Chapter 2 : Deterrimus class
Chantria's Point of View
Holding my bag in my right hand while walking straight with my head down. Nakasunod ako ngayon kay Professor Harry habang tinatahak namin ang daan papunta sa bago ‘kong classroom. Tahimik lang ako at pilit na huwag tumulo ulit ang mga luha ‘ko.
Kanina ay pinilit pa ni Cinzia na sumunod sa amin, subalit hindi siya nagtagumpay dahil binantaan siya ni Prof Harry na kung hindi siya susunod sa kanya(Prof Harry) ay siguradong makakatanggap siya ng parusa. Bilang kapatid at kakambal ni Cinzia, hindi ‘ko hahayaan na madamay pa siya sa akin. Tama na ‘yung alam ‘kong nag-aalala at may pakialam siya sa akin.
Pinakausap ‘ko kay Prof Harry na ‘wag na niyang parusahan ang kapatid ‘ko dahil papayag na akong malipat sa ibang section. Ang sabi pa ni Prof Harry na wala naman daw talaga akong magagawa kundi lumipat sa iba kesa naman paalisin ako dito sa Ellian Academy. Kaya’t heto at kasunod lang ako ni Prof Harry papunta sa bago ‘kong magiging klase. The lowest level here in Ellian Academy, deterrimus class.
“What a shame for the Alken family, isa pa naman sila sa mga royal families dito sa Ellian Realm, tapos heto at may anak pa silang walang kapangyarihan. I wonder why do they didn’t kill you at the first place. Isa ka lang namang kahihiyan, walang kwenta, walang kapangyarihan at isang prinsesang walang patutunguhan” Mahina man pero rinig na rinig ‘ko ang mga sinasabi ni Prof Harry dahil tahimik na tahimik na dito sa hallway ng Academy
Napayukom nalang ako ng mga kamay ‘ko at pilit na huwag mag-isip ng mga bagay-bagay dahil baka mabasa ng gurong sinusundan ‘ko. He doesn’t have the rights to say that words to me, wala rin siyang karapatan na pahiyain at pagbantaan kami ni Cinzia. He’s really not just a strict Professor, but he is a terror one. Sabi ‘ko iiwasan ‘ko siya para walang gulo, pero heto na at nagsimula na ang kalbaryo ‘ko.
Nang makarating kami sa pintuan ng bago ‘kong classroom ay agad akong hinawakan ni Prof Harry ng mahigpit sa braso saka ako padarag na ipinasok sa loob ng classroom matapos niyang buksan ang pinto. Muntik pa nga akong mapasubsob sa sahig kung hindi ‘ko lang nabalanse ang katawan ‘ko. Perks of having a self defense class before nung nasa palasyo pa lang kami nag-aaral ni Cinzia.
“Prof! Hindi nyo naman kailangang itulak ‘yung bata!” Sita sa kanya ng magiging bago ‘kong guro sabay inalalayan ako sa kinatatayuan ‘ko
“Makinig kayong lahat sa akin!” At tumingin si Prof Harry sa buong klase ng may seryosong mukha, “Ang babaeng kasama ‘ko ngayon ay makakasama nyo na sa klase nyo. She’s a princess, everyone” Dagdag pa ni Prof Harry habang nakangisi
“Prinsesa raw? Eh bakit nandito?”
“Anong ginagawa nya dito? ‘Di ba automatic na kapagka nasa mataas na katungkulan ang pamilya ay sa special class na?”
“Quite, class!” Pagpapatahimik ni ma’am sa kanila, sya ‘yung bago ‘kong guro., “Prof. Harry, bakit mo naman siya dinala dito kung isang siyang prinsesa?” Naguguluhang tanong ni ma’am kay Prof Harry na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa pwesto ‘ko
“Good question, Prof. Liza” So, Prof Liza pala ang itatawag ‘ko sa kanya, “She is a princess literally, but, she is not worthy of her title” Dagdag pa ni Prof Harry habang nanatiling naguguluhan ang lahat ng nandito sa loob ng klase ni Prof Liza
Malamang sa malamang ay kakalat na mamaya ang balitang ako, si Chantria Alken na isang prinsesa ay ipinanganak na walang kapangyarihan tulad ng lahat. I will be the center of everyone’s murmurs later. Ganitor rin kasi ang nangyari sa loob ng palasyo noon nang malaman nila na wala akong taglay na kapangyarihan. Pero, kalaunan naman ay bumait na sila sa akin at pinatunguhan ako ng maayos nang tumagal-tagal na at nakilala na nila ako.
Mabilis naman kasi akong lapitan, palakaibigan, mabait, matulungin, at tatanggapin kita kahit na ano ka pa. ‘Yan ang naging dahilan ng mga taga-palasyo para makagaanan ‘ko ng loob at maging kaibigan silang lahat, not being a princess, pero kaibigan ang tingin nila sa akin.
“Prof. Harry, we can’t understand you. Naguguluhan—ano bang ibig niyong sabihin?” Napahinga ng malalim si Prof Liza dahil sa kawalan niya ng pasensya kay Prof Harry habang ako naman ay iniyuko nalang ang ulo habang kuyom ang mga kamao
“She is a royal princess, but, you can do everything you want to her. Yes, she is a princess, but she is not deserving of her title as she is a disgrace. Isa siyang prinsesang walang kapangyarihan, and that’s explains kung bakit sya nandito sa klase nyo. She is a trash like what you are all...” Mas napadiin ang pagkakayukom ‘ko ng mga kamao ‘ko nang dahil sa mga sinabi ni Prof Harry
Oo, sige hahayaan ‘ko siya na pahiyain ako at sabihan ng kung anu-anong mga salita. Oo, sige hahayaan ‘ko siya na tapakan ako at lalong ibaba. Pero ito? Itong sinabi niya na mga basura ang lahat ng nandito sa level na ito? It’s not fair for a teacher like him.
“Prof Harry, your words—”
“Oo, wala nga akong kapangyarihan tulad nyo. Oo at kakaiba ako at masyadong ordinaryo bilang isang prinsesa. Oo, hindi nga siguro ako deserving sa posisyon ‘ko...” Nang inangat ‘ko ang tingin ‘ko sa kanya ay nakita ‘kong taas-noo siyang nakatingin sa akin habang may ngiti sa labi, “Pero wala kang karapatan na ganituhin ako, at sila na nandito sa klase na ito. Oo, Professor Harry, this is the lowest among all of the levels of the Academy, but you doesn’t have the rights to tell those words on us” Nawala ang ngiti niya at unti-unti ay sumama ang tingin niya sa akin
I may be fragile, soft, and weak outside, but I will not let someone to discourage someone because of me. Hindi ‘ko hahayaan na idamay niya ang iba kung ako lang naman ang kinagagalitan at kinaayawan niya.
“Wala kang modo—”
“Kung ayaw nyo sa akin, ako nalang! ‘Wag mo silang idadamay kung ako lang naman ang ayaw mo! Oo, guro ka dito at nakatataas, pero wala kang karapatan na alipustahin kaming nandito!” Hindi ‘ko napigilan ang inis ‘ko sa gurong ‘to. Oo mahina ako, walang kapangyarihan, tahimik, pero hindi ‘ko hahayaan na may mga taong gumaganito sa iba. Okay lang sa akin, but I won’t let other people feel and experienced what I had.
“Prof, I think you should go now. Naihatid mo na siya dito at tingin ‘ko ay wala ka ng kailangan pa rito” Mahinahon na sabi ni Prof Liza habang may maliit na ngiti sa labi
Inis naman at padabog na umalis si Prof Harry sa harap namin. Napahinga naman ako ng malalim at napabaling sa mga kaklase ‘ko at napatigil nang makita silang gulat na nakatingin sa akin.
“Uhm, Ms.—” Napalingon ako kay Prof Liza dahil nagsalita siya kaya naman dali-dali akong humingi ng tawad
“Pa-pasensya na po talaga kayo. Hindi ‘ko po intensyon na—”
Unti-unti ay natawa sa akin si Prof Liza, “I just want to ask your name, ija, at isa pa ay wala kang dapat na ihingi ng tawad dahil napabilib mo nga ako sa ginawa mo sa baklang ‘yon” Gumaan ang loob ‘ko sa sinabi ni Prof Liza pero teka, bakla pala si Prof Harry?
“Oo nga, siya lang ang nakagawa non dun kay Prof Harry!”
“She’s cool! Idol ‘ko na siya!”
“Matapang na, maganda pa!”
“Ano naman kung wala siyang kapangyarihan ‘di ba?”
“Tama! Tanggap natin siya!”
Nagulat nalang ako nang magsimula silang magsalita at magbahagi ng mga opinyon nila. Napangiti ako at tila may humaplos sa puso ‘ko dahil sa mga sinabi nila. Tanggap nila ako...tanggap nila ako kahit wala akong kapangyarihan...
“Maari ka bang magpakilala sa amin?” Napalingon ako kay Prof Liza dahil sa tanong niya. Napangiti naman ako ng saglit bago tumango sa kanya at humarap sa lahat.
“Magandang araw! Ako si Chantria Alken, kakambal ni Cinzia Alken at anak nina Cynthia at Charles Alken. Please treat me as you treat your friends!” Nakangiti ‘kong pakilala sa kanila na sinuklian din nila ng pagngiti sa akin
“I am Prof. Liza, your teacher here in deterrimus class. Welcome here, Chantria...” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Prof Liza, “Tanggap ka namin, ‘wag ka mag-alala. Gaya ng sabi nila ay wala kaming pakialam sa kung wala ka ba talagang kapangyarihan. Sa ginawa mo kanina na pagtatanggol sa iba ay hindi mo kinailangan ng kapangyarihan, that’s why even without enchant, you are still a mage deserving of her title as a princess...” Ngumiti ako kay Prof Liza at bahagyang yumukod bago umayos ng tayo
Humarap na ako sa mga kaklase ‘ko at nilibot ang tingin para maghanap ng upuan at sakto namang may bakante sa may tabi ng isang estudyante. Lumakad na ako papunta roon at sinilip ‘yung lalaki, tulog pala kaya nakayuko.
“Kamahalan, dyan ka nalang” Napalingon ako sa babaeng nasa likod lang ng bangko na bakante nung lalaking sinasabi ‘ko. May katabi ‘yung babae na lalaki tulad ng iba pang mga kaklase ‘ko. Ibig sabihin, boys and girls ang arrangement dito.
“Wala bang nakaupo dito?” Tanong ‘ko sa kanya sabay turo sa bangko'ng sinasabi ‘ko
“Wala” Nakangiti niyang sagot sa akin kaya’t agad ‘ko nang inilagay ang bag ‘ko sa ibaba ng upuan ‘ko at umupo na, “Alam mo, kamahalan—” Agad ‘ko naman na siyang pinutol habang natatawa
“Chantria, Chantria ang pangalan ‘ko” Nakangiti ‘kong iniabot sa kanya ang kamay ‘ko at gulat naman niya akong tinignan
Magaan ang loob ‘ko sa kanya kaya naman gusto ‘ko siyang maging kaibigan, para naman kahit wala dito sa tabi ‘ko si Cinzia ay may mga makakausap at makakasama pa rin ako na mga kaibigan dito sa Academy.
“Pe-pero, kamahalan—”
“Itrato nyo ako kung paano nyo itrato ang iba, wala naman akong pake kung hindi tayo parehas ng katayuan. I just want to be your friends, that’s it.” Nang sabihin ‘ko ‘yon ay napangiti na rin siya at walang-alinlangang nakipag-kamay sa akin
“Ako nga po—I mean, ako nga pala si Mira. Mira Cueva ang pangalan ‘ko at ito namang—” Sabay turo sa lalaking katabi niya at nanonood sa amin, “—ay ang boyfriend ‘ko na si Arthur Nieves. Nagagalak akong maging kaibigan ang isang prinsesa!” Mahina pa siyang napatili na siyang ikinakamot ‘ko nalang sa aking ulo
“Ganun din ako, C-Chantria. Masaya rin ako na makilala ka” Nahihiya pa ‘yung lalaki na tawagin ako sa pangalan ‘ko tulad ni Mira kanina
“Good morning class! Since we have a very sudden interruption a while ago...” Nakangiting bumaling si Prof Liza sa akin kaya’t sinuklian ‘ko lang siya ng maliit na ngiti. Hindi ‘ko pa rin kasi akalain na tatanggapin nila ako rito., “Itutuloy ‘ko na ang dapat ay sasabihin ‘ko kanina” Dagdag pa ni Prof Liza sabay talikod at kumpas ng kamay niya na nagdulot ng biglaang paglitaw ng mga libro sa bawat desk namin
“Aray...” Napalingon ako sa katabi ‘ko nang bigla siyang magsalita. Nabagsakan pala siya ng libro.
Chantria, ‘wag kang tatawa, masama ‘yan—pfft.
Iniiwas ‘ko nalang ang tingin ‘ko sa kanya nang samaan niya ako ng tingin, marahil ay nabasa niya ang sinabi ‘ko sa isip ‘ko. Pigil ‘ko ang tawa ‘ko pero nang mapansin ‘ko sina Arthur at Mira sa likod ay ganun din pala ang reaksyon nila sa katabi ‘ko.
“Gusto ‘kong basahin nyo ang libro na ‘yan na naglalaman ng kasaysayan ng ating mundo. How did the Ellian Realm appeared and who are the people who’s reigning our realm. Tatanungin ‘ko kayo tungkol dyan bukas sa oras ulit ng klase natin. I hope that you’ll enjoy discovering our world’s history” Nakangiting sabi ni Prof Liza saka biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase niya. Tumayo na siya at dinala ang gamit niya palabas ng pinto.
Magtataka na sana ako kung bakit napakabilis naman ata na umalis ni Prof Liza pero kapagkuwan ay naalala ‘ko ang nangyari kanina. Marahil ay naubos na ang oras namin kanina dahil sa eksenang ako naman ang dahilan.
Kanya-kanya nang ligpit ng gamit ang mga kaklase ‘ko, ang iba pa nga ay sumusulyap sa gawi ‘ko at ngingitian ako kaya naman nginingitian ‘ko rin sila. Ito man ang unang beses ‘kong makisalamuha sa mga estudyante ng Ellian Academy ay unti-unti na rin akong napapalagay rito. Ang ginagawa ‘ko nalang ay iniisip na tulad lang sila ng mga tao sa palasyo, mga taong mapagkakatiwalaan ‘ko at mga taong maituturing na kaibigan ‘ko.
“Chantria” Napalingon ako kay Mira nang tawagin niya ako
“Bakit, Mira?” Takang tanong ‘ko sa kanya pero napabaling ako sa katabi ‘ko nang bigla nalang siyang tumayo at umalis ng classroom, “Sa'n siya pupunta?” Mahinang tanong ‘ko sa sarili ‘ko pero narinig din naman ni Mira dahil nasa likod ‘ko lang siya
“As usual, aalis na naman siya at magka-cutting. Doon lang naman ‘yan at tatambay sa may likod ng Academy” Nagtaka naman ako sa sinabi ni Mira at napalingon sa pinto na nilabasan nung lalaki
“Sino ba sya? Bakit sya nagka-cutting?”
“Sya si Cyrus, Cyrus Fier. Isang fire enchant mage at ang tinaguriang Klayden two point o” Napalingon naman ako kay Arthur dahil sa sinabi niya, “Matagal na siya rito sa deterrimus class, mula kasi nang pumasok siya ay dito na sya kabilang. Hindi na siya nakaalis sa level na ‘to dahil kay Prof Harry” Hindi nakaalis? Dahil kay Prof Harry? Sa anong dahilan?
“Teka, akala ‘ko ba ay pwedeng umangat ang level mo rito sa Academy? Ang pinakamababang level ay ang deterrimus class which is tayo, then ang highest ay ang special class. Bakit hindi na siya nakaalis?” Kyuryuso ‘kong tanong sa kanila. Naguguluhan kasi ako eh, bakit nga ba hindi na siya nakaalis?
“Tutal hindi naman dadating ang sunod nating guro—”
“Teka, hindi dadating? Bakit?” Putol ‘ko sa dapat ay sasabihin ni Arthur kaya’t natawa naman si Mira sa akin
“Wala ka talagang alam sa mga balita rito sa Academy ‘no?” Tanong sa akin ng natatawang si Mira
“Pasensya naman, buong buhay ‘ko kasi ay nasa palasyo lang ako at hindi lumalabas miski sa bayan. Sa katunayan, ito nga ang unang beses na nakalabas ako ng palasyo at nakisalamuha sa mga taong hindi ‘ko lubos na kilala” Paliwanag ‘ko, “Saka, konti lang naman ang alam ‘ko rito sa Academy, kinuwento lang sa akin ng kapatid ‘ko” Dagdag ‘ko pa
“Teka, ayaw kang palabasin ng pamilya mo dahil wala kang kapangyarihan?” Singit ni Arthur na inilingan ‘ko lang
“Kung ganon, bakit buong buhay mo ay nasa palasyo ka lang? Paano ka nakakapag-aral?” Tanong naman ni Mira. Sa totoo lang, ambilis ‘kong nakagaanan ng loob itong dalawang ‘to, biruin mo at nagagawa na nila akong maging madaldal sa kanila hindi tulad kanina nang kaharap ‘ko ang nga royalties ay nahihiya pa ako at natatakot, nagtatago sa likod ni Cinzia.
“Nasa palasyo lang ako at hindi umaalis dahil gusto ‘ko. I’ve asked my parents if I could just stay at home everytime that they will leave. Ayokong lumabas dahil baka ganito nga ang mangyari kapagka nalaman ng iba na wala akong kahit na anong kapangyarihan” Paliwanag ‘ko at mataman naman silang nakikinig sa akin, “Baka maging pabigat lang kasi ako sa kanila at isang kahihiyan. Pero, mahal naman nila ako at tanggap nila. At para sabihin ‘ko sa inyong dalawa ay hindi ako mag-isa, hindi ako nag-iisa na sa palasyo lang nag-aaral, kasama ‘ko kaya ang kambal ‘ko na si Cinzia” Dagdag ‘ko pa at tumigil dahil magsasalita yata si Mira
“So, mahal at tanggap ka pala ng family mo. Pero, Chantria, ni minsan ba hindi ka nainggit na wala kang kapangyarihan tulad ng iba? Ng pamilya mo? Ng kakambal mo?” Napangiti naman ako ng mapait bago sumagot sa tanong ni Mira
“I am. Naiinggit rin ako, pero minamabuti ‘ko nalang na kalimutan ang inggit na ‘yon. Iniisip ‘ko nalang na kahit wala akong kapangyarihan ay mahal naman ako ng pamilya ‘ko. Tanggap nila ako tulad ng pagtanggap ng buong klase ng deterrimus sa akin” Sagot ‘ko pero nagulat ako nang makitang umiiyak na si Mira, “Hala! Mira bakit ka umiiyak?!” Taranta ‘kong tanong sa kanya habang si Arthur naman ay hinihimas ang likod ni Mira
“*Sniff* Nakakaiyak lang kasi ‘yung kwento mo” Sinubukan niyang ngumiti pero napangiwi lang sya kasi puro na luha ang mukha niya, “Besfriends na tayo ngayon!” Nagulat nalang ako miski si Arthur nang bigla nalang akong yakapin ni Mira at halos hindi na ako makahinga pa
“M-mira...” Pilit ‘ko siyang inilalayo sa akin pero yakap pa rin niya ako. Tumulong na si Arthur na mailayo sa akin ang girlfriend niya habang natatawa.
“She can’t breathe, hinigpitan mo masyado. Akala ‘ko sa'kin ka lang mahigpit yumakap, sa iba din pala” Natatawang sambit ni Arthur kay Mira habang pinupunasan ang mga luha nito gamit ang panyo nya
“Kasalanan ‘ko bang mas love ‘ko na siya kaysa sa’yo?” Natawa naman ako dahil mukhang mag-aaway pa nga yata ang love birds ‘kong mga kaibigan
“Tama na nga ‘yan, sagutin nyo nga ang tanong ‘ko, ano bang meron dito sa Academy? Bakit alam nyong hindi dadating ang teacher natin ngayon? Bakit hindi nakaalis si Cyrus dito sa deterrimus class kung matagal na siya rito?” Nang magtanong ako ay saka naman sila bumaling sa akin at sumeryoso
Hala, bakit kailangan seryoso ang mga mukha nila? Importante ba ang sasabihin nila? Baka naman isang sikreto na hindi pwedeng malaman ng iba? Pero, bakit alam nila? Bakit halos lahat ng estudyante rito ay alam rin yata kung sikreto nga ‘yon?
“Alam mo, Chantria, hindi lang naman si Cyrus ang hindi makaalis dito sa deterrimus class. Marami silang hindi makaalis, marami kaming hindi makaalis.” Unti-unti ay sumeryoso ang mukha ‘ko na animo'y talagang interesado sa kwento na talaga namang totoo dahil interesado talaga ako, “Lahat kami na nandito sa deterrimus class o itong pinakamababa sa mga level ng mages ay matagal na dito sa Academy pero ni minsan ay hindi kami umangat sa ranggo namin. Pinipigilan kami, si Prof Harry ang may kasalanan kung bakit walang nakakaalis dito sa level natin, at panigurado ay hindi ka na rin makakaalis” Si Prof Harry? Pero bakit naman kaya?
“Kung nagtataka ka kung bakit at paanong siya ang naging dahilan?” Tumango naman ako kay Mira nang sumingit siya, “Lahat ng ayaw na estudyante ni Prof Harry ay inilalagay nya rito sa level of the weakest students kung tawagin. Hindi niya hinahayaan na makaangat at makaalis kami ng level dahil nga sa ayaw nya sa amin. Tingin niya sa lahat ng nasa deterrimus class ay mga basura.” Dagdag paliwanag niya na ikinalingon ‘ko sa buong klase namin
Lahat sila ay may kanya-kanyang mga ginagawa, may mga nagpapraktis ng kapangyarihang taglay, may nakikipag-usap sa mga kaibigan tulad namin nina Mira at Arthur at ang iba naman ay natutulog. Ibig sabihin ay lahat sila ay kinaayawan ni Prof Harry...tulad ‘ko...
Napalingon naman ako pabalik kina Arthur at Mira nang magsalita na ulit si Mira, “Kinakausap rin ni Prof Harry ang mga guro na magtuturo sa atin na ‘wag tayong puntahan. He’ll ask for them para wala tayong matutunan at manatili nalang sa posisyon natin. ‘Yun nga lang, hindi lahat ng guro ay kasundo niya. Porket malapit sila ng Headmaster ay nagmamataas na siya na akala mo ay siya ang pinakamataas sa lahat ng mages na naninirahan sa mundo natin” Inis na sabi ni Mira na may kasama pang pag-irap ng mga mata
“’Yung next teacher natin ay kasundo or should I say takot kay Prof Harry kaya naman hindi siya pumupunta rito sa atin. ‘Yung ibang teacher naman na susunod ay okay na, mabait din sila tulad ni Prof Liza na siyang pumapalit sa mga guro'ng hindi nakakapunta rito sa atin.” Si Arthur na ang nagpatuloy ng kwento dahil inis na inis na si Mira sa pinag-uusapan namin
“Oo nga pala, Chantria, anong dorm number mo?” Napaisip naman ako sa tanong ni Mira
Bawat estudyanteng nag-aaral dito sa Ellian Academy ay titira sa dorms dito sa loob ng Academy. Ang Ellian Academy ay parte ng Ellian Realm pero malayo ito sa mga kabahayan at mga palasyo, kaya naman ang mga estudyante ng paaralan na ito ay kailangang dumito at manirahan sa dorms para hindi na kailangan pa nilang umuwi sa kanila. Hindi naman lahat ng estudyante ay may kakayahan na mag-teleport lalo na ako.
“Dorm number? Hindi ‘ko matandaan eh, pero alam ‘ko nasa may bag ‘ko ‘yun kasama ng schedule ‘ko ngayong—” Napatigil ako sa pagsasalita nang may maalala ako, “Mira, samahan mo ako mamaya, papapaltan ‘ko ‘yung schedule ‘ko. Naalala ‘ko kasi na hindi na nga pala ako sa special class papasok” Pakiusap ‘ko kay Mira na tinanguan naman niya
Ang schedule kasi na hawak ‘ko ay para sa mga nasa special class. Ibinigay ‘yon bago pa man magsimula ang klase rito sa Ellian Academy. Nasa kanya-kanya na rin naming dorms ang mga gamit namin at aayusin nalang namin ‘yon mamaya pagkatapos ng klase. Kaso, mamaya ay didiretso na muna ako sa office para ipabago ang schedule ‘ko. Buti nalang talaga at naikwento na sa amin ng dati naming guro ni Chantria ang tungkol sa ilang bagay dito sa Ellian Academy, nadagdagan lang ang kaalaman ‘ko tungkol dito dahil sa kapatid ‘kong si Cinzia.
Binalingan ‘ko na ang bag ‘ko na nasa lapag ng sahig. Kinuha ‘ko ang libro na nakapatong sa ibabaw ng mesa ‘ko at ipinasok ito sa loob ng bag ‘ko at kinuha naman ang sobre ‘ko na naglalaman ng papel ng dorm number ‘ko at rules and regulations about the dorms. Binuklat ‘ko ito at napangiti ako nang makita ‘ko ang dorm number ‘ko.
“Dorm number fifty seven ako, nasa floor number six. Ikaw ba, Mira?” Baling ‘ko kay Mira saka naman parang nag-isip pa siya kaya’t medyo natawa ako ng mahina
Matagal na dito si Mira ayon sa kwento nila kaya naman sigurado ako na tanda nya ang dorm number at floor number nya. Pero, mukhang nalimutan na niya kung saan siya tumutuloy haha.
“Dorm number fifty, nasa floor number five” Napabaling ang atensyon ‘ko kay Arthur nang sumingit siya sa usapan namin ni Mira at nagsalita
Luh, bakit naman kaya niya alam ang dorm number at floor number ni Mira?
Pero, napatigil ako sa pag-iisip nang maisip ‘ko ang posibilidad na sagot. Maaaring dahil sa boyfriend ni Mira si Arthur at sinabi niya dito, or pwede rin namang nakapunta na si Arthur doon. Pero...hindi ba bawal pumunta ang boys sa girl’s dorm? Ay ewan, babasahin ‘ko nalang mamaya ‘yung rules and regulations for the use of dorms.
“Hala! Buti nalang saulo mo, Art!” Art? Maybe her nickname or endearment for Arthur. Narinig ‘ko rin kasi ang iba naming tagapagsilbi na may ibang pangalan na tinatawag sa mga mahal nila o mga kasintahan.
“Malamang, nasa same floor lang naman tayo eh. Same floor and dorm number, tapatan lang tayo.” Nakangiting paliwanag ni Arthur na nakasagot sa kanina ‘ko pang tanong
Masaya siguro magkaroon ng taong magmamahal sa’yo ng totoo ‘no? Isang taong tatanggap sa kung sino at ano ka. Taong handa kang patawanin kapag malungkot ka. Isang taong handa kang samahan sa kahit saan mapanatili ka lang na ligtas. Isang taong magmamahal sa’yo ng totoo at makakasama mo habang buhay. ‘Yun nga lang, I will never feel that kind of feeling. Mas mabuti nalang kasi na manatili nalang akong dalaga habangbuhay.
Unang araw pa lang ng klase pero pakiramdam ‘ko ay sobrang haba na agad ng panahon na lumipas. Ni wala pa ngang tatlong oras nang makarating kami ni Cinzia rito sa Academy.
“Alam mo, Chantria, tutal sabi mo hindi ka pa nakakagala dito sa labas ng palasyo nyo, bakit hindi ka sumama sa amin kapag walang pasok? Pupunta tayo sa bayan at igagala ka namin don!” Masayang yaya sa akin ni Mira sabay yugyog sa magkabilang balikat ‘ko
Napatawa naman ako sa kakulitan niya at napailing nalang si Arthur habang may mumunting ngiti sa labi. Akma na sana akong magsasalita para sumagot kay Mira nang bigla nalang naming narinig ang tunog na nagmumula sa speaker. May speaker kasi sa Academy, napansin ‘ko na ‘yon kanina at mukhang bawat classroom ay meron non.
“Good day mages! Ito ang inyong headmaster, Rieven Flare, speaking.” Headmaster Rieven Flare pala ang pangalan ng namumuno sa Ellian Academy, “Ngayong araw ay may magaganap na pagpupulong para sa lahat ng mga guro mamayang hapon kaya’t maaga kayong makakauwi sa inyong mga respective dorms. Bawat isa sa inyo ay inaasahang hindi lalabas sa Academy upang maiwasan ang anumang problema. ‘Yun lang at vale” ‘Yang ang huling mga sinabi ni Headmaster Flare at nawala na ang tunog sa speaker
Bumaling ako habang nakangiti kina Mira at Arthur na nasa likod ‘ko. Nakita ‘kong nakatingin sila sa akin—hindi pala sa akin, kundi sa likuran ‘ko. Agad akong napalingon sa likuran ‘ko at nagulat na makita roon si Cyrus—’yung lalaking kanina ay lumabas at magka-cutting raw sabi nina Mira at Klayden. Bakit kaya sya nandito?
“May naghahanap sa’yo” Walang ganang sabi ni Cyrus tsaka siya umupo sa upuang katabi ng sa akin
Tumayo ako ng dahan-dahan at lumakad palabas ng room namin para silipin kung sino ang naghahanap sa akin. Pagkalabas ‘ko ng pinto ng classroom namin ay wala naman akong nakitang tao sa labas. Akma na sana akong babalik sa loob nang bigla nalang may humila sa akin papunta sa may gilid ng pader.
“Shh” Sinenyasan niya akong tumahimik na siya namang ginawa ‘ko. Marahil natatakot siya na makita sya ni Prof Harry na nandito at kinakausap ako
“Kamusta ka, Chantria? May ginawa ba sila sa’yo? Sinaktan ka ba nila? Sinabihan ng kung anu-ano? Sabihin mo sa akin, Chantria, ayos ka lang ba?! Sabihin mo!” Napatawa naman ako dahil sa pag-overreacting ng kakambal ‘kong si Cinzia
Hinawakan ‘ko siya sa parehong kamay niya at nginitian, “Maayos lang ako, Cinzia. Wala silang ginawang masama sa akin at may dalawa na nga akong kaibigan sa kanila! Tapos kanina nang nandito pa si Prof Harry ay nagawa ‘kong ipagtanggol hindi lang ang sarili ‘ko maging ang mga kaklase ‘ko rin!” Masaya ‘kong pagbalita sa kanya pero napakunot ang noo ‘ko nang makitang unti-unti ay napasimangot siya sa sinabi ‘ko
“May bago ka ng kaibigan! Hindi na ako ang nag-iisa mong kaibigan...” Malungkot at tila iiyak na sambit ni Cinzia kaya’t medyo natawa ako ng mahina, “Marunong ka na ring ipagtanggol ang sarili mo, hindi mo na ako kailangan sa tabi mo...” Naiiyak na talaga sya kaya’t hindi ‘ko na naiwasan na mapatawa ng mahina at mapahagikhik
Hindi ‘ko alam kung bakit pero bigla akong napalingon sa taong papadaan sa lugar kung nasaan kami ni Cinzia. Pababa sya ng hagdan at nagkatinginan pa kami sa mga mata. Ang ngiti sa mga labi ‘ko ay unti-unting nawala at napaiwas ako ng tingin mula sa kanya.
Kanina pa kaya sya dyan? Narinig kaya nya kami ni Cinzia na nag-uusap? Isusumbong kaya niya kami kay Prof Harry?
“Yung kapatid ‘ko hindi na ako kailangan...” Napabaling ang atensyon ‘ko kay Cinzia nang magsimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata nya
Hala, bakit sya umiiyak?! Kinuwento ‘ko lang naman na may mga kaibigan na ako at naipagtanggol ‘ko ang sarili ‘ko kanina ah?
“Hala! Cinzia! Bakit ka umiiyak?! Wala naman akong nasabi na makakapagpaiyak sa’yo ah?” Natataranta ‘kong tanong sa kanya pero nagulat nalang ako nang bigla siyang matawa sa akin at pinunasan pa niya ang mga luhang tumulo kanina mula sa mga mata nya
“Chantria! Kalma ka lang dyan, okay?” Natatawa niyang pigil sa akin kaya’t napakunot ang noo ‘ko. Nababaliw na ata talaga ang kapatid ‘ko, “I was just happy na nakakaya mo kahit na malayo tayo sa isa’t isa. Masaya ako na may mga bago ka ng kaibigan basta ba hindi ka nila sasaktan ha?” Tinanguan ‘ko naman sya dahil don
“Hindi nila ako sasaktan, Cinzia. Mabait sila at magkasundong-magkasundo na talaga kami” Paliwanag ‘ko pero nginitian lang niya ako at napailing
“Hindi mo pa kilala ang mga tao dito sa labas ng palasyo, Chantria. Baka mamaya ‘yung itinuturing mong kaibigan ay siya palang sasaksak sa’yo patalikod. Hindi lahat ng taong nakikita o nakikilala mo na mabait sa’yo ay mapagkakatiwalaan mo. Naiintindihan mo ba ako, Chantria?” Naguguluhan man ako pero tumango nalang ako sa sinasabi ng kapatid ‘ko, “Tanging ikaw, ang sarili mo ang mapagkakatiwalaan mo. Ako, ako na kapatid mo, Chantria, ay mapagkakatiwalaan mo rin. Mag-iingat ka, kambal, kapag wala ako sa tabi mo, okay?” I nodded again as response
Hindi ‘ko alam kung bakit ganito si Cinzia ngayon. Parang natakot tuloy ako at nagdadalawang-isip sa mga ikikilos at gagawin ‘ko. Napaisip rin ako kung kaibigan nga ba talaga sina Mira at Arthur. Baka naman nagseselos lang si Cinzia sa mga bago ‘kong kaibigan kaya sya nagkakaganito? Pero, ang weird kasi niya eh. Nagsasalita ngayon si Cinzia na akala mo ibang tao siya. Pero, kung hindi ‘ko kilala ang kapatid ‘ko ay baka naisip ‘ko na nga na ibang tao ang kausap ‘ko ngayon.
“Tatandaan ‘ko ang mga sinabi mo, Cinzia. Mag-iingat ka rin palagi ha? Dapat ikaw din nag-iingat hindi lang ako. Oo at may taglay kang kapangyarigan pero gusto ‘ko pa rin na masiguradong ligtas ka” Nakangiting paalala ‘ko sa kanya kaya’t napatawa siya ng mahina, “Bakit ka naman natatawa, Cinzia? May nasabi ba akong mali o nakakatawa?” Takang dagdag ‘ko dahil sa pagkakaalala ‘ko ay wala naman talaga akong nasabing makakapagpatawa sa kanya
Seryoso, nababaliw na ba ang kapatid ‘ko?
“Magkapatid nga tayo, Chantria. Pareho kasi nating gustong maging ligtas ang isa’t isa” Sa sinabing ‘yon ni Cinzia ay napaisip rin ako at kapagkuwan ay napatawa rin ng mahina
Kambal nga talaga kami ni Cinzia dahil parehong kaligtasan ng isa’t isa ang hangad namin. Ang pinagkaiba lang siguro namin ay may kapangyarihan siyang taglay pero ako wala. Magaling sya at nababagay dito sa mundo namin, samantalang ako ay naiiba at hindi nararapat dito sa mundo namin.
“Aalis na ako, Chantria. Baka mamaya ay mahuli na ako ni Prof Harry na kinakausap ang kapatid ‘ko” Natatawang paalam sa akin ni Cinzia, “Mauna na ako, sana ay alagaan ka ng mga kaibigan mo dyan” Dagdag pa niya bago siya mag-teleport paalis
Tumalikod na ako at bumalik na sa loob ng classroom namin nang nakangiti. Masaya ako na dinalaw pa ako ni Cinzia ng palihim para lang makamusta niya ako. At least, magaan na ang loob ‘ko dahil nakausap ‘ko na si Cinzia. Nagtataka lang ako kanina, hindi ba niya nabasa ang iniisip ‘ko kanina kasi hindi siya nagtanong kung sino ang tinutukoy ‘ko na dumaan. Naramdaman rin kaya ni Cinzia ang pagdaan ni Klayden?
“Chantria, huy!” Napabalik ako sa wisyo ‘ko nang tawagin ako ni Mira, “Kanina ka pa tulala dyan sa pwesto mo, wala ka bang balak umupo?” Natatawa niyang sita sa akin kaya’t nagtaka ako
Kanina pa pala ako nakatayo rito sa kinatatayuan ‘ko? Ang lalim pala ng iniisip ‘ko kanina kasi napatigil na ako.
Napailing nalang ako sa sarili ko't natawa. Dumiretso na ako ng upo sa bangkuan ‘ko at napansin ‘ko kaagad na nandito pa rin pala si Cyrus. Umupo ako sa bangkuan ‘ko at nakangiti siyang binati.
“Hi, ako pala si Chantria—” Sinubukan ‘kong magpakilala sa kanya pero pinutol agad niya ang sasabihin ko kaya’t napapahiyang nawala ang ngiti sa mga labi ‘ko
“Kilala na kita, kanina ka pang pinag-uusapan dito sa buong room at ikaw ‘yung katabi ‘ko. No need to be talkative ‘cause I prefer a vacant seat than having a seatmate” Mas lalo naman akong napahiya kaya naman yumuko nalang ako at pinilit na huwag pansinin ang mga sinabi niya
Mukhang kailangan ‘ko pala siyang iwasan maging si Klayden dahil ganito ang ugali nila. Tama nga sila na si Cyrus ay ang Klayden two point o ng deterrimus class.
“Sorry...” Hinging paumanhin ‘ko sa kanya
“No need to say sorry kung sadya mo rin naman” I bit my lower lip para pigilan ang pagpatak ng mga luha ‘ko. I’m a soft hearted person at emosyonal rin ako. Mabilis akong masaktan at lumuha.
Bumaling nalang ako kina Mira at Arthur nang tumungo na si Cyrus sa desk nya at kulbitin ako ni Mira.
“Don’t mind him, bad mood lang kasi siya dahil nahuli siya ni Prof Harry sa likod ng Academy. Kaya hayan at dito kinakalat ang pagkainis niya” Napalingon naman kami ni Mira kay Arthur nang senyasan niya kaming manahimik, “Nako, hayaan mo na, Art. I’m just saying my opinion, wala namng masama dun ‘di ba? Unless may problema ka don, Arthur?” Nakataas-kilay na balik ni Mira kay Arthur. Mukhang may lovers quarrel ang dalawa ‘kong kaibigan ah
Umiling lang si Arthur at nanahimik na. Napatawa naman ako ng mahina dahil ang cute nilang tignan. Ano nga bang tawag nila don? ‘Yung sunod-sunuran ‘yung guy sa girlfriend nya? Under ba ‘yun? Mukhang under pala si Arthur kay Mira eh, hihi.
Habang nandito ako sa deterrimus class, napaisip ako. Hindi naman pala masamang nandito ako sa kung tawagin ay lowest level. Dito kasi pakiramdam ‘ko ay kabilang ako sa kanila, kahit na sinasabihan silang mahihina ay alam ‘ko namang malalakas talaga sila. Masaya ako na dito ako napunta. Unang araw pa lang naman na nandito ako pero pakiramdam ‘ko ay kay tagal na. I’m happy to be here, to be in deterrimus class...
BINABASA MO ANG
Powerless Princess of Ellian Realm
Viễn tưởngPowerless Princess of Ellian Realm Written by: yourlazyflower Genre: Fantasy Description: In a fantasy world that is full of magics and special abilities, there are people, places, and animals that is not ordinary. Mystical and magical creatures and...