno kahit papa ano ay nagkakaroon sila ng maliit na halaga para makakain sila ni janine habang natagal ay nasasanay nadin si janno sa ganitong buhay hindi niya man matanggap ay wala na siya magagawa kaya pilit na lang siya sa buhay na pinasok niya ..hanggang dumating ang hindi inaasahan nagdadalang tao si janine at hindi niya agad ito binanggit kay janno dahil sa totoo lang takot pa siyang mag buntis kahit noon pa man nung sila pa ni jake dahil mahirap ang buhay nila pero ngayon nangyari na ang kinatatakutan niya .. habang wala sa bahay si janno ay nagmamadaling pumunta si janine sa bahay nila gwen upang kausapin sila jake at huminge ng tulong dito ..

"Guard : madam gwen may babaeng nagpupumilit na pumasok

"Gwen : sino yan at talagang dito pa nang gugulo ..

"Guard : asawa daw siya ni jake

"Gwen : correction lang dating asawa ok ..
Sige buksan mo

"Guard : ok po madam

Kapag bukas ay agad pumasok si janine

"Janine : asan ang asawa ko ?

"Gwen : dating asawa ..kamusta kana ? Mukhang hirap na hirap kana ah parang dati nakita kitang mukhang mayaman pero parang panaginip lang haha

"Janine : sabihin mona lahat ng gusto mo sabihin wala akong pake ang kailangan ko si jake

"Gwen : bago ka gumanyan sana tinanong mo muna kung kailangan kadin ni jake haha

"Janine : napakasama mo

"Gwen : nakalimutan mona ba ang ka babuyan na ginawa niyo ni janno ? Sino masama sa atin ..

"Janine : may dahilan ako kaya ko ginawa yun at alam ko na kapag nakausap ko si jake ay maiintindihan niya ako

"Gwen : may dahilan ? Talaga ba ? Iniwan mo yung lalakeng minahal ka ng lubos na handang isakripisyo ang buhay niya para buhayin ka dahil lang nakakita ka ng isang mayaman na kaya agad ibigay sayo ang lahat kumagat ka agad ? Haha alam mo sa totoo lang babaeng hitad kung hindi dahil kay janno ay pinakulong kona kayo

"Janine : oh diba hindi nga kase ako kayang ipakulong ni janno ..

"Gwen : hindi yun ang dahilan ,kaya hindi niya kayo pinakulong kase mas gusto niya na maghirap pa kayo sa buhay niyo yung puntong mas malala pa sa naging buhay niyo noon ..

"Janine : kalokohan yan hindi ganyan tao si jake ..

"Gwen : oo hindi siya ganon tao nung hindi mo siya iniwan ,akala mo naging madali kay jake na maka bangon hindi dahil sa mga katulad niyong sabik sa laman at pera

"Janine : umamin ka nga siguro inakit mo si jake ano .. haha kaya ganyan na siya ngayon

"Gwen : excuse me baka hindi mo nakikita kung gaano ako ka ganda kung mangyayari man yun baka si jake pa mang akit sa kin hahah pero hindi mo kase siya katulad mataas pangarap ni jake kaya tutuparin ko yun ng walang kapalit tapos ikaw na hampas lupa umalis kana dito bago pa kita sabunutan

Dahil wala siyang magawa kay gwen ay bigla itong nag makaawa ..

"Janine : oh sige na kasalanan kona parang awa mona kelangan ko kase ng tulong ni jake (lumuhod) ,gagawin ko lahat iharap mo lang siya sa akin ...

PINAKAIN NI MISIS SI BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon