Chapter 1 : Ellian Academy
Chantria's Point of View
Wearing a blue up-shoulder dress and a red flat shoes, nakatayo ako sa harap ng salamin dito sa loob ng kwarto ko. Habang tinitignan ko ang repleksyon ko sa salamin ay napaisip ako.
Magiging maayos lang kaya ako sa loob ng Academy? Wala kayang mangyayaring hindi maganda? Kung meron man, magagawa ko kayang protektahan ang sarili ko gayong wala naman akong kapangyarihan tulad nila?
Napasulyap ako sa kama ko kung saan nakalagay ang bag na gagamitin ko. Laman nito ang mga gamit ko at katabi naman ng bag ko ay ang kwintas na regalo sa akin ng kakambal ko, si Cinzia. Automatic akong napangiti nang maalala ko ang kapatid ko. Kahit na hindi ako tulad ng pamilya ko ay mahal pa rin nila ako, lalo na ni Cinzia na sobrang maalaga at pumoprotekta sa akin. Hiling ko lang na sana ay walang magbago pagpasok namin ng Academy.
Kinuha ko na ang kwintas ko na nakapatong sa kama sa isinuot ito habang nakaharap sa salamin. Hinawakan ko ito at pinakatitigan. Ito ay regalo sa akin ni Cinzia sa akin noong araw ng kaarawan namin ilang taon na ang nakakaraan. She gave me this necklace to make me remember everytime that she will always stand by my side. May nilagay rin siyang magic sa kwintas na ‘to, dahil sa kwintas na ‘to ay nagagawa kong makakausap ng mga pixies o fairies.
Ang mga pixies o fairies kasi ay ‘yung maliliit na mga may pakpak na lumilipad. Sobrang cute nila at mabait! Kung makakakita ka ng kahit isa lang sa kanila ay siguradong matutuwa ka.
“Chantria!” Rinig kong pagtawag sa akin ni Cinzia mula sa labas ng kwarto ko kaya naman kinuha ko na ang bag ko at isinakbit ito
Hindi tulad ng ibang mga kambal, magkahiwalay ang kwarto namin ni Cinzia, hindi rin kami magkamukha pero may pagkakahawig naman sa isa’t isa. Si Cinzia ay may mahaba at kulay dilaw na buhok samantalang ang akin naman ay mahaba rin ngunit ito ay may pagkaputi ang pagkadilaw niya.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sa akin ang kapatid kong nakangiti sa akin. Nang makita niya ako ay agad niyang ikinawit sa braso ko ang braso niya saka ako hinila pababa ng hagdan.
Pagkababa ng hagdan ay nakita namin ang mga magulang namin na nasa hapagkainan na. May mga nagsisilbi rin sa kanila na nasa may gilid lang.
“Halina kayo, kumain na muna kayo bago umalis. I will definitely miss the both of you, my babies” Sabay naman kaming napatawa ng kambal ko dahil sa pagdadrama ng mommy Cynthia namin na tila ba naluluha na habang nakatingin sa amin
“Mom, were fine, sa Academy nalang kami kakain ng umagahan, promise!” Natatawang sabi ni Cinzia na inilingan nalang ni daddy
“No, dapat makasabay ko man lang ang mga babies ko bago—”
“Cynthia, let them do what they want. Hindi na bata ang mga prinsesa natin, soon magugulat ka nalang at may mga napupusuan na ang mga ‘yan” Pagsingit ni Daddy sa kung ano mang dapat sasabihin ni mommy kanina
Pero, teka lang, napupusuan? I wonder if someone will have that certain feelings for me. I’m not like them, I don’t deserve to have someone who will love me. It’s better kung manatili nalang akong dalaga habambuhay.
“No! It’s a big no, Charles! Hindi pa sila pwedeng magkaroon ng boyfriend!” Eto na naman po ang mommy namin na masyadong overreacting
“Don’t worry, mom, hindi ako magbo-boyfriend at magpo-focus kami ni Cinzia sa pag-aaral. Pero, panigurado ay magkakaroon niyan si Cinzia ‘pag pumasok na kami sa Academy—”
“Hoy! Grabe ka naman, Chantria!” Nakangusong paninita sa akin ni Cinzia saka ako mahinang hinampas gamit ang libre niyang kamay kaya naman napatawa kaming lahat
Ilan sa mga katulong nga rin ay napatawa ng mahina. Ngumiti nalang ako sa kay Cinzia at sabay kaming nagpaalam sa aming mga magulang.
“Bye mom and dad. See you next time! Male-late na po kasi kami eh!” Sabay na sabi namin ni Cinzia kaya naman napatingin kami sa isa’t isa at sabay na natawa
“Alis na po kami, mommy. Sana pagbalik namin dito ay may baby na kaming kapatid—Aww!” Napahawak si Cinzia sa braso niya nang madaplisan siya ng ice spike na ibinato sa kanya ni Mom, “Mom! Masakit ‘yun ah!” Reklamo pa ng kakambal ko pero natatawa naman bago pinagaling ang sugat niya
Napatawa naman si Daddy sa kakulitan naming tatlo, “Paalisin mo na sila, Cynthia. They’re gonna be late for their first day of school” Dahil sa sinabi ni Daddy ay agad na kaming napatakbo ni Cinzia palabas ng palasyo
Ito ang unang araw namin sa Ellian Academy, isang Academy dito sa Ellian Realm kung saan ito ay eskwelahan na para sa mga taong naninirahan dito sa mundo namin. Lahat ng estudyante at iba pang mga tao sa loob no'n ay may kanya-kanyang mga kapangyarihan at special abilities na wala naman ako.
It’s been two years since mamatay ang nag-iisang guro namin ni Cinzia. Tanging sa palasyo lang kami nag-aaral ni Cinzia at tinuturuan kami ng guro namin na sinasabi ko. ‘Yun nga lang, namatay na ito dalawang taon na ang nakakalipas dahil sa isang trahedya. Wala akong alam sa kung bakit at paano siya namatay, sinabi nalang sa amin ‘yon nina Mommy at Daddy. And now, we were now study in the Academy.
“Chantria, ayos ka lang ba?” Napalingon ako kay Cinzia tsaka ngumiti sa kanya
“Ayos lang ako, Cinzia. Naisip ko lang na ito ang unang beses na lalabas ako ng palasyo at mawawalay sa mga magulang natin” Nakangiti kong sagot kay Cinzia. Tama ‘yon, ito ang unang beses na lalabas at lalayo ako sa palasyo dahil ni minsan ay hindi naman ako lumabas miski sa bayan, tanging sina mommy, daddy, at Cinzia lang.
It’s not they doesn’t want me to be with them, but I asked them. Sinabi ko na mas mabuting sa palasyo nalang ako magtigil dahil wala rin naman akong kapangyarihan tulad nilang lahat. Pinilit nila ako pero wala rin naman silang nagawa. That makes everything for me now to be a new feeling, a new environment.
“Don’t worry, Chantria, nandito naman ako. Then I will introduce you to my friends! ‘Yung iba pang royalties” Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Cinzia tungkol sa iba pang royalties, “Chantria, kung iniisip mo ang tungkol sa iba at sa mga royalties, nandito naman ako eh. I won’t leave your side, magkakampi tayo ‘di ba? Para saan pa't kambal tayong dalawa?” Pagpapagaan niya sa loob ko kaya naman napangiti na ako at tinanggal ang kaba sa dibdib ko
Maswerte ako na may kakambal akong tulad ni Cinzia.
“Tara na?” Tanong niya na tinanguan ko naman
*****
Mabilis na lumipas ang oras at nandito na kami ni Cinzia sa harap ng Ellian Academy. Paano kami nakarating dito? Nasabi ko na bang may abilidad si Cinzia ng teleportation? Kailangan lang niyang mag-concentrate ng mabuti para makapag-teleport. Tutal ay nakapunta na rito si Cinzia noong nagpalista siya kasama ang mga magulang namin ay mabilis nalang sa kanyang makapag-teleport papunta rito.
“Ito na ang Ellian Academy, handa ka na ba Chantria?” Napalingon ako kay Cinzia nang sabihin niya ‘yon, pero nakita kong hindi naman siya nakaharap sa akin kundi sa mismong Academy. Pinisil ko ng marahan ang kamay mula sa pagkakahawak ko kaya’t napalingon siya sa akin, “Bakit? Kinakabahan ka pa ba? ‘Di ba't sabi ko sa’yo ay ‘wag ka ng kabahan dahil nandito naman ako?” Natatawa ngunit may pag-aalala sa boses niya
Napabuntong-hininga naman ako bago sumagot sa kanya, “Hindi ko alam, oo alam kong nandyan ka lang sa tabi ko para sa akin. Pero, hindi ko maiwasang kabahan lalo na ‘pag nalaman ng iba na ikaw, Cinzia, ay may kakambal na walang kapangyarihan o ano pang espesyal na abilidad”
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko na kanina pa namang magkahawak sa kanya. Ngumiti siya sa akin ng malaki bago ako hilahin papasok ng Academy.
“Wala silang pake kung wala kang kapangyarihan, as long as kapatid kita ay hindi ka nila pwedeng saktan o apihin man lang. Kakambal mo ako, Chantria, and I will never let them discriminate you dahil lang sa wala kang kahit na anong kapangyarihan. You are a royalty yourself, and they doesn’t have any rights to go against you” Sambit niya habang hinihila ako kaya't napangiti na ulit ako dahil sa kanya
She is always like that to me, a protective sister that is always by my side. Masaya akong kahit na wala akong kahit na anong kapangyarihan ay may kapatid naman ako at pamilyang tanggap ako sa kung ano ako. I maybe a powerless princess, but I am full of love by my family, at sapat na sa akin ‘yon.
Habang naglalakad kami ni Cinzia—tumigil na kasi siya sa paghila sa akin—ay may napansin ako sa mga estudyante dito sa Ellian Academy. Lahat sila ay nakatingin sa amin ni Cinzia at pinagmamasdan ang mga galaw namin. Kung si Cinzia ay nakangiting naglalakad habang magkahawak ang kamay namin, ako naman ay nagtataka sa mga taong nakapaligid sa amin.
Bakit kaya sila ganyan makatingin sa amin? Ano kayang meron?
“Just don’t mind them, Chantria. They’re just curious of who we are” Magtataka pa sana ako kung bakit nagsalita si Cinzia nang maisip ko na baka binasa na naman niya ang isip ko
Napapaisip tuloy ako kung paano isasara ang isip ko para hindi mabasa ng iba. Hindi naman kasi ‘yon naituro sa amin nung guro namin dati ni Cinzia. Tinuruan lang niya kaming ipagtanggol ang mga sarili namin, at syempre ay tinuturuan din niya si Cinzia na gamitin ang kapangyarihan at kakayahan nito.
“’Wag mo ngang basahin ang isip ko, Cinzia. Andaya mo porket hindi kita mabasa eh” Nakanguso kong sumbat sa kanya pero kalaunan ay napatawa ng mahina nang makitang napanguso rin siya kasi guilty siya sa ginawa niya
“Maingay kasi isip mo, kasalanan ko nalang ay ang mabasa ‘yon” Napatawa nalang talaga ako sa kanya habang naglalakad kami papunta sa magiging classroom namin
Nang ibaling ko ang tingin ko sa harapan namin ni Cinzia ay may nakita akong apat na estudyante na papalapit sa amin. Tatlong lalaki at isang babae, and based on their auras and appearance ay hindi sila mga normal na mages lang. They are higher than the normals, they are the other royalties of Ellian Realm.
Napatigil kami ni Cinzia sa paglalakad nang makatapat na namin sila. Bumitaw si Cinzia sa pagkakahawak niya sa akin at lumapit sa mga bagong dating.
“Hi! Guys I want you to meet someone!” Masayang bungad ni Cinzia sa kanila
Napatago naman ako sa likod ni Cinzia nang tumingin silang apat sa akin ng sabay-sabay.
Why are they looking like that on me? Ano kayang gagawin nila sa akin? Ibu-bully ba nila ako? Sasaktan ba nila ako?
“Guys, I want you to meet my twin sister, Chantria” Pakilala ni Cinzia sa akin sabay hila sa akin palapit sa tabi niya kaya naman nakaharap na rin ako sa kanila
“H-Hi?” Kinakabahan kong tanong sa kanila dahil sinong hindi kakabahan kung nasa harapan mo ang iba pang royalties na ngayon mo lang nakilala?
“This is Aleera” Turo ni Cinzia sa nag-iisang babae sa grupo nila, “This is Sirius, Fabien, and Klayden” Dagdag pa ni Cinzia sabay turo isa-isa dun sa tatlong lalaki
Si Sirius ay nakangiting kumaway sa akin, si Fabien naman ay tinanguan lang ako, si Klayden ay tumingin lang sa akin ng nakakunot-noo, at si Aleera naman ay ngumiti at kumaway rin sa akin tulad ni Sirius.
“We didn’t know na may kapatid ka pala, Cinzia, at kakambal mo pa?” Nakangiti pero nagtatakang tanong ni Aleera kay Cinzia. Nanatili lang naman ako dito na nanonood sa kanila
“Oo nga, hindi namin siya nakikita tuwing lumalabas kayo sa palasyo” Singit din ni Sirius. Pansin ko lang na medyo tahimik sina Fabien at Klayden kumpara kina Aleera at Sirius.
“Naikwento ko na kaya sya sa inyo!” Nakangusong sambit naman ni Cinzia, “She prefer to be at home, hindi siya pala-labas at pala-ingay ‘di tulad nyo Aleera na masyadong gala” Dagdag pa niya kaya nanlaki ng bahagya ang mga mata ko nang sabihan niya ng ganon si Aleera
Okay lang ba sa kanila na ganun? Ibig sabihin nito ay friends na talaga sila? Royalties sila hindi ba?
Pero napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang mapagtanto ko na royalties nga rin pala kami ni Cinzia. Ang kaibahan lang naman ay ako na walang kahit na anong kapangyarihan at kakayahan, at sila naman na may mga taglay na kapangyarihan at mga espesyal na abilidad.
“Ahh, nalimutan ko na. Naalala ko nga pala na may babae kang laging kunukwento sa amin. Akala ko lang noong una na kaibigan mo siya, pero ngayon alam ko na, na kapatid mo pala.” Nakangiting paliwanag naman ni Aleera sabay sulyap ng tingin sa akin
“So...tara na sa room? We’re gonna be late for our class” Napabaling naman ako kay Cinzia nang magsalita sya
Ka-kaklase namin sila?!
“Yeps, classmates natin sila, Chantria” Natatawang sagot ni Cinzia sa kanina lang ay iniisip ko. Napasimangot naman ako dahil sa kanya na siyang ikinatawa naman nina Sirius, Aleera, at Fabien. Si Klayden? Nakatingin lang sa amin at nanonood.
“Let’s go, balita ko strict ‘yung Professor natin ngayon sa unang subject since nasa special class tayo” Kinabahan naman ako bigla sa sinabi ni Sirius na umakbay pa kina Fabien at Klayden
“Balita ko rin na ngayong araw daw ay bad mood siya dahil sa dalawang estudyante na nakabungguan niya sa may hallway. Biruin mong hindi daw siya iniwasan man lang?” Biglang sabi ni Aleera, “Pero, I think si Sir naman talaga ang may kasalanan. Kasi kung nakita na niya ‘yung dalawang estudyante, bakit hindi rin siya umiwas? ‘Di ba?” Mukhang mabait pala itong si Aleera. She may look intimidating outside because of her appearance, pero mabait naman pala siya.
“Yeah, ganyan lagi ‘yung strict na Professor na ‘yon. Ayaw niya rin na hindi siya babatiin kapagka nakasalubong o nakita mo siya” Dagdag paliwanag pa ni Sirius sa paliwanag ni Aleera kanina
So, dapat pala iwasan ko na ang teacher na ‘yon? Baka delikado eh, mukhang ako yata ang mapupuruhan niya at mapagbubuntungan ng kaistriktuhan niya.
Napatigil naman ako sa pag-iisip nang marinig ko, namin, na tumawa si Fabien ng mahina.
Hala, naririnig o nababasa ba niya ang isipan ko?
“Maingay pala ‘yung kapatid mo sa isip niya, Cinzia? She’s been talking silently in her mind tungkol sa pinag-uusapan nyo, natin, kanina pa” Natatawang paliwanag ni Fabien kaya naman napaiwas nalang ako ng tingin sa kanila at napanguso nang lahat sila ay lumingon sa akin
Tama pala ako na naririnig niya ang isipan ko, nagtataka tuloy ako kung paano nila nagagawa iyon. Kung may kakayahan lang sana din ako ng tulad nila, kaso heto ako at naiiba sa kanila.
“Ganyan talaga si Chantria, tahimik pero ‘pag nakasundo mo na ay maingay rin naman siya. Not literal na maingay talaga, pero sanay lang siya na magsalita nang magsalita kapag close niya ang kausap niya” Napangiti naman sila sa pinaliwanag ni Cinzia, pero kalaunan ay sabay-sabay kaming napalingon sa bell na nasa pader na biglang tumunog
“Patay, oras na ng klase natin!” Nagulat naman ako sa sinabi ni Cinzia pero mas nagulat ako nang bigla nalang naglapit-lapit silang lima at sa isang iglap ay nasa tapat na kami ng isang room
“Nandito na tayo sa classroom natin” Napalingon ako kay Aleera nang mapagtanto ko na siya ang dahilan nang biglaan naming pagteteleport bago ako tumingin sa pinto na nasa harap namin
Special class, ‘yan ang nakasulat sa may pinto. Ibig sabihin ay nandito na nga kami sa classroom namin. Si Klayden na ang nagbukas ng pinto at naunang pumasok sa loob. Sumunod na pumasok si Fabien, sunod si Sirius, Aleera, at si Cinzia bago ako pumasok sa loob.
Pansin ko kaagad pagpasok sa loob ng room ay may karamihan ang nasa special class. Karamihan rin sa mga nasa loob na ng klase namin ay lumingon sa pagdating namin at ang iba pa nga ay tinitignan kami ni Cinzia na para bang inoobserbahan.
Nakita kong nagsiupuan na sina Aleera sa may likuran kaya naman sumunod na rin kami ni Cinzia sa kanila. Saktong pagkaupo namin ay sakto ring bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking may dalang libro sa kanang kamay.
“Good morning students of special class!” Lahat ay napatayo maging ako sa gulat nang matapos bumati ng guro sa harapan
“Good morning, Professor Harry!” Sabay-sabay nilang bati samantalang ako ay nanatiling tikom ang bibig dahil hindi ko naman siya kilala para bumati ng pangalan niya na ngayon ko nga lang rin nalaman
Mukhang siya ang sinasabi kanina nina Aleera at Sirius na strict na Professor. Kung titignan ang kabuuan niya ay talaga namang intimidating maging ang aura na pinapakita niya. Mukhang dapat ko talaga siyang iwasan dahil baka ako ang mapagbuntungan niya ng ka-istriktuhan niya.
Nilibot niya ang paningin sa buong klase matapos naming magsiupo matapos bumati. Tumigil ang paningin niya sa lugar kung saan ako at si Cinzia ay nakaupo. Automatic akong napalibot ng tingin sa buong classroom at napalunok. Mukhang alam ko na yata kung anong magiging umpisa ng klase namin na ito.
“May mga bagong mukha tayo rito, pero hindi ko na muna kayo pagpapakilalanin dahil mas gusto kong nakasaayos ang lahat.” Muli ay nilibot niya ang tingin sa buong klase, “Lahat kayo ay tatayo at pupunta rito sa unahan para ipakilala ang inyong mga sarili ganun din ang kung ano ang inyong taglay na enchant at abilities. Magsisimula tayo dito sa mga nasa unahan papunta sa likuran, understood?!” Lahat ay napatango nalang matapos niyang magsalita
Nag-umpisa na siyang magtawag sa mga nasa unahan. Ako rito sa pwesto ko ay labis na ang kaba na nararamdaman. Paano na kaya ako ngayong wala naman akong kapangyarihan. Iniisip ko kung dapat ko pa bang sabihin sa kanila ‘yon o hindi na. Ano naman kaya ang mangyayari sa akin oras na sabihin kong ako, si Chantria Alken, anak nina Cynthia at Charles Alken, kakambal ni Cinzia Alken ay walang kahit na anong kapangyarihan o espesyal na abilidad?
Habang kabado ako rito ay naramdaman ko ang kamay ng kakambal ko na humawak sa kamay ko na kanina pang nanginginig.
“Kaya mo ‘yan, Chantria. Nandito lang ako para sa'yo, hindi kita iiwanan. Sabay pa tayo na pumunta sa harapan kung gusto mo?” Napatango nalang ako kay Cinzia dahil sa mga sinabi niya. Mabuti nalang at nandito sya, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ang kapatid ko rito sa tabi ko.
“Kayong dalawa riyan sa likod! Kayo na ang susunod pagkatapos ng mga royalties, hindi pa ba kayo tapos mag-tsismisan dyan dalawa?!” Napapitlag naman ako nang marinig ko ang boses ng nakakatakot naming guro kaya naman dahan-dahan akong napayuko at bumulong ng ‘sorry’ na alam ko namang narinig niya
Lumipas ang ilang minuto ay ang mga kamahalan na ang isa-isang tumayo at nagpakilala, sinabi rin nila ang kanilang mga abilidad at kakayahan. Si Aleera ay isang nature enchant mage, si Sirius ay isang wind enchant mage, si Fabien ay isang water enchant mage, at si Klayden naman ay isang fire enchant mage.
Kung hindi ko pa nasasabi ay ang mage ang tawag sa aming mga taong naninirahan dito sa Ellian Realm at may taglay na mga kapangyarihan, hindi ko nga lang alam kung kasali ba ako do'n. Enchant naman ang tawag sa kung anong kapangyarihan o elemento ang kaya mong kontrolin. May limang enchant na kayang kontrolin ang mga mages at ito ay ang fire, water, wind, nature, at ice.
Agad na akong kinabahan nang tumayo na si Cinzia at hinawakan na ang aking kamay. Akma na rin sana akong tatayo nang bigla nalang nagsalita ang teacher namin.
“Bakit dalawa kayong tatayo sa harapan? Hindi ba't sinabi ko na isa-isa kayong pupunta roon? I don’t think you’re both deaf since naririnig nyo naman ako hindi ba?” Bumitiw na ako sa pagkakahawak ni Cinzia kaya naman nag-aalala siyang tumingin sa akin na sinuklian ko lang ng isang ngiti
Labag man sa kalooban ni Cinzia ay pumunta siya sa harapan at nagpakilala. Sinabi rin niya na isa siyang ice enchant mage na siyang kanyang kapangyarihan na dapat sana ay taglay ko rin dahil ‘yun ang kapangyarihan ng pamilya namin.
Natatakot pa akong tumayo pero wala akong nagawa nang makitang nakabalik na si Cinzia sa pwesto niya at matamang nakamasid sa akin ang istrikto naming guro. Dahan-dahan at kinakabahan ay tumungo na ako sa harapan at humarap sa mga kaklase ko maging sa guro naming pinapanood ako.
“H-hi, ako si po Chantria Alken, twin sister of Cinzia” Maikli kong pagpapakilala sa harapan nila pero mukhang naghihintay talaga sila sa susunod ko pang sasabihin. Akma na sana akong babalik sa upuan ko pero heto na naman po ang istrikto naming guro
“Hindi ka pa tapos” Agad akong kinabahan sa uri ng tono ng pagsasalita niya, “Anong enchant ang sa iyo? Marahil ay ice rin ‘yon, pero anong iba mo pang kakayahan?” Bakla ba si sir? Nakataas kasi ang kilay niya habang sinasabi ‘yan
“A-ano...wa-wala po akong—”
“Ayusin mo ang pagsasalita mo kung—”
“Sir! Magaling po si Chantria—” Sinubukang sumingit ni Cinzia pero napatigil siya nang magsalita ulit si Prof Harry
“Shut up! Hindi ko sinabing sumabat ka sa—”
“Wala po akong kapangyarihan!” Hindi ko napigilan ang sarili ko na isigaw ang mga katagang ‘yon dahil sa kaba na dulot ng guro namin at sa ginawa niyang pagsasalita sa kapatid ko
Natahimik ang lahat at walang sino man ang nagtangkang magsalita. Unti-unti kong inilibot ang tingin ko sa buong klase at tumigil ito sa kapatid kong nakatingin ng nag-aalala sa akin kaya't nginitian ko siya para ipahiwatig na ayos lang ako.
“Wa-wala po akong kapangyarihan, i-ipinanganak ako na walang kahit na anong kapangyarihan o kahit na mga espesyal na abilidad.” Paliwanag ko pero unti-unti ay nakatanggap ako ng mga reaksyon at komento mula sa mga kaklase ko
“Wala siyang kapangyarihan?”
“Prinsesa sya hindi ba?”
“Impossible ’to! Wala pang mage na ipinanganak na walang kapangyarihan!”
“Isa siyang kahihiyan sa pamilya—”
“Magsitigil kayo! Hindi kahihiyan ang kapatid ko!” Hindi na naituloy pa nung huling nagsalita ang sinasabi niya nang sumabat na ang kapatid ko sa mga sinasabi nila
Napayuko ako at unti-unti kong naramdaman na tumutulo na pala ang mga luha ko. Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko ng sunod-sunod hanggang sa hinayaan ko nalang na tumulo ito sa sahig at tahimik akong humikbi.
“So, isang prinsesang walang kapangyarihan...” Nanatili akong nakayuko at hindi inaangat ang tingin kahit na nagsalita na si Prof Harry, “A powerless princess, how come na may tulad mo nandito sa special class?! You don’t deserve to he here!” Sigaw ni Sir kaya’t lalo akong napaiyak at nagkaroon ng tunog ang mga hikbi ko
“Sir!” Pagpigil ni Cinzia kay sir pero ikinumpas lang ni sir ang kamay niya at tila hindi na magawang makagalaw ng kapatid ko na akma sanang pupunta sa pwesto ko
“Ms. Chantria Alken, isa kang kahihiyan sa pamilya mo alam mo ba ‘yon?! Hindi ko alam kung bakit ka pa hinayaan na mabuhay gayong—”
“Sir! Kapatid ko pa rin po siya! You don’t have the rights to tell her like that!” Singit ni Cinzia kaya napaangat ang tingin ko sa kanilang lahat
“Sir, h-hindi ko naman po kasalanan na nabuhay pa ako!” Inis at lumuluha kong sigaw sa guro namin
Wala siyang karapatan na ganituhin kami. Guro lang namin siya at wala siyang karapatan na ipahiya at sabihan kami ng mga ganitong klase ng salita.
“Nakapagdesisyon na ako, ililipat kita sa lowest level of mages! Ilalagay kita sa common and ordinary mages! Hindi ka nararapat dito sa special class!” Galit na sigaw ni sir at akma pa sana akong sasabat maging si Cinzia nang magsalita ulit sya, “Walang aangal! At ikaw Ms. Cinzia! Hindi ka maaaring sumunod sa kapatid mo! Akala mo hindi ko nababasa ang isip mo?!”
Hunarap ang guro sa akin at tinignan ako ng seryoso. Ang mga kaklase ko naman maging ang mga royalties ay nakatingin sa akin at nanonood sa mangyayari.
“You’re not belonged here in special class, you are a disgrace, a freaking powerless princess..”
BINABASA MO ANG
Powerless Princess of Ellian Realm
FantasyPowerless Princess of Ellian Realm Written by: yourlazyflower Genre: Fantasy Description: In a fantasy world that is full of magics and special abilities, there are people, places, and animals that is not ordinary. Mystical and magical creatures and...