ANG NAKARAAN :
"Janine : Ang mahalaga may matutulugan na tayo ngayon hindi na sa kalsada ..Hindi na nagsalita si janno at namahimik na lang habang si janine naman ay biglang napaisip ..
"Janine : dito na ako galing noon dito din pala ako babagsak ,dapat makausap ko si jake dapat niya akong tulungan dito ..
Nag pa plano si janine na siya naman ang mag mama kaawa kay jake
ANG PAGPAPATULOY :
"Janno : lalabas muna ako"Janine : saan ka na naman pupunta ha babalik ka na naman doon eh wala ka naman mapala ..
"Janno : tumigil ka dyan gagawa ako ng paraan para makakain tayo ,pangalawang araw na nating hindi nakain
"Janine : isama mo ako
"Janno : wag na maghalungkat ka dyan baka may mga barya dyan
Hindi talaga alam ni janno kung saan siya hahanap ng pera o pagkain hanggang napadaan siya sa pagawaan ng sapatos naiisip niyang ibenta ang sapatos na suot niya
"Janno : kuya nabili po ba kayo ng sapatos
"Lalake : nagawa ako ng sapatos pero hindi ako nabili ..
"Janno : ay sige po
Napansin ng lalake na may presyo ang sapatos ni janno kaya tinawag niya ito
"Lalake : teka teka magkano moba yan binibenta ?
"Janno : kahit sa sampung libo ..
"Lalake : nasisiraan ka naba ng ulo ? Para sa sapatos sampung libo na umalis ka nga dito luko luko
"Janno : eh branded po ito at mahal talaga to
"Lalake : lumingon ka nga kaliwat kanan alam moba kung asan lugar ka ? Lugar ito ng mga mahihirap na tao na naghahanap buhay araw araw para kumita ng barya tapos magbebenta ka ng mahal na sapatos aba sira pala ulo mo
"Janno : pasensya na po hindi ko talaga alam , eh magkano po ba ito kapag binili niyo ?
"Lalake : 150 pwede na yan
"Janno : aba kayo ata nasisiraan ng ulo 150 lang ? Hindi na
"Lalake : edi wag wala kang mapagbebentahan niyan dahil kung sa mga malalaking tindahan mo yan ibenbenta magpag kaka malan kang magnanakaw kase di nila iisipin na kaya mong bumili ng ganyan
"Janno : dati akong mayaman kaya bakit hindi sila maniniwala ?
"Lalake : dating mayaman ? Tapos madungis ang itsura na mukhang gutom na gutom lokohin mo lelang mo
Napa isip si janno , napagtanto niya na may tama ang lalake kaya napilitan siyang makipag tawaran
"Janno : baka naman kaya ng 5k to ..
"Lalake : hanggang 200 lang ako tapos kung ayaw mo umalis kana dito
Dahil sa matinding kalam ng sikmura ay wala na siyang magawa kundi tanggapin ito
"Janno : sige kuya , payag na ako
"Lalake : papayag ka din pala eh pinatagal mo oh ayan na
Kapag hawak niya sa pera na yun ay halos maiyak siya dahil para lang sa maliit na halaga ay kelangan niya pang mag makaawa .. habang yung lalake naman ay tuwang tuwa dahil jackpot siya sa nabili niyang sapatos ..
Habang si janno naman ay nagmamadaling umuwi habang nakayapak lang"Janno : janine asan ka halika dito dalian mo
"Janine : bakit ano ba yun ?
"Janno : eto may 200 ako dito ano ba mabibili natim dyan ?