" Ano! Bayan! Traffic na naman? Hindi ba talaga uunlad ang Pilipinas? Ngayon pa na timingan"
"beep!!!beep!" Preno ng sasakyan
"HOY! Umandar kana pampadagdag ka ng traffic dito eh"Napagising ako mula sa kinauupuan ko ng makarinig ako ng mga preno ng mga sasakyan, nagsisigawan na driver, at mga nagrereklamo na mga pasahero. Pano ba naman kase nakatulog ako dahil sa haba ng traffic dito sa makati at puyat na puyat pa ako kagabi.
Pinaharurot ko na ang sasakyan ko ng mabilis para matakasan ang mga driver na nagsisigawan kanina buti nalang at nakaalis na agad ako hayss! Salamat naman pero bigla naman akong kinabahan ng maalala ko na baka galit na galit na si mommy sakin dahil dalawang oras na akong late sa trabaho.
Ng makarating na ako sa office, pumunta ako sa elevator at pinindot agad ang button na 7th floor Yaree! Talaga ako nito sermon na naman ang abot ko dito ngayon. Nang makarating ako sa 7th floor agad ko naman binuksan ang office room ko at saktong pag pasok ko sa kwarto nakita ko agad si mommy na galit na pag aalala sa mukha niya.
"Anak Alexander bakit sobrang tagal mo nag aalala nako sayo kanina pa". Sabi ni mommy sakin
"Mommy traffic lang naman diyan sa makati eh tsaka nakatulog lang ako saglit nung traffic hehehe ".
"Ikaw talaga Alexander ang tanda tanda mo na hindi ka parin nag papaka matured sa sarili mo alam mo namang nagtatrabaho ka na pano nalang kung biglaan kaming mawala dito? Sino ng magpapatakbo ng kompanyang ito ni hindi mo nga kayang gumising sa tamang oras!" Sabi ni mommy na nagagalit
"Sorry mommy sisiguraduhin konv hindi na ulit ako malelate bukas" sabi ko sa kanya ang mga magulang talaga puro nalang kompanya ang iniisip.. sabi ko sa utak ko.
"Siguraduhin mo lang talaga Alexander, o siya ayusin mo na yung mga papeles diyan at bilisan mo para hindi na magreklamo yun mga taga Fronda Group Of Company" sabi ni mommy habang binubuksan na ang pinto para makalabas na ng kwarto ko.
Ano kilala niyo na ba ang nanay ko ganyan talaga yan medyo bungangera minsan! Hindi mo mapaghahalataan na mayaman.. Uy! Wag kayong maingay ah wag niyong sasabihin.
BINABASA MO ANG
Beautiful Gift
Teen FictionMeron na ba kayong natanggap na napakaganda at napakahalagang regalo sa buhay niyo? Kung meron man Congrats sa inyo. Pano kung sobrang napaka halagang regalo at hindi niyo inaasahang dadating sa buhay niyo.Hindi niyo pag sisihan at hindi lang ito...