Chapter II: What Happened Before?

34 4 3
                                    

(Boy's POV)

Tatlong taon na ang lumipas matapos pagtangkaan ang buhay ng ang aking pamilya. Malinaw ko paring naaalala ang mga pangyayari noon.

Hayaan niyo akong ikwento :)

Isang araw ako'y naglalakad pauwi galing sa school. Excited ako dahil laging may dalang pasalubong sakin si tatay pag-uwi niya. Kahit di kami ganun kayaman, siya ay laging may dalang surpresa para sakin.

Pagkadating ko sa bahay ay nakita ko si tatay na may kausap na lalake, at sinabihan si tatay;

"papalipasin ko tong araw na to, kapag di mo pa nabayaran ang utang mo kinabukasan pamilya mo na ang kukunin ko bilang kabayaran"

"Maawa ka, pipilitin kong magtrabaho bukas at bukas na bukas rin ay babayaran kita basta wag mo lang sasaktan ang pamilya ko"

"Sige bukas ha, kapag wala pa bukas alam mo na ang pwedengangyari"

Sumakay sa kotse ang lalake at umalis.

Lumapit ako kay tatay upang siya ay tanungin tungkol sa pinag uusapan nila ng lalake.

"Tatay ano po yung pinaguusapan niyo nung lalake kanina?"

"Ah anak, wala yun wag mo na intindihin at anak dala ko ang paburito mong kitkat!"

"Yeeey! Salamat tatay :D!"

Nawala sa isipan ko ang lalakeng tinatanong ko sa kaniya ngunit bakas da mukha ni tatay ang takot at pilit niyang pagngiti saakin.

----------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan paggising ko ay nakita ko ang mga git na naka-empake sa sala namin.

"Anak pagtapos mo sa school ay dumiretso ka na sa sakayan ng bus papuntang La Union haa, malapit lang yun sa school niyo at malaki ka na kaya yakang yaka mo pumunta dun mag isa at wag na wag ka nang bumalik dito. Ok?"

"Sige po 'tay, at tay punta na po ako sa school namin,tapos na po akong kumain at mag toothbrush"

"Naligo ka ba?"

Biro ni tatay sakin.

"Oo naman tay, ito talaga si tatay oh"

"Sige anak, ingat ka haa! :D"

--------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos ko sa school ay patungo na sana ako sa sakayan ng bus ngunit naalala ko na naiwan ko sa kwarto ko ang paborito kong regalong bola sakin ni tatay kaya binalikan ko.

Alam niyo yung pakiramdam ng napakabigat sa dibdib yung habang naglalakad ka sa bahay niyo ee naaalala mo yung mga masasayang memories kasama yung pamilya mo pero sa huli ay iiwan niyo din ito.

Palabas na ako ng bahay ng may isang lalake na nagsaboy ng black na tubig sa loob ng bahay. Natakot ako at hinintay ko munang umalis yung lalake bago ako lumabas.

Biglang lumiyab ang aming bahay. Di ko mabuksan ang punto sa ang mga bintana namin ay di mabuksan.

Takot na takot ako. Di ko alam ang gagawin ko. Sumuko na ako na makakaligtas pa ako

Unti unti akong nahirapan huminga. Malapit na akong mawalan ng malay ng may isang babaeng pumasok. Napakaganda niya. Napakaputi, maamo ang mukha, napakalmbot ng skin niya- eksaktong tipo ko sa babae at higit sa lahat hinalikan niya ako at ramdam na ramdam ko yung labi niyang napakalmbot =.= c.p.r. ata tawag dun. Then suddenly nawalan na ako ng malay

Haaaay! Mas mamatay pa ata ako sa halik niya kesa sa sunog.

Pagkagising ko ay nasa hospital na ako at sa gilid ko ay nakita ko si nanay na umiiyak.

"Nay?"

"Anak!, sa wakas gising ka na. Bat di ka nakinig sa tatay mo anak. Muntik ka nang napahamak. Akala ko pati ikaw kukunin na sakin"

Iyak ng iyak si nanay at napaisip ako sa sinabi niyang "pati ako"

"Nay si tatay po? Sila Loiza at louis?"

"Yung mga kapatid mo ay nakabyahe na kasama sila tita mo--- per-pero si tatay mo anak! Binaril siya ng isang lalake sa sakayan at di ja umabot dito sa ospital."

Hinang hina na si nanay sa kaiiyak. At pulang pula na yung mata niya.

Akala ko OK na ang lahat pero di pa pala. Pinilit kong di umiyak upang maipakita kay mama na matatag ako at mas magiging matatag para sa kanila. Kahit gaanongnpilit kong pigipin ang akingnluha ay kusa itong lumabas sa aking mga mata at napayakap nalang sa aking nanay.

---------------------------------------------------------------------------------

Wait, ako nga pala si Kyle SantaMaria. 15 years old na ako ngayon. Mabait ako, masipag at Gwapo, wag kang tumawa! Nang kahit dito lang sa story maging gwapo ako-__- .

Kasalukuyan kaming nakatira ngayon dito sa San Fernando, La Union. Simula noong nawala si tatay ay ako na ang pumalit sa pwesto niya, kaso ayaw akong kunin sa mga pinaoasukan kong trabaho ee kaya pinangako ko kay nanay na pagiigihin ko ang pag aaral upang maging maganfa ang aming kinabukasan at di masayang ang pagod ni nanay sa amin. Balak ko rin hanapin si Kim yung babaeng nagligtas sakin, para masabihan man lang ng i love you-- a este thank you pala :D

--------------------------------------------------------

A Year Of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon