Pagkatapos niyang ligpitin ang mga gamit niya sa katapat ng kwarto ng masters bed room ay masaya siyang bumaba para asikasuhin ang asawa.

Ipagluluto niya ito ng special breakfast, titimplahan niya ng paborito nitong gawa niyang black cofee. Naalala pa niya noon tuwing bibisita si Kuya Alec sa bahay nila ay siya ang gumagawa ng kape nito habang abala ang kapatid niya sa kalalambing ng kasintahan,hindi niya makalimutan kung paano purihin nito ang gawa niyang kape at bigyan siya ng ngiting nagpapakabog ng mabilis sa mura niyang puso noon.


Nakahanda na ang breakfast at inilagay niya ito sa small cart na may tray at iniakyat sa masters bedroom. Sosorpresahin niya ito ng break fast in bed.

Maingat na binuksan niya ang doorknob at pumasok.


Pagpasok niya nakita niya agad ang walang laman na kama ,lumingon siya sakabila at nakita niya ang asawa na busy sa pagaayos ng necktie nito.Nakangiting lumapit siya rito at tinulungan ito sa Pagaayos ng necktie nito.


"Dinalhan kita ng breakfast dito,aayusin ko lang at ng makakain ka bago ka pumasok ng opisina." malambing niyang sabi rito.


Binigyan lang siya ng blankong tingin ng lalaki at kinuha ang rolex nito sa sidetable at isinuot.


"Ayokong basta basta ka nalang pumapasok sa kwarto ko kaya matuto kang kumatok" malamig na sabi nito at kinuha atache case.

" Huwag ka na ring mag abalang pagsilbihan ako. I never consider you as my real wife, sa papel lang tayo kasal . Alisin mo ang mga pagkain at ayokong mangamoy pagkain ang kwarto ko kaya lumabas kana" dagdag nito at naunang lumabas sa kwarto ang lalaki.


Napakagat labi siya at huminga ng malalim para alisin ang naninikip sa dibdib niya.

Unang araw pa lamang nila bilang mag asawa a bagong bahay nila ay tila napakalamig ba ang pakikitungo bg asawa niya.

She already knew what will be his treatment but she never thought how painful it is to be treated like your just a nobody to your husband.

Pinaghandaan na niya ang anuman ang magiging pagtrato nito sa kanya pero hindi niya napaghandaan ang magiging reaksyon ng puso niya sa malamig na pakikitungo ng asawa.


Umupo siya sa kama at kinuha ang unan para yakapin namnamin ang amoy ng lalaki habang nakapikit.


Hinding hindi siya mawawalan ng pag asa. Shes a stubborn little sweet brat at nakukuha niya lahat ng gusto niya sa paraang alam niyang tama .

" Mamahalin mo rin ako kaya hindi ako magsasawang hintayin ka" bulong ko habang nilalanghap ang amoy ni kuya Alec sa unan.

A wifes loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon