"I pronounce you husband and wife you may now kiss your bride "malakas na sabi ng pari na siyang nagkasal sa kanila.


After what had happened ay mabilis na inayos nila ang kasalan. Di maipagkakakaila ang engrandeng
pag iisang dibdib nila ni Alec.Napapalibutan ng puti at baby pink na bulaklak ang buong simbahan may mga butterflies pa at dalawang dove. Baby pink at white ang napili niyang motif sa kasal kaya nagmumukhang fresh at mamahalin ang kasal nila .


Siya na yata ang pinakamasayang bride sa araw ng kasal niya kahit na pormal at blanko lang ang emosyong ipinapakita ni Alec sa kanya. Ramdam niya ang negatibong pakikitungo ni Alec sa kanya kaya lang sa sobrang saya niya ay hindi nalang niya inintindi ang mood nito bagkus ay mas lumawak ang ngiti niya.


Nakangiting humarap siya sa kanyang groom at iniumang ang mga labi para sa unang halik nila bilang mag asawa.


" Dont ever think na hahalikan kita sa loob ng simbahan, your not worth it." malamig na sabi nito saka siya pinaharap sa mga tao at hinawakan ng padiin sa kamay.

Napakagat labi nalang siya sa sinabi nito at ngumiti saka humarap sa mga saksi ng kasalan nila.
Akala niya mangyayari na ang isa sa pinapangarap niyang gawin sa mahal niya.


Pagkatapos ng engrandeng reception sa Resorts world manila ay dumiritso na sila sa bagong bahay naregalo ng daddy niya sa kanila.

Masaya siya dahil natupad na din ang mga pagarap niya namakasal sa nag iisang lalaking mahal niya.


Pagbukas pa lang ng bridal car nila na sinakyan papunta sa bahay nila ay mabilis na bumaba si Alec at iniwan siya . Hirap pa naman siyang maglakad dahil masyadong malaki ang bridal gown niya.


"Alec..".Tawag niya rito ng makapasok sa loob.


Hindi niya makita ang asawa sa loob ng main living room nila.Siguro nasa kwarto na iyon.

Positibong inalis niya ang suot na white viel sa ulo at sumunod sa asawa sa taas.

Pagkapasok sa kwarto ay nakita niyang nakapagpalit na ng damit ang asawa.


" Ayusin mo lahat ng gamit mo ayokong makasama ka
ka sa kwartong ito,. I dont care kung saan mo ilagay lahat ng gamit mo. I just want you out of this room!"
Galit na sabi nito sa kanya.


Napapitlag siya sa lakas ng boses nito!


Kinuha nito ang carkey at saka bumaba.Narinig nalang niya ang malakas na hurorot ng sasakyan nito.

Napaupo siya sa nangyari. Iyon ang unang pagkakataon na sinigawan siya ng lalaki. Pinanghinaan siya ng loob, tanggap niya ng magiging pakikitungo nito dahil nga sa ginawa niya kaya lang hindi niya napaghandaan ang totoong pakiramdam kung paano tratuhin ka ng pandidiri ng Pinakamamahal mo.


Unang gabi ng pagtitiis pero kakayanin niya ito alang alang sa puso ko at pagmamahal ko kay Alec, naniniwala ako na mamahalin niya ako at kahit ano pa ang mangyari ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.


A wifes loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon