Chapter IV: The Four Itas

19 1 2
                                    

Time passes by faster when you enjoy the moment sabi nga nila, pero sa lagay ko ee di ko pa naenjoy ang pagtabi kay Kim pero recess na agad? Nasan ang hustisya?! But let's look on the brighter side, meryenda time na!

Pagkatunog ng bell bilang signal na break na ee parang nasapian nanaman tong mga kaklase ko. Yung classroom kapag nakita niyo mapapaMeow kayo. Balik sa dati ang mga studyante pwera dito sa katabi ko, grabe napakahinhin tas basa basa lang ng libro ang peg. Busy ang lahat sa paguusap. Wait! Ano to? Palapit sakin halos lahat ng kaklase ko? Hahaha well well well! Iba na ang pogi!

Habang palapit sila ee nagiisip na ako ng sasabihin ko. Ano kayang itatanong nila? Hmmm. Ayan na sila!!!

Hello Kyle may i ask you something?

Oh my?! Tong babaeng to! Landi naman heheh surely aayain ako magdate neto pero pasimple lang tayo haa, kunwari di ko pa alam.

Uhm ano yun miss? ^-^

Pwedeng excuse muna ? Gusto sana naming kausapin si Miss Kim

Ahh ehh si—sige ba

Thanks :)

Oo alam ko na, alam ko na! Wag na nating pag-usapan yung nangyari, nakakahiya -_- expectation vs reality nga naman haaay.

Bago pa man ako makalabas ng pinto papuntang canteen ee napansin kong wala nang kasama si Kim. This is my chance! Yayain natin siyang magmeryenda.

Uhm ki—

Saktong paglapit ko ee nagsitayuan sila palabas ng room at sa dami nila parang stampede and guess what tinangay ako ng alon ng mga gutom na studyante di ko tuloy nayaya si Kim. Haaaaa! Ano bang kamalasan to!!

Nevermind about that, heto ako sa canteen, mag-isang nagmemeryenda nang lumapit sakin ang kaklase kong lalake.

Hello bro! Mind if i join you?

English nanaman! Konti nalang baka pati utak ko magcramps!

Uhm since wala naman tayo sa room better kung magtagalog nalang tayo bro?

Sige ba! Eugene nga pala

Ok bro, Kyle nga pala. Nice meeting you

Tumabi sakin si Eugene. Ang lawak ng canteen. Ang daming tao. Palingon lingon sa paligid habang sumisipsip ng juice at nakikipag usap kay Eugene.

Napansin ko dun sa may sulok si Kim mag isa siya. Hmmm bat kaya? Ee ang dami niya lang kausap kanina sa room ah.. Itong mata ko parang nakaglue sa kaniya, di ko kasi mabaling ang tingin ko sa iba. Maraming dumadaan at naririnig kong pinaguusapan siya

Guys tignan niyo yung nasa gilid oh, chix ! Hanep ang puti

Yan yung sabi ng mga lalakeng napadaan. Haaay new generation of manyakis

Guys have you seen that girl's accessories and her bag? All are branded and i think it's very expensive. Baka di tayo pansinin niyan kapag nilapitan natin.

A Year Of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon