Chapter 21

24 1 0
                                    

Ellaine's POV


"Anak, Kumaen Kana. Ilang Araw Ka ng ganyan. Baka magkasakit kana sa ginagawa mo sa sarili mo. Gusto mo ba yun ? Lalo kang papayat nyan, kaya anak kumaen kana. Ha ?"


"Ma, hindi po ako nagugutom."


"Anak naman, wag mong pahirapan ang sarili mo. Iiwan muna kita dito, kumaen kana dyan. Ok Hon ?"



Pagkarinig ko ng pagsara ng pintuan, napahiga ako ng maayos. Alam kong nag aalala na si mama sakin dahil sa inaasal ko. *sigh* Hanggat maari ayaw ko silang maapektuhan sa mga nangyayare sakin, pero kahit anong pilit ko pala na wag silang maapektuhan, hindi ko rin pala kaya. Dahil mga magulang ko sila, ramdam nila ang nararamdaman ko.



Kase hanggang ngayon masakit parin kase ehh. Ang sakit sakit parin. Patuloy paring bumabalik ang mga alaalang dapat ng ibaon sa limot. Ang hirap mag pigil nang damdamin, lalo't minahal mo ng lubusan ang taong iyun.



Ang Taong minahal mo ng lubusan ngunit ang kapalit nito ay matinding sakit. Matinding sakit na pwede mong ikamatay dahil sa lungkot na iyong nararamdaman. At ang mga bawat luhang pumatak sa iyong mata ay isang simbolo na ikaw nagmahal at nasaktan.



Wala namang taong hindi nasaktan sa pagmamahal diba, kase dimo mararamdaman ang tunay na saya sa pag ibig kung hindi kapa nasasaktan. Pero bakit ba ganun, isang kasunduan ba yun na dapat wag baliwalain at dapat maisatuparan sa isang relasyon ? Ganun ba iyon ? Na dapat masaktan ang mga taong nagmamahal ng tunay ? ang mga taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka at pahalalagahan ?



Hindi ko lubos maisip na dahil lang sa isang sagot na 'OO' ay mababago ang lahat lahat sa inyo. Ang mga pinagsamahan nyo sa maikling panahon ay bigla na lamang nag laho sa iglap lamang ng iyong mga mata.




Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako ng taong mahal ko. Pero hindi pala ganoon kadali ang lahat, Hindi pala. Mahirap pala ang prosesong iyon. Mahirap. Lalo na't ang iyong matalik na kaibigan ang iyong kaagaw sa taong minamahal mo ng lubusan.



Umupo ako at kinaen ang pagkain na ibinigay ni Mama, simula ngayon hindi na ako magpapaapekto. At sana ngayon ay kayanin ko na. Ayaw ko ng maging mahina sa mata ng iba, lalong lalo nasa harap ng pamilya ko. Magiging malakas na ako para sa kanila at para sa sarili ko.



Pagkatapos kong kumaen, naligo na ako at nag ayos ng sarili. Babaguhin ko ang sarili, Ipapakita ko sa kanila na malakas ako. Kaya ko to!



Bumaba na ako ng kwarto ko at bumaba para mag sorry sa mama ko, alam kong sya ang pinakanaapektuhan dahil lang sa nararamdaman ko. Dapat lang na sya ang una kong hingan ng tawad.



Nakita ko si Mama sa kusina, naghuhugas ng pinggan.


"Ma.."


Napalingon sakin si Mama, at bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Oo nga naman, sino bang hindi magugulat, ilang linggo akong nagkulong sa kwarto ko at hindi pumasok sa paaralan.



"Anak.."


"Mama.."


Nang niyakap ako ni Mama, bigla na lamang akong napaluha.


"Wag kang mag aalala anak, maraming nag mamahal sayo. Ako, ang Papa at mga kapatid mo. Mahal ka namin Anak. Kaya wag mong isipan na walang nagmamahal sayo."


"Im Sorry Ma.. Im Sorry..."


"Hindi Mo Kaylangan Magsorry sakin anak, hindi kaylangan. Alam kong nasaktan ka, pero wag kang susuko. Nagmahal ka lang, Walang mali sa pagmamahal, Ang naging mali mo lang anak ay maling tao ang iyong minahal."




Alam alam talaga ni Mama ang nararamdaman ko. Kahit hindi ako palakwento sa kanya ng mga pangyayare sa buhay ko, eto pa rin sya. Best Mom Ever! :D


Tama ang sinabi ni Mama, Maraming nag mamahal sakin, kaya wag akong mag aalala. At maling tao ang minahal ko ng lubos. Maling tao.



~

[A/N: Sorry Guys, Ngayon Lang Ulit Nag Update. Kunyare Busy -.- Djkl. Medyo Sabaw Tong Chapter Na To, May Na Kakaraoke Kase Sa Kapitbahay. Kaya Ayun! Naapektuhan Utak Ko Sa Pag Iisip. LUL! Jk. Sana Magustuhan Nyo Tong Chapter Na To. Kahit Sabaw! Basta Guys! Thank You :* :*]





Kasalanan Bang Mahalin Kita ? ON-HOLD || EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon