Chapter I: How this thing started

49 4 8
                                    

"Tulong! Tulong! Tulongan niyo ako! Maawa kayo! Nasusunog ang bahay namin! Tulungan niyo ako! Maawa kayo!" Ito ang aking narinig habang ako ay pauwi galing ng school, isang boses ng isang lalake na pilit humihingi ng tulong.
  Agad kong hinanap ang hiyaw na naririnig ko at sa harap ko nakita ko ang isang bahay na tinutupok ng naglalagablab na apoy. Ang mga tao'y sinusubukang apulahin ang apoy habang hinihintay ang mga bumbero.

"Manong ano pong nangyayare? Bat nagkasunog?"

"Ang balita ko nene ay kinandado yang bahay at pasadyang sinunog yang bahay"

Siniksik ko ang aking sarili sa mga tao upang tumulong at nakita ko sa loob ang isang lalake na walang malay.
    Binaba ko ang aking bag at ako ay tumakbo palapit ng bahay, binasag ko ang salamin ng bintana upang ako ay makapasok.
   Napakainit at ang ibang parte ng bahay ay unti unting gumuguho ngunit tumuloy parin ako at tinulungan ko ang lalake.

"Hoy buhay ka pa ba?!"

"Tulungan mo ako, di ako makahinga. Tulong." hinang hina niyang sinabi sakin

Namumutla na ang kanyang labi pati ang kaniyang buong mukha kaya kahit ako'y may pag aalinlangan ay hinalikan ko siya at inihipan ang kaniyang bunganga bilang temporary oxygen habang inilalabas ko siya.

Saktong paglabas namin ng bahay ay dumating na ang mga bumbero at agad na inapula ang apoy. Kasunod ng bumbero ay ang ambulansya na kumuha sa lalake at agarang itinakbo sa ospital, dahil ako ang nakitang kasama ng lalake ay isinama ako papunta sa ospital.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang kaniyang magulang,

"Dok! Kumusta ang anak ko, ayos lang ba siya?" Tanong ng kaniyang ina habang natataranta.

"Ok naman po siya maam, safe na po ang patient and just a little rest and he can go home, actually dapat na suffocate na siya kung di siya tinulungan ng babae sa labas"

Biglang bumukas ang pinto at lumapit sakin ang babae.

"Nene maraming salamat sa pagligtas mo sa anak ko ha, ano nga palang pangalan mo nene?"

"Uhm, Kim po, Kim Villarealle"

"Nako napakalaki ng utang na loob ko sayo, maraming salamat, sabihin mo lang kung anong gusto mo, kahit ano ayos lang bilang pasasalamat ko sa iyo"

"Nako di na po at tutuloy na rin po ako at baka nag aalala na po ang mga magulang ko"

"Aba sige nene, maraming salamat ha"

"Sige po"

Dali dali akong umuwi sa amin dahil meron akong curfew ng 6:00 PM at 7:30 PM na. Naku! Patay ako neto.

Pag uwi ko ng bahay ay naabutan ko na agad ang aking daddy na nag hihintay sakin sa sofa, nakatingin sakin ang kaniyang galit na galit na mga mata.

"Where have you been Kimberly! Bakit ngayon ka lang?! Look at yourself! Napakadungis mo! Napakarumi mo!"

"Dad, gumawa lang po kami ng project kasama ang mga kaklase ko about advance agriculture and soil cultivation. Pasensya na po kung late ako umuwi"

"I dont care! You can do that project even you are alone! Cant you see?! You are superior! You can do that alone here in our house! You are smarter than them! You are a Villarealle so act like one! Now, go fix yourself, get out of my sight!"

"Yes dad"

Ganito palagi ang nangyayari kapag late akong umuuwi. Di ko nga alam kung bakit sobra nalang ang galit ni daddy. Di naman siya ganyan noong nabubuhay pa si mommy.

Pagkatapos ng sermon ay agad ko ding sinunod ang utos ni daddy, akoy nagshower na at nagbihis at bumaba na para sa dinner habang naghihintay sa kusina ay bigla akong tinawag ni daddy.

"Kimberly, let me ask you again, where have you been earlier?"

"Dad, sa project p---"

"You liar!"

Lumapit si daddy sakin at sa isang iglap ay sinampal niya ang aking mukha.

"Tell me?! Why is you face here in the news? In a fire accident?! Tell me!! Its impossible that this is your twin kim"

Ako ay napaiyak nalang

"Dad, i tried to help that guy from death inside that burning house."

"You risk your life for a stranger?! What are you? A super human? You are a royal blooded girl! Your are superior! You are Villarealle! And you risk your life for that man!? What an idiotic act! Ive made my decision, tomorrow we will go back to Italy!"

"But dad! How about my studies?"

"I talked to the principal of a prestigious school there to admit you and they agreed"

"But dad"

"Thats my decision and nothing can change it!"

Kinabukasan din paggisingnko ay nakaempake na ang mga gamit naming mag-aama at handa nang lumipad patungong ibang bansa.

A Year Of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon