Chapter 4 - Multo?!

135 21 2
                                    



Audition Day



-Xander's Point of View-



Nakaupo ako ngayon. Kanina pa ako tapos mag-audition, hinihintay ko na lang si Austin panget na matapos. Tsss. Huwag sana siyang matanggap para wala akong kasamang asungot sa school. I'm sure naman kasi na matatanggap ako no. And that Plywood, huwag din sana siyang matanggap. Ayoko ng tangang schoolmate. Oh. Speaking of the stupid. -__-



Nakita ko si Plywood na may kausap na lalaki. Yung lalaki na yun yung kumausap sa akin kanina ah? Tss. Kinikilig pa si Plywood ah. May itsura naman kasi yung lalaki. Pero di pa rin siya nangangalahati sa akin. Paa ko lang siya no. -___- Panira talaga ng mood 'tong si Plyhood.



And finally after 10 decades, natapos na rin itong napaka panget kong pinsan. 'Di ko nga alam kung paano kami naging mag pinsan nito eh.



"Hey Bro. Miss me?" sabi niya pagpunta niya sa kinaroroonan ko. Kadiri talaga to. Minsan nga pinagkakamalan ko ng bakla to eh. Ayoko lang isipin na bakla siya kasi ang laswang tignan ng isang kingkong na bakla. Imaginine niyo. 'Diba ang laswa? -__-



"Bro. Kung walang magandang lalabas diyan sa bibig mo, itikom mo na lang ha? Ang baho eh."



"Ang hard mo Bro! Haha! Palibhasa wala kang girlfriends! Kumuha ka na rin kasi ng mga barbies. Maganda na sexy pa! Hahaha" Bukod sa bakla, ang lakas rin makapambabae nitong kingkong na'to. Ang panget naman ng mga type niya. Pwe.



"Ayaw ko sa mga barbies. Bukod sa plastic na, wala pang utak."



"Osige voodoo doll na lang. Hahaha!"



"Ayaw ko rin yun. Kamukha mo eh."



"Ang lakas makapangbara. Hahaha Tara na nga!" Sabi niya at umalis na kami. Binigyan ko lang siya ng bored na expression. Habang naglalakad kami bigla siyang napahinto.



"Si Brianna yun ah!, Yung pumunta sa bahay 'yun diba? One of my admirers." Sabi lang niya.



"Stalker dapat tawag diyan. Panget eh. Kasing panget ng kausap niya."



"Kausap? Wala naman siyang kausap ah?" nabigla naman ako sa sinabi niya kaya tinignan ko ulit si Plyhood. Mayroon kaya siyang kausap. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko. Mayroon talaga eh. O baka naman pinagtitripan lang ako nitong panget na 'to. Tinignan ko siya ng masama.

Krixorth AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon