ANG NAKARAAN :
"Gwen : baka nakakalimutan mo matalino si jake hindi siya katulad mo na isang malaking boboSa gigil ni jake ay na sampal niya si gwen na halos dumugobang bibig nito
"Janno : tumigil ka ako ang pinaka magaling sa lahat ikaw wala kang kwenta dahil dimo na lang ako pinatawad ginusto mo to diba kaya kapag di nila binigay ang gusto ko tatapusin talaga kita
ANG PAGPAPATULOY :
"Gwen :dapat talaga hindi na kita binigyan ng pera eh .."Janno : mahina kase ang utak mo talagang may pag bigay ka pa ng pera ha hahaha
"Gwen : dapat nga mag pa salamat kapa dahil kung hindi dahil kay jake edi wala kang mga kasama ngayon at wala kabg maibabayad ngayon sa mga tauhan no
"Janno : ano ibig mong sabihin. ?
"Gwen : masyado kaseng mabait si jake pinag usapan namin yan na wag na kayong bigyan ng pera at kasuhan na lang kayo pero ayaw niya ng ganon .gusto niya padin maranasan niyong mabuhay sa sarili niyo dahil akala namin matatahimik kayo at magsisikap kapag nagkaroon ng panimulang pera , pero mukhang nag ka mali si jake sa mga desisiyon niya ngayon
"Janno : haha maling mali talaga siya , at ano sa tingen mo porket ba sinabi mo yan ay lalambot na ang puso ko haha nagkakamali ka gwen
"Gwen : hindi ko naman iniisip na lalambot ang puso mo dahil kilala kita ,
"Janno : mabuti naman haha kaya manahimik ka na dyan dahil wala akong paki alam sa lahat ng sasabihin niyo
Maya maya ay biglang bumulong ang isa sa mga tauhan ni janno sa kanya sinabi nitong nasa labas daw si janine at gustong pumasol
"Janno : sige papasukin mo ..
Kapag pasok ni janine ay nakita niyang nakatali si gwen sa upuan ..
"Janine : ano to janno ? Diba sabi ko sayo wag mona ituloy ang plano mo
"Janno : wag kang maki alam sa gusto ko ,ako masusunod dito diba
"Janine : pero janno dating asawa mo yan at may anak din kayo sana naman kahit papa ano ginalang mo siya diba
"Janno : anong galang galang wala na tayong makain ganyan pa iisipin mo .. diba napag usapan na natin yan ?
"Janine : pero ..
"Janno : wala ng pero pero tumahimik kana
Pa sigaw na sagot ni janno kay janine ..
At lahat ng napag usapan ng dalawa ay nadinig ni gwen at napagtanto niya na walang kinalaman dito si janine ..dahil sa pagaalala ni janine ay kinuhanan pa niya ito ng pagkain ."Janine : madam pasensya na kayo hindi ko po talaga ito gusto masaya na ako sa buhay namin ni janno kaya lang po hindi siya makuntento
"Gwen : alam ko nadinig ko lahat ng pinag usapan niyo
"Janine : salamat po madam hayaan niyo pipilitin kona mag bago ang isip ni janno kumain muna kayo
"Gwen : hindi ok lang ako ,ang gusto ko pakawalan mo ako dito
"Janine : madam sandali lang po hindi ko po yan magagawa dahil baka saktan ako ni janno natatakot po ako
"Gwen : naiintindihan ko ..
Tinawagan na ni janno ang phone nila sa mansion ..
"Jake : hello sino to ?
"Janno : ang bilis naman mukhang kanina kapa nag iintay ng tawag ko ah
"Jake : napakasama mo janno alam kong ikaw yung humanda ka sa akin
"Janno : oo ako nga to haha ang galing mo naman ..alam mona siguro kung ano ang kailangan ko diba ?