Chapter 25

26 1 0
                                    

[A/N: Sinong mga ARMY dito ?! *Taas paa* Birthday na ng ating Golden Maknae  :D Yey! #HappyJungkookDay :* :* <3]


Ellaine's POV

Its been uhhh... 2 weeks na magkasama kami ni Edrian. Kase naman, lagi syang nakabuntot sakin :3 Kahit saan ako pumunta nandun sya. Hayy naku! Akala mo naman mawawala sya dito sa campus. Like duhh ?! 2 weeks na syang nandito, siguro naman alam nya na ang mga pasikot sikot dito! Tsk. Isa pa tong si Mommy -.- Pinagpipilitan kami ni Edrian. Naku! Keso bagay daw kaming dalawa, magiging maganda't gwapo daw ang magiging anak namin. Like duhh ?! Alam kong maganda ang lahi namin, pero diko pinangarap na magpakasal agad sa taong hindi ko naman masyadong kilala. Stranger parin ang turing ko sa inyo. But maybe, kaibigan na rin. Pero konti lang :P Nalilimutan ko kase mga problema ko dahil sa kacornihan nya :3 Sobra. Yung mga pick up lines nyang gamit na gamit na ng mga tao. Hayyss! -.- Kailangan ko pa bang ikwento sa inyo ang mga kacornihan nya ?! Diko alam kung kikiligin ba ako o hindi ? Kase naman...


Nandito nga pala kami ni Edrian --Of Course, buntot ka ata to-- sa rooftop sabay kaming nagmemeryenda. Dahil maliban kay Maydilyn eh wala na akong masyadong kaibigan. Meron naman kaunti pero hindi ganun kaclose. You know, parang kakilala mo lang sila pero hindi kaclose. Gets nyo ba ? Basta yun. Malay mo nakikipag plastikan lang pala yun. Edi ako na naman yung talo. Ayoko na, Hayy!

Nitong mga nakaraang araw, medyo nakakalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko. I mean, Yah. Dahil dumating tong si Edrian. Gaya nga ng sabi ko kanina dahil sa kanyang so-called-common-pick-up-lines nya. Tss Yung iba hindi mo alam kung anong irereact mo sa kanya. I mean, dimo alam kung gusto mo syang batukan o tadyakan o kaya naman ipasalvage. Tss Sobrang corny kase.

Yung mga ginagamit nya pang mga pick-up lines ay yung mga ginagamit ng mga breezy boys. You know, #GalawangBreezy -.- Yung tipong pag tinanong mo kung saan sya pupunta at yung yung sagot nya 'Edi sa puso mo'. O diba ? Pati sa fb uso yan eh. Minsan nga duon kapa nagtatrabaho eh. Hahahaha~ Tas ikaw pa yung owner sa fb. Nakow! Mga pauso nga naman -.-


Siguro ilang minuto na kaming nanadito pero ni isa wala pang nagsasalita sa amin. Wala rin naman akong sasabihin eh. Alangan naman tanungin ko sya, eh hindi naman kami ganuon kaclose eh. Dahil lang naman kay Mommy kung bakit kami laging mag kasama nito. Hindi ko naman sinasabi na ayaw ko yung company ni Edrian, actually nakakatuwa nga sya eh. Pero iba talaga yung pakiramdam ko eh. Ewan ko ba, parang may nakatingin sa amin o sa akin na mata. Hayy! Hindi lang siguro ako sanay na may kasamang lalaki. Si Maydilyn lang naman ang kaibigan ko eh.

Hindi naman awkward yung atmosphere kahit na hindi kami nagsasalita, I mean nakakarelax yung atmosphere namin. Hayy! Wala lang talaga ako sa mood dumaldal, pati ata tong kasama ko. Nag uusap naman kaming dalawa, Oo. Medyo nasanay na ako sa kanya, Dadaldal naman yan kung nasa mood yan. As in, sya lagi yung nagoopen ng conversation naming dalawa. Pinatagal na usapan ata namin ay yung tungkol sa mga naging Gf nya. Hahaha

Pero hindi kami close. Hindi ko pa naman naikikwento sa kanya yung tungkol kay Marc and Maydilyn. Ewan ko pero parang may alam na sya saakin at yung tungkol dun. AY nga pala. Sya pala yung nagtitext sakin nun. Tss Yung nag-eenglish -.- Opo! Tsk. Sarap kayang sapakin nito nuon. Naku! Pasalamat sya gwapo sya. Hahahaha

Tas yung chocolate pala dati nung pumunta sila sa bahay, saakin pala yun. Pasalubong nila! HAHAHAHA~ Naubos ko yun with in one day :D Ganyan talaga ako katakaw pagdating sa chocolates :P YAM YAM YAM! <3 First love ko ata yan! 


"Tara na Laine, Baka malate tayo." 

Tumayo na sya at inayos na yung mga gamit namin. Yup! Namin. Pero syempre ako yung magbubuhat. Gumawa rin kase kami ng mga assignment eh kaya nailabas ko lahat ng mga gamit ko. Tinulungan ko rin naman sya. Pinulot ko yung mga kalat namin dun. 

"Tara."

Nasa classroom na kami at kami na naman ang pinagtitinginan ng mga classmates ko. Pansin ko lang wala yung lovebirds dito. Yeah. Bitter -.- Bakit ba ? Pansin ko lang naman yun. Tsk Tumuloy na lang ako sa seat ko tas umupo narin sa tabi ko si Edrian. Alam nyo bang sya ang nagrequest kay Ma'am na dapat ay seatmates kami. Oo, kapal ng mukha nito. Kebago bago eh! Hahahaha~


Natapos ang araw, sobrang pagod ako. Hayy! Hindi na nga ako nagsalita buong araw tas pagod parin ako :3 Ganito ba nag epekto kapag wala sa mood dumaldal ? Dapat talaga lagi na akong maingay. Hahaha~ Pagdating ko sa bahay, nahiga na agad ako sa kama ko. Mamaya na ako maliligo, tinatamad pa ako. Nga pala si Edrian na rin yung nagsusundo sa akin tuwing umaga at naghahatid pauwi dito sa bahay. Ayaw ko sana pero pumayag na si Edrian eh. Si Mommy kase papilit.

Gusto nya kase si Edrian para saakin para daw malimutan ko na yung ex ko daw. Eh wala pa nga akong nagiging boyfriend eh -.- Tas may ex. Naku! Magiging maganda't gwapo daw ang magiging anak namin ni Edrian kung magiging kami daw. Hayy! Alam kung maganda at gwapo ang lahi namin pero Duhh ?! Ang bata ko pa para dun -.- Desperada na talaga si Mommy na malimutan ko si Marc. Hindi nya pala alam na yung gf ni Marc ay yung bestfriend ko. Tss Ayaw ko namang sabihin kay Mommy yun. Baka magalit eh. Ang kumplikado :(


Tumayo na ako at naligo. Pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Nagutom ako eh. Naabutan ko naman sila dun, kasama si Kuya at si .... Edrian ?! Bat nandito pa to ?

"Oh anak. Buti naman at bumaba kana sa lungga mo."

Hayy naku! Lungga talaga ? Ngumiti lang ako kay Mommy at tumingin kay Edrian na kasalukuyang nagluluto. Weh ? Marunong sya ?

"Marunong ka ?" Tanong ko kay Edrian. Hindi kase ako makapaniwala eh. Obyus! Hahaha~ 

"Yeps." Sagot naman nya habang patuloy parin sa pagluluto ng kung ano.

"Anong niluluto ?" Tanong ko uli at lumapit sa kanya.

"Pancake. "

Pancake ? PANCAKE ?! O_________O WAAAHHHH! May favorite! :D Parang naging heart ata ang hugis ng mga mata ko. <3_<3 Galing lang!

"Alam mo bang favorite ni Faith ang pancake ?" tumingin sa amin si Kuya tas kay Edrian. Tas si Edrian naman ngumiti lang tas sabi...

"Alam ko."

Alam nya ? Bakit ? Si Maydilyn nga hindi nya alam yun sya pa kaya. Tsk Pinagloloko ata ako nito eh -.-

"Paano mo nalaman ?" Tanong ko

"I have my connections." Sabi nya sabay wink. Epal -.- Hahahaha~

"Free data ?" Tanong ko uli. 

"HAAAAHAHAHAHAHAHAHAHAH~"

"Epic ka talaga bunso. HAHAHAHAHAHA~"

Ano na naman ba ? Nagtatanong lang naman ako eh ? Bwiset! :/ Problema ba ng mga to ? Sabi nya may connections daw sya eh. Tsk Mga baliw! Kumuha na lang ako ng tubig at ininom. Alangan namang kainin ko diba ?! Kk, nabibwiset na ak. Makatawa kase wagas. Pati si Mommy -.-



Kasalanan Bang Mahalin Kita ? ON-HOLD || EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon