Kabanata 38

35 0 0
                                    

"Addy, look at our soon to be house! Pretty, right? Swipe mo na lang para makita mo sa ibang angle ang bahay. May naka-reserve ng tatlong room para sa aming mga chikitings soon!" Daphne giggled as she handed me her phone, I took her phone and looked at the pictures through her phone.

Malapit nang matapos ang ginagawang bahay nina Daphne at ng kaniyang mapapangasawa. Hindi pa ako nakakapunta roon dahil wala pa akong masyadong time, ngayong lang ako nakapagpahinga at makapagpapahinga sa sobrang dami ng gawain.

I need to rest too. I will just rest for only three days and I'll goings back to work again, I need to unwind before continuing work.

Nakita ko pa ang ibang litrato ng ipinapagawang bahay nila noong i-swipe ko ang ibang pictures. Kulang pa ng tiles ang loob ng bahay nila pati ang terrace nila, sakto lamang ang laki ng bahay nila para sa isang pamilya.

Narito kami ni Daphne sa isang café kung saan kami palaging nagkikita tuwing wala kami masyadong ginagawa. I love caramel coffee. That's why I always want to order that just like what I ordered before.

Sa susunod na dalawang taon pa ikakasal si Daphne pero pinagpa-planuhan na agad nila ng kaniyang magiging asawa ang ilang mga bagay na kailangan nila para kaunti na lang daw ang aasikasuhin nila.

"Goodluck, my Daph. I can't wait to be tita of my soon to be pamangkins." I said while smiling. I put her phone on the table when I finished looking at the pictures.

Matamis na ngiti lang ang iginawad niya akin habang tumitingin siya sa mga magazines.

I'm so happy for her. Malapit na siyang ikasal, ilang taon na lang magkakaroon na siya ng sariling pamilya kasama.

"How about you? Nahanap mo na ba ang iyo?" Daphne asked playfully.

I just smiled at her because I felt something heavy in my heart. Natatakot pa rin akong magmahal.

Pagkatapos ng pag-ibig na naranasan ko noon, natakot na akong magmahal ulit dahil takot na akong masaktan nang sobra ulit.

Natatakot akong mag-sakripisyo ulit. Natatakot ako na baka kapag nagmahal ako ulit at nag-sakripisyo, maubos ulit ang lahat sa akin.

Mas mabuti na sigurong tumanda na lang mag-isa para sa ganoon ay hindi na ulit ako masasaktan tulad ng dati.

"S-Sorry, dapat pala ay hindi na kita tinanong dahil alam ko namang masasaktan ka na naman." Basag ni Daphne sa gitna ng katahimikang bumalot sa paligid pagkatapos niyang tanungin sa akin iyon kanina.

Alam ni Daphne ang pinagdaanan ko noon, alam niya kung sino ang dahilan kung bakit hindi ko magawang magmahal ulit pero hindi pa niya nakikita ang mukha ng lalaking minahal ko dahil hindi ko ipinakita.

Lahat ng nangyari sa nakaraan ko ay alam niya. She's the only person, my only friend, who knows everything about me, about my past, about my sufferings. 

Noong sinabi ko sa kaniya ang mga iyon ay niyakap niya ako at dinamayan. Noong mga panahong iyon kasi ay ang bigat na ng nararamdaman ko, hindi ko kayang sarilihin ang mga iniisip ko noon kaya sinabi ko sa kaniya ang lahat-lahat.

"It's okay, Daph." Pilit akong ngumiti sa kaniya, nawala ang ngiti sa kaniyang labi habang ang magazine na hawak niya ay ibinaba niya sa table.

"I know it's hard for you to love again, pero hindi naman masama kung susubukan mo ulit, hindi ba?"

"Nadala na ako. Learn from your mistakes nga, hindi ba?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

Napailing-iling siya.

"Pagkakamali bang minahal mo siya? Pagkakamali bang pinili mong maging masaya kasama siya kahit sandaling panahon lang iyon?

I was stunned. I don't know what to answer.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon