Chapter 3 : Cyrus Fier

5 3 0
                                    

Chapter 3 : Cyrus Fier
           
             
            
            
                 
          
           
           
           
              
Chantria’s Point of View
         
         
         
          
           
A few more hours have passed, pero ni isang teacher ay hindi dumating sa klase namin. Ang sabi kanina ni Headmaster Rieven Flare ay mamayang hapon pa ang pagpupulong ng lahat ng mga guro. Pero, nakakapagtaka naman talaga na hindi sila dumating hindi ba? Miski naman nasabi na sa akin nina Mira ang tungkol sa ginagawa ni Prof. Harry ay akala ‘ko ba hindi lahat ng guro ay napapasunod ni Professor Harry?
          
          
Chantria, tara na, magre-recess na tayo” Napabaling ako ng tingin kay Mira na nakatayo ngayon sa tabi ‘ko habang nanatili akong nakaupo lang dito sa bangkuan ‘ko
             
          
Wala na ba talagang teacher na pupunta rito? Akala ‘ko ba hindi lahat ng guro ay napapasunod at natatakot ni Prof. Harry? At tsaka, ang sabi ni Headmaster Flare ay mamaya pang hapon ang pagpupulong nila hindi ba?” Sunod-sunod na takang tanong ‘ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya bilang sagot
        
           
They had an important matters to do aside from the meeting. May dumating na bisita kanina dito sa Academy at tingin ‘ko ay magkakaroon sila ng maagang pagpupulong” Sabay-sabay kaming napalingon nina Mira at Arthur sa nagsalitang si Cyrus
        
          
Paano mo naman nasabi?” Ako na ang nagtanong dahil mukhang walang balak magsalita sina Mira at Arthur
         
        
Nilingon ako ni Cyrus ng seryosong mukha kaya naman medyo nailang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
          
         
Narinig at nakita ‘ko kanina habang nasa labas ako. Contented?” Tumango nalang ako kesa pahabain pa ang diskusyon namin. Bumalik na rin siya sa pagdukdok ng ulo niya sa desk niya na animo’y antok talaga sya at kailangan nya ng tulog.
         
         
Bumaling naman ako ng tingin kina Arthur at Mira na naghihintay ng sagot ‘ko sa tanong nila kanina. Imbes na magsalita pa ako at mag-ingay ay tumango nalang ako sa kanila bilang sagot. Kinuha ‘ko naman ang bag ‘ko sa lapag at tumayo saka kami lumakad palabas ng room.
               
             
Kami nalang kasing apat ang nasa loob ng room. Lahat ng mga kaklase namin ay nagsilabasan na kani-kanina lang para sa break time namin. Habang naglalakad kami ay napatigil ako nang marinig ‘ko na bumukas ang pintuan ng room namin. Nilingon ‘ko ito at nakita ‘ko si Cyrus na lumabas ng pinto habang nakapamulsa ang magkabilang-kamay.
            
          
Tatanungin ‘ko sana siya kung gusto niyang sumabay sa amin na kumain pero sa ibang direksyon pala siya pupunta. Sinundan ‘ko lang siya ng tingin habang nnaglalakad siya palayo sa amin. Hindi man lang siya tumigil kahit na alam ‘kong nararamdaman niya ang pagtitig ‘ko. Napabalik lang ako sa wisyo ‘ko nang kalabitin ako ni Mira.
        
        
Sinong tinitignan mo dyan?” Sinundan pa niya ang tinitignan ‘ko pero wala na doon si Cyrus, “Wala namang tao ah?” Baling sa akin ni Mira
       
         
Si Cyrus, nakita ‘ko siyang naglakad papunta doon sa direksyon na ‘yon” Sabay turo sa pinuntahan ni Cyrus, “Saan ba siya pupunta? Hindi ba siya sasabay sa atin na kumain?” Tanong ‘ko pero inilingan lang ako ni Mira bago magsalita
           
         
Alam mo, Chantria. ‘Wag ka nang umasa na sasabay sa atin ‘yong si Cyrus. He doesn’t want to socialize at ina-isolate niya ang sarili niya” Paliwanag ni Mira kaya’t medyo naliwanagan na ako tungkol kay Cyrus
         
         
Si Cyrus pala ‘yung tipo ng tao na mas pipiliin na lumayo sa iba. Mas gusto niya ‘yung tahimik at payapa lang. Pero, nakakapagtaka, bakit naman kaya siya palaging natutulog o antok?
         
         
Bakit nga pala siya—
         
         
May gusto ka sa kanya ano? Aminin mo? Andami mong gustong malaman tungkol sa kanya eh” Pagputol ni Arthur sa akin na may kasama pang pang-aasar kaya’t napasimangot  ako at napailing na rin
          
          
Hindi kaya. Curious lang ako tungkol sa kanya, tsaka, hindi naman masamang magtanong ‘di ba?
        
           
Nako, palusot ka lang ata, Chantria eh. Aminin mo na kasi, may crush ka sa kanya ‘no?” Pilit na panunukso pa sa akin ni Mira para lang umamin ako sa bagay na hindi naman talaga totoo, “Sige na, hindi naman masamamg umamin na may gusto ka kay Cyrus kahit na bago ka lang dito eh. Sanay na akong malaman sa iba na may gusto sila kay Cyrus dahil halos lahat na ata ng babae dito sa Ellian Academy ay may gusto sa kanya” Halos lahat? Teka, edi kasama sya don?
          
           
Edi kasama ka na don, Mira?” Inosente ‘kong tanong sa kanya na ikinatigil niyang saglit at napalingon pa kay Arthur na nakakunot na ang noo
             
            
T-teka! Sabi ‘ko halos lahat lang! Wala akong sinabi na lahat ng babae dito ‘no!” Depensa naman agad ni Mira pero mas lalo lang nangunot ang noo ni Arthur dahil hindi naman sinagot ni Mira ang tanong ‘ko
           
         
Hindi mo sinagot ang tanong niya, Mira” Seryosong tanong ni Arthur kay Mira. Galit kaya sya kasi nalaman niyang may iba pang gusto si Mira bukod sa kanya?
             
            
Ha? Hindi ‘no! Wala akong gusto sa kanya. Ikaw lang kaya mahal ‘ko..” Nagpa-cute pa si Mira sabay yapos sa may braso ni Arthur. Napahagikhik naalng ako dito habang pinapanood sila kaya naman napalingon silang dalawa sa akin at napailing nalang
               
            
Alam mo, Chantria, tara na nga sa cafeteria. Baka gutom ka lang kaya ka ganyan” Tama siya, gutom na nga ako kasi hindi na kami nakakain ng umagahan kanina ni Cinzia dahil inabutan kami ng oras ng klase.
             
            
Tumango nalang ako kay Mira at nakangiting sumunod sa kanila. Habang naglalakad kami ay nililibot ‘ko ang paningin ‘ko sa paligid para matandaan ‘ko ang pasikot-sikot dito para naman kapagka mag-isa lang ako ay alam ‘ko pa rin kung saan ako pupunta ‘di ba?
             
          
Alam mo, Chantria, babagay sa’yo panigurado ang uniform natin” Biglang sambit ni Mira kaya naman napabaling ako sa kanya, pero hindi naman sya nakalingon sa akin kaya naman nagkibit-balikat nalang ako kahit hindi naman nya nakikita
          
          
Napatingin ako sa suot ‘kong damit dahil sa sinabi ni Mira. Suot ‘ko pa rin kasi ang dress ‘ko samantalang naka-uniform na sila Arthur at Mira, maging ang mga estudyante sa paligid ay naka-uniform maliban nalang sa akin at sa kapatid ‘ko.
              
             
Mamaya ‘ko pang makukuha ang uniform ‘ko kapagka nagpunta na ako sa respective ddormroom ‘ko. Lahat ng gamit at kakailanganin ‘ko ay nandoon na kasama ang uniform at p.e. ‘ko. Ganun din si Cinzia kapag napunta na sya sa room niya. ‘Yun nga lang ay magkaiba kami ng kwarto ni Cinzia. Pero, ipinagpapasalamat ‘ko naman na nasa iisang palapag lang kami ng dorm building.      
           
                    
Speaking of kapatid ‘ko pala, magkikita kaya kami at magkakasama ni Cinzia sa cafeteria? Kasi ‘di ba may tinatawag na special class at deterrimus class? Pwede kayang magsama-sama ang mga kapwa estudyanteng iba-iba ang level?
            
            
Mira, may tanong ako” Sabi ‘ko pero mukhang hindi naman ako narinig nina Mira at Arthur dahil diretso lang silang naglalakad
           
          
Nagpatuloy nalang din ako sa paglalakad at isinantabi nalang muna ang tanong na gusto ‘kong itanong sa kanila. Malalaman ‘ko rin naman ang kasagutan do'n oras na magpunta na kami sa cafeteria.
        
          
             
            
              
*****
       
             
             
           
             
Lumipas ang ilang minutong paglalakad namin nina Arthur at Mira, nakarating na rin kami rito sa cafeteria ng Ellian Academy.
            
               
Ang ganda, ang lawak!” Mahina ‘kong pagpuri sa buong lugar. It was like a huge hall, a grand hall filled with students eating on every tables.
            
             
Narinig ‘ko ang pagtawa ng mahina nina Arthur at Mira dahil sa ikinilos ‘ko, pero hindi ‘ko sila pinansin pa. Sobrang ganda lang talaga rito sa Academy, bawat lugar yata rito ay magaganda at nakakabighani! Parang gusto ‘ko na nga lang dito tumira eh, kaso mamimiss ‘ko naman sina Mommy Cynthia at Daddy Charles.
              
                
Nagdiretso kami nina Arthur at Mira sa paglalakad papunta sa counter para umorder ng pagkain tulad ng ganiwa ng ibang estudyante. Ang tinatapakan namin na sahig ngayon ay tila tubig pero hindi naman kami nababasa o lumulubog. It was like we are in the middle of an ocean but we aren’t really on it.
           
            
Illusionist or Illusion mages ang gumawa niyan. Ginawa nila ‘yan para pagandahin itong cafeteria natin at ibahin ang mga disenyo na hindi itutulad sa mga nasa rooms natin” Biglang paliwanag ni Mira na may hawak na palang tray nya na may lamang pagkain, “Kumuha ka na ng pagkain mo, Chantria, tapos sumunod ka na sa akin. May sariling mga lugar ang bawat level dito—ay mali pala. May itinalagang lugar para sa mga nasa deterrimus class, kaya naman baka hindi ka makasabay sa kakambal mo dahil nasa special class sya” Hindi tulad kanina, nawala na ang mapagbirong si Mira at napaltan na ito ng isang seryoso at tila ba alertong babae
             
                
Anumang mangyari, Chantria, ‘wag na ‘wag kang lalayo sa amin, maliwanag?” Napabaling naman ako kay Arthur nang sya naman ang magsalita, “Kahit na isa kang prinsesa, basta't nasa lowest level of mages ka ay paniguradong pagkakaisahan ka nila. Kaya naman sana, kahit na anong mangyari ay huwag kang lalayo sa amin.” Napatango naman ako dahil sa seryosong mukha ni Arthur
            
                  
                    
               
                   
May posibilidad kaya na masasaktan ako kung sakaling mapalayo o mapahiwalay ako sa kanila?
                      
                      
              
                
                
Humarap na ako sa counter at ibinigay ang order ‘ko. Susunod nalang ako kina Mira at Arthur dahil paniguradong nagsasabi sila ng totoo at baka masaktan ako kung sakali na hindi ‘ko sila susundin. Matapos iabot sa akin ang tray ‘ko ay hinanap ng mga mata ‘ko sina Mira at Arthur pero nawala na sila sa paningin ‘ko.
          
            
                  
             
             
Hala! Nasaan na sila?! Hindi ba nila ako hinintay? Natagalan ba ako masyado?
               
              
               
             
                 
Pero napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang may humawak sa may balikat ‘ko kaya’t napalingon ako dito.
            
             
Chantria...kumalat na sa iba pang estudyante ang tungkol sa’yo!” Bungad na sambit ni Mira pero wala akong maintindihan sa sinabi niya
             
           
Ha? Anong sinasabi mo dyan?” Tanong ‘ko sa kanya pero inilingan lang nya ako at hinila na paalis doon. Napansin ‘ko na ang ilang mga estudyante ay tumitingin sa amin at ang iba naman ay nagbubulungan
                    
              
              
              
                 
Teka, ano bang nangyayari? Bakit sila ganyan makatingin? Kami ba ang pinag-uusapan nila? Ano naman kayang pinag-uusapan nila? Tungkol ba ‘yun sa sinasabi ni Mira? Nasaan na nga pala si Arthur? Bakit kami nagmamadali ni Mira? Ano bang meron?
           
           
            
            
           
Ano bang meron, Mira?” Tanong ‘ko sa kanya nang bumagal na ang paglalakad nya at nandito na rin kami sa tapat ng isang table
            
             
Umupo si Mira sa tabi ni Arthur kaya’t umupo na rin ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Mira. Kasama namin dito sa table ang iba pa naming mga kaklase at lahat sila ay tahimik lang na kumakain. Nilingon ‘ko sila at nginitian naman nila ako nang makitang nakatingin ako sa kanila tapos ay bumalik na ulit sa pagkain.
            
                
Nagtataka ka ba kung bakit tahimik lang ang lahat dito sa atin? Tayong magkakaklase?” Tumango ako sa sinabi ni Mira, “Utos ni Prof. Harry na hindi pwedeng makisalamuha ang mga nasa deterrimus class sa iba pang mga klase ng estudyante rito. Ayaw nya na nakikitang magkasama ang mga nasa lowest level at mga upper levels. He wants us to be separated kaya ganun” Paliwanag nya at medyo bumalik na rin ang pagkamadaldal na Mira kesa kanina na seryoso ang mukha nya
          
         
At ngayon, dapat hindi ka na lalayo sa amin lalo kapag vacant natin dahil alam na ng mga estudyante na wala kang kapangyarihan, Chantria” Biglang singit naman ng tatahi-tahimik na si Arthur sa tabi ni Mira
          
          
            
            
             
Ibig sabihin ay ‘yun pala ang sinasabi sa akin ni Mira na alam na ng iba? Ano nang gagawin ‘ko nito ngayon? Baka mamaya awayin nila ako eh hindi ‘ko naman kaya na mag-isa. Oo, naipagtanggol ‘ko nga ang sarili ‘ko noong sa classroom kay Prof. Harry pero dahil lang ‘yon sa napuno na ako sa kanya at idinadamay nya anģ mga estudyante na hindi naman dapat idinadamay. Wala akong laban sa mga kapangyarihan nila!
          
           
             
             
              
Prinsesa pala sya? Tapos walang kapangyarihan?
         
           
Kahihiyan daw sya sabi nung iba
         
           
Hindi sya bagay dito
            
            
Wala syang lugar dito sa mundo natin dahil ordinaryo lang naman sya
              
           
Nagkibit-balikat nalang ako sa mga narinig ‘kong bulungan na sadya namang nilakasan dito sa may malapit sa pwesto namin. Kung kanina ay mahihina lang, ngayon ay talagang ipinaparinig na nila sa akin. Marahil kasi alam nila na hindi naman ako lalaban dahil nga mahina ako. ‘Wag lang talaga sana aabot sa punto na masasaktan na ako ng pisikal dahil hindi ‘ko na kakayanin ‘yon. ‘Yung ganito? Tsismisan? Kaya ‘ko pa. Pero, ‘yung may special abilities and magics were involved? I can’t handle anything of it.
            
               
’Wag mo nalang silang intindihin, Chantria. Mapapagod rin sila kakadada” Napangiti nalang ako sa sinabi ni Mira
            
            
Oo nga, tsaka ano naman kung wala kang kapangyarihan, ‘di ba? At least tanggap ka naman namin” Sabi naman nung isa naming kaklase na kaharapan ‘ko sa lamesa
              
             
Tsaka, hindi totoong wala kang lugar dito sa mundo natin. Ipinanganak ka dito kaya dito ang mundo mo. Prinsesa ka pa namin” Sabi rin nung lalaking katabi ni Arthur na sinang-ayunan rin ng iba pa naming kasamahan
            
          
Nakangiti akong nagpatuloy sa pagkain ‘ko nang bigla nalang may humila sa akin patayo at laking gulat ‘ko kung sino ito. Mas lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ‘ko nang makita ‘ko sya.
          
              
Cinzia!” Masayang bati ‘ko sa kanya sabay lingon sa mga kaklase ‘ko para sana ipakilala sya pero napabaling ulit ang atensyon ‘ko sa kanya nang magsalita sya at hilahin ako paalis ng pwesto namin
           
            
Dun ka nalang sa table namin, Chantria! Sabay tayong kakain don!” Nakangiti pa siya habang sinasabi niya ‘yan pero habang naglalakad kami ay pansin ‘ko na ang tingin sa akin ng mga tao
            
            
Pero, Cinzia, may—
            
             
Mula ngayon doon ka sa amin sasabay, ‘wag mo na intindihin pa ang mga nakapaligid sa’yo kasi naiinngit lang sila dahil prinsesa ka. Mas mataas ka sa kanila” Putol ni Cinzia sa sasabihin ‘ko
            
           
Hindi ‘ko sinunod si Cinzia at tinignan ang mga estudyanteng nakatingin sa amin habang naglalakad kami papunta sa table nina Cinzia. Hindi ‘ko mapigilan na hindi kabahan dahil sa klase ng mga tingin nila. Tingin na tila ba ayaw nila akong makita...
             
              
Useless
          
           
Burden
             
               
Unworthy of being a princ—
               
               
Shut up! ‘Wag nyong ganyanin ang kapatid ‘ko!” Hindi na naituloy pa nung huling nagsalita ang dapat ay sasabihin niya nang sumingit si Cinzia, “Wala kayong karapatan na sabihan sya ng ganyan dahil prinsesa sya! Kapatid ‘ko sya at magbabayad kayo oras na saktan at bully-hin nyo sya!” Halos lahat ng estudyante ay walang nagtangkang magsalita laban kay Cinzia
              
                  
Bakit? May magagawa ka ba kung sakaling kami na ang kalabanin mo...Cinzia?” Sabay kaming napalingon ni Cinzia sa boses na ‘yon mula sa likod namin, “Tama naman sila kaya bakit mo sila pinatahimik? Kulang pa nga ang mga sinabi nila eh, she’s also a disgrace!” Napapitlag ako sa biglaang pagtataas ng boses ni Aleera na syang nagsalita non
                 
                
Napayuko ako at napahigpit ang kapit sa kamay ni Cinzia.
          
               
Hindi ‘yan totoo!” Sigaw pabalik ni Cinzia pero nakangisi at taas-noo pa siyang tinignan ni Aleera
            
              
              
              
                 
Binabawi ‘ko na ang sinabi ‘ko kanina na mabait si Aleera! Nakakatakot sya! As in nakakatakot lalo na kapagka sumisigaw na sya!
            
          
           
          
               
Saan mo naman dadalhin ang babaeng ‘yan?” Tanong ni Aleera kay Cinzia. Nanatili naman akong tahimik na nakayuko at ang paligid namin na puro estudyante ay nanatili ring tahimik at nanonood sa amin.
           
            
Dadalhin ‘ko sya sa table natin! Doon sya kakain kasabay natin!” Pabalang na sagot ni Cinzia kay Aleera pero hindi naman nagpatinag ang isa
             
              
Seriously? ‘Yan?” Sabay turo sa akin, “’Yang babaeng ‘yan? Dadalhin mo sa table natin? Nasisiraan ka na ba, Cinzia?!” Iritang tanong ni Aleera kay Cinzia kaya’t napapitlag na naman ako sa kinatatayuan ‘ko
         
          
Nakakatakot talaga si Aleera kapagka sumisigaw sya, aakalin mo na talagang galit na galit at seryoso sya kaya naman matatakot ka talaga. Ni hindi ‘ko na nga magawang ipaglaban ang sarili ‘ko dahil alam ‘ko sa sarili ‘ko na wala akong laban sa isang Aleera, isang prinsesang iginagalang ng lahat.
              
            
Bakit?! Anong masama don? Kapatid ‘ko naman sya ah?! Prinsesa rin sya katulad natin! Mataas rin sya tulad natin!” Base sa reaksyon ni Cinzia ngayon ay galit na sya kaya naman sinusubukan ‘ko syang pigilan sa pamamagitan nang paghila sa braso nya ng mahina
          
             
Cinzia...tama na, baka lalo lang lumala ang lahat” Mahinang pagpigil ‘ko sa kanya pero binalingan lang niya ako na para bang walang kwenta ang sinabi ‘ko
         
             
Chantria...naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Hayaan? Hayaan nalang?!” Inis na baling sa akin ni Cinzia kaya naman nangilid ang mga luha ‘ko
           
           
Ito ang unang beses na ginanito ako ni Cinzia. Ito ang unang beses na pinagsinabihan nya ako sa ganitong tono ng boses nya. Ito ang unang beses na nagalit sa akin si Cinzia.
             
               
Cinzia—
           
           
Hindi namin kayang kumain kasabay ng babaeng ‘yan, Cinzia. Kaya kung gusto mo pang manatili sa klase natin at maging kaibigan kami ay paalisin mo na ‘yan. Paalisin mo na ‘yang kapatid mong wala namang kapangyarihan!” Hindi ‘ko na hinintay pa ang kung anong sasabihin pa nila at agad na akong umalis at tumakbo palayo doon
           
            
Wala akong tigil sa pagtakbo habang ang mga luha ‘ko ay wala ring tigil sa pagtulo sa mukha ‘ko. Hindi ‘ko na pinagkaabalahan pang punasan ang mga luha ‘ko habang tumatakbo ako palayo sa lugar na ‘yon, palayo sa lugar ng mga taong dahilan kung bakit ako nasasaktan at umiiyak ngayon.
             
           
             
            
               
Hindi ‘ko kasi maisip, bakit ba sila ganon? Bakit ganito ang trato nila sa akin porket wala akong kapangyarihan at kakaiba sa kanila? Bakit ba ganito ang tingin nila sa akin? Basura nalang ba ako para sa kanila? Bakit nagalit sa akin si Cinzia gayong pinapatigil ‘ko lang naman sya?
           
          
           
                          
                  
*Sniff*  Bakit ba ganun sila?” Umiiyak ‘kong tanong sa sarili ‘ko habang unti-unti ay bumabagal ang pagtakbo ‘ko, “Bakit...bakit ganito? Bakit?!” Umiiyak ‘kong sigaw saka hinayaan ang sarili ‘kong mapaupo sa lupa
             
           
Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin ngayon na umiiyak dito. Wala na akong pakialam kung sakaling may bigla nalang dumating dito at sabihan din ako ng kung anu-ano pang mga salita.
           
           
Bakit ka naman umiiyak dyan?” Nagpalingon-lingon ako sa paligid ‘ko para hanapin ‘yung nagsalita, “Sabi ‘ko, bakit ka naman umiiyak dyan? Hindi mo ba alam na ang ingay mong pakinggan?” Mula sa itaas ng isang puno ay bumaba si Cyrus doon at saka nakapumlsa akong tinignan matapos nyang tumayo ng tuwid
           
            
A-anong *sniff* ginagawa mo dyan?” Sumisinghot na tanong ‘ko sa kanya pero umiling lang sya sa akin saka sya lumapit at tumigil sa may tapat ‘ko
            
               
Tumingala ako sa kanya dahil nakatayo sya sa harap ‘ko at nakasalampak naman ako sa lupa.
            
             
Bakit ka umiiyak? Masaya ka pa kanina ah?” Tanong niya sa akin gamit ang normal na tono nya na hindi mo malaman kung bored ba sya o ano
         
           
Wala” Iwas-tingin ‘kong sagot sa kanya saka pinunasan ang mga luha ‘ko at huminga ng malalim
            
          
Wala?” Tumango ako sa kanya, “Pero kung makaiyak ka dyan kanina wagas? Naistorbo mo pa nga akong natutulog dyan sa taas ng puno oh” Sabay turo sa taas ng puno na pinanggalingan nya
            
               
Wala nga—
              
              
Tas sasabihin mong wala?” Pagputol niya sa sinasabi ‘ko at pagdiretso niya sa sinasabi niya kanina, “Sinong niloko mo? Damo?” Hindi ‘ko alam kung naiirita ba sya dahil nagising ‘ko sya, o naiirita sya kasi hindi ‘ko sinabi ang dahilan kung bakit ako umiiyak
           
          
Bakit ka ba nagagalit? Sorry kung nagising kita. Sorry kung umiiyak ako. Sorry sa problema mo sa akin, ano pa? May problema ka pa?” Sumisinghot na tanong ‘ko sa kanya bago ‘ko ibinaling ang tingin ‘ko sa ibaba ‘ko, sa damuhan, “Hindi ‘ko naman kasi kasalanan na ipinanganak akong walang kapangyarihan eh. Hindi ‘ko naman kasalanan na ganito lang ako at kakaiba sa lahat. Hindi ‘ko naman kasalanan na—
                    
              
Bakit ka nagdadrama dyan, mahal na prinsesa?” Napitlag ako mula sa pagkakaupo ‘ko nang bigla ‘ko nalang narinig ang boses ni Cyrus sa may gilid ng tenga ‘ko
             
           
Nilingon ‘ko sya pero agad rin akong napalayo mula sa kanya nang mapagtanto ‘kong sobrang lapit pala ng mga mukha naming dalawa.
           
          
Bakit ka nanggugulat?!” Inis ‘kong tanong sa kanya pero tinawanan lang nya ako saglit bago sumeryoso
           
                
              
               
                   
Bakit kaya ang hilig ng mga tao sa paligid ‘ko na bigla nalang sumeryoso?
                      
                   
                  
                  
                    
It’s not my fault that you’re too occupied and you’ve forgot that I’m still here. Hindi ‘ko rin kasalanan kung bakit masyado kang magugulatin” Simpleng paliwanag nya bago lumakad papunta roon sa may puno at sumandal dito. Akala ‘ko ay tatayo nalang sya at sasandal sa punong ‘yon pero nagkamali ako.
             
                
Mula sa pagkakatayo at pagkakasandal nya sa puno ay dumausdos sya pababa kaya naman nakaupo na sya na nakasandal sa puno habang kaharap ‘ko at nakatingin sa akin. Gustuhin ‘ko mang iiwas ang tingin sa kanya dahil naiilang ako ay hindi ‘ko magawa dahil nakatingin sya sa akin, kaya’t kahit na umiwas ako ng tingin ay maiilang pa rin ako dahil sa kanya.
             
             
Now, talk. Bakit ba kung makapagdrama ka dyan ay parang katapusan na ng mundo?” Seryoso ba sya na gusto nya akong magkwento? Mabait naman pala sya eh.
           
             
Kasi, unang pasok ‘ko pa lang dito pero ayaw na nila sa akin, nung ibang mga estudyante. Unang araw ‘ko pa lang dito pero parang andami ng nangyari sa akin. Unang araw ‘ko pa lang dito at ang inaasahan ‘ko ay isang payapang eskwelahan pero nagkamali pala ako, hindi pala ganun dito...” Malungkot ‘kong pagkukwento habang binubunot ang mga damong nahahawakan ‘ko
           
          
Never expect too much from something or someone, because the more you think highly of it, the more chance that you’ll fall harder on the bottom” Napabaling ako ng tingin sa kanya nang sabihin nya ‘yon
        
         
Tama sya, tama naman sya sa sinabi nya na kapag umasa ka sa isang bagay ay ganito ang mangyayari sa’yo. Umasa ako na maganda ang kalalabasan ng unang araw ‘ko dito sa Academy, pero heto ang kinalabasan, nandito ako at luhaan.
         
            
Tama ka naman...pero, masama na bang umasa na magiging maayos ang lahat?” Tanong ‘ko pabalik sa kanya habang may malungkot na tono
             
              
Hindi masamang umasa ka na magiging maayos ang lahat, pero never assumed too much of something you’re wishing or hoping to happen. In simple words, ‘wag kang umasa na palaging maganda ang kalalabasan ng lahat. Not all conclusions are good, there are also bad that lets you fall off from your high expectations” Hindi ‘ko alam pero napatitig ako sa kanya nang sabihin nya ‘yon, pero saglit lang ‘yon dahil agad rin akong napayuko
           
             
Lahat ng sinasabi nya ay tumatagos sa puso ‘ko. Lahat ng mga sinabi niya ay totoo. Kung hindi nga siguro ako umasa masyado na magiging maayos ang lahat ngayong unang araw ng pasok ‘ko ay hindi siguro ako masasaktan ng ganito. Kung hindi siguro ako nag-isip na lahat ng tao rito ay tatanggapin ako, siguro hindi ako nasasaktan ng ganito.
         
          
Siguro, kung hindi ‘ko pinatigil si Cinzia sa pakikipag-away kanina ay hindi nya ako kagagalitan kanina...” Hindi ‘ko namalayan na napalakas na pala ang pagsabi ‘ko nitong mga katagang ‘to kaya naman nagulat nalang ako nang magsalita ulit si Cyrus
          
           
Pag-aaway? Nagkaroon ng pag-aaway kanina?” Nakakunot-noong tanong ni Cyrus kaya naman nataranta ako kung sasabihin ‘ko ba ang totoo o magsisinungaling ako
               
            
Ha? Ano...simpleng away lang naman kasi sinama ako ni Cinzia sa may lamesa nila pero umayaw sila Aleera—I mean prinsesa Aleera, kaya naman nagkaroon ng simpleng gulo sa may cafeteria” Mabilisan ‘kong pagpapaliwanag sa kanya na mukha namang nagets nya
             
           
That’s the reason kung bakit ka umiiyak? Dahil lang don?” I nodded at him kahit na medyo nasaktan ako doon sa sinabi niya na dahil lang don kaya ako umiyak
               
           
Oo, ‘yun kasi ang unang beses na nagalit sa akin si Cinzia eh pinapatigil ‘ko lang naman sya sa pakikipag—
           
           
Hindi ‘ko tinatanong.” Napayuko naman ako at napanguso nang putulin nya ang sinasabi ‘ko
                 
                
                
                 
                    
I was just explaining! Masama na pala ang mgpaliwanag ngayon, hmp.
                
                 
               
                
               
Paniguradong kalat na ang lahat ng nangyari sa buong Academy ngayon” Parang mas sinasabi pa nya ‘yon sa sarili nya kesa sa akin, “Unang araw mo pa lang pero may nagawa ka na agad na gulo? Hindi na ako magtataka kung araw-araw mo nalang guguluhin ang buhay ‘ko” Napabaling naman ako ng tingin ulit sa kanya nang sabihin nya ‘yon
             
            
Teka, eh bakit ‘ko naman guguluhin ang buhay mo?” Takang tanong ‘ko sa kanya pero inismiran lang nya ako
            
              
Kasi araw-araw ‘ko nang makikita ‘yang umiiyak mong mukha habang tinatakbuhan ang problemang sya rin naman pala ang dahilan” Hindi ‘ko alam kung binibigyan nya ba ako ng advice o iniinsulto na, pero, mas nakukuha ‘kong binibigyan nya ako ng advice
              
             
Hindi ‘ko akalain na ganito pala sya kausap, I mean, sabi kasi nina Mira at Arthur na ilag sa mga tao si Cyrus. He’s isolating himself away from others na hindi man lang pumasok sa isip ‘ko na makakausap ‘ko sya ng ganito. Akala ‘ko nga ay susungitan nya ako kanina at iiwan nalang dito kagaya ng ipinakita nya sa akin kanina sa classroom, pero nagkamali ako kasi heto at tinulungan pa niya akong isipin ang lahat, binigyan nya ako ng advice.
            
              
Kaibigan na ba kita ngayon?” Tanong ‘ko sa kanya kasi hindi ‘ko alam if kaibigan ‘ko na ba sya o hindi pa
             
                  
Kaibigan?” Nakakunot-noong tanong nya sa akin na para bang wala syang alam don
           
               
Napangiti naman ako bago sumagot, “Kaibigan, friend, ‘yung taong makakasama mo dito sa loob ng Academy, ‘yung taong nandyan sa tabi—
                
                 
Alam ‘ko kung ano ang kaibigan. What I mean is, bakit mo naman naisip na kaibigan mo na ako?” Nawala ang ngiti ‘ko dahil don. So it means hindi ‘ko pa sya kaibigan?
             
                
Hindi pa kita kaibigan?” Tanong ‘ko sa kanya pero nakakunot pa rin ang noo nya. Pero, kahit na ganyan sya ay cute sya.
               
                  
Hindi
           
          
Bakit naman hindi? Eh sinamahan mo ako dito, tinanong mo kung anong problema ‘ko, tapos binigyan mo pa ako ng advice” Paliwanag ‘ko, “Hindi pa rin ba kita kaibigan?” Dagdag ‘ko pa
            
             
                 
                 
                      
Kasi kanina, si Mira na ang nagsabi na magkaibigan na raw kami. Eh, hindi naman sinabi ni Cyrus na magkaibigan na kami, kaya baka ako dapat ang magsabi non, tama?
                
               
                   
                  
                   
Why do you think na nakikipagkaibigan ako sa’yo? Gusto ‘ko lang naman malaman kung bakit ka nag-iingay rito dahil nagising mo ako mula sa pagkakatulog ‘ko” So, hindi sya concerned sa akin?
              
            
Kung ganon, pwede ba kitang maging kaibigan?” Nakangiting tanong ‘ko sa kanya pero inilingan lang nya ako at tumayo na mula sa pagkakaupo nya
                
              
Uulitin ‘ko ‘yung sinabi ‘ko kanina” Saka nya ako tinignan ng seryoso habang nakaupo pa rin ako dito, “Hindi” Sabay talikod nya at naglakad paalis
           
             
Agad naman akong tumayo at sinigawan sya, “Teka!” Pero hindi sya huminto kaya naman hinabol ‘ko na sya
           
            
Napalingon sya sa akin nang sabayan ‘ko sya sa paglalakad, nginitian ‘ko naman sya bago nagsalita.
              
            
Baka pwede kitang maging kaibigan? Wait! Bago mo ako putulin, pakinggan mo muna ang sasabihin ‘ko” Tinignan lang naman nya ako ng walang reaksyon kaya naman nagpatuloy na ako, “Una sa lahat, akala ‘ko kanina ay susungitan mo lang ako at iiwan mag-isa don na umiiyak tulad ng ipinakita mo sa akin kanina sa classroom, pero nagkamali ako kasi sinamahan mo ako at kinausap ng maayos. Pangalawa, gusto kitang maging kaibigan kasi mabait ka, kahit na sinabi nila na masungit ka raw at—
            
             
Anong sabi mo?” Napatigil ako sa paglalakad nang lingunin nya ako ng may seryosong mukha
            
           
H-ha? Ang alin? ‘Yung pangalawa, gusto kitang maging kaibi—
                  
             
Hindi ‘yon. ‘Yung sinabi mong sabi nila masungit raw ako? Totoo ba ‘yun?” Tanong nya na tinanguan ‘ko dahil totoo naman ‘yon dahil sinabi sa akin ‘yon nina Mira at Arthur
            
          
Oo, sabi nila sa akin masungit ka raw, pero hindi na ako naniniwala don kasi nakita ‘ko naman na mabait ka eh” Paliwanag ‘ko habang nakatingin sa kanya at nakangiti
              
               
Masungit ba ako?” Nagulat naman ako nang itanong nya ‘yon
              
              
              
               
                    
Bakit naman nya itatanong sa akin ang ugali nya? Hindi ba nya alam ang ugali nya? Sarili nya ‘yong ugali ah, tapos hindi nya alam? May ganun ba? Ayt, ako rin pala hindi ‘ko alam ugali ‘ko hehe
               
             
              
             
               
Oo, sinungitan mo kaya ako kanina sa classroom” Sagot ‘ko sa kanya sabay simangot
                           
                   
Then, bakit hindi ka pa umaalis sa paningin ‘ko? Why are you even bothering me and asking me to your friend?” Automatic naman akong napangiti ulit sa itinanong nya
               
                
Simple lang, kasi gusto kita—
                    
                  
Gusto mo ako?!” Nagulat naman ako nang bigla sya sumigaw
                    
                
Nilibot ‘ko naman ang tingin ‘ko sa buong paligid namin dahil baka may maingayan sa kanya pero wala naman palang tao rito sa corridor. Binalik ‘ko naman ang tingin ‘ko sa kanya na parang gulat na gulat talaga sa sinabi ‘ko.
                  
                 
                   
                  
                     
May nakakagulat ba sa sinabi ‘ko?
               
                
                   
                 
                       
Oo, gusto kita, gusto kitang maging kaibigan” Naguguluhan ‘kong pagsagot sa tanong nya, “Bakit? Wala namang nakakagulat don ah?” Dagdag ‘ko pa
                   
                    
I thought she likes me! Damn, I thought I was talking to someone who has a crush on me! It’s a relief...” Napakunot ang noo ‘ko nang bumulong sya pero hindi ‘ko naman naintindihan ng maigi
                       
                
So, friends na ba tayo?” I asked him pero nilingon lang nya ako saglit bago magpatuloy sa paglalakad
               
                
Akala ‘ko ay hindi na sya sasagot pero nagkamali na naman ako. Sumagot sya ng isang bagay na ayos na sa akin para malaman ‘ko kung magkaibigan na ba kami.
             
            
Bahala ka sa buhay mo
                    
                  
Agad na rin naman akong sumunod sa kanya nang sabihin nya ‘yon. It only means one thing for me, ibig sabihin non ay bahala na ako sa kung gusto ‘ko ba syang maging kaibigan o hindi. At ang sagot ‘ko?
              
             
Friends na tayo ha?” Sabi ‘ko sa kanya habang nakangiti pero wala naman sya reaksyon, hayaan na nga sya sa reaksyon nya.
             
               
Bakit ba ang kulit mo?” Tanong nya sa akin pero hinayaan lang nya ako sa pagsabay ‘ko sa kanya at hindi na rin pinansin pa ang sinabi ‘ko
                  
             
Kasi makulit ako?” Naguguluhan ‘kong tanong sa kanya pero tinawanan lang nya ako ng mahina
             
               
Okay lang sa akin ang baliw na kaibigang tulad nya, para kasi syang si Cinzia na minsan may pagka-baliw, pero love ‘ko ‘yun si Cinzia. Masaya ako na may bago na naman akong kaibigan. At least, kahit hindi ako gusto ng mga estudyante rito sa Academy, may mga bago naman akong kaibigan na nakilala, tatlo na sila. Isang medyo tahimik, isang madaldal at masayahin, at isa namang masungit pero mabait naman.
                
                  
Ano naman kayang mangyayari bukas?...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Powerless Princess of Ellian RealmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon