Chapter 5 - One of His toys?

161 21 6
                                    


(A/n: Si Austin Smyth yung nasa picture.)


-Brianna's Point of View-



Lumipas na ang tatlong araw simula noong, hinabol ni Drexel si Bipolar. Lumipas na rin ang tatlong araw na hindi ko pa nakikita at nakakausap si Bipolar. Kaya ngayon, nangangarap pa rin ako. Nangangarap akong masagasaan na sana siya. Walanghiya talaga yung relative ni satanas na yun! Sinabi ba naman niya kina Tita na Boyfriend ko daw siya?! Siraulo diba?



At alam niyo ba kung mas anong kinaiinisan ko?! Yung panay pilit nina Tita na boyfriend ko siya kahit ilang beses ko ng itanggi. And wait! Meron pa! Chinat ko rin siya noong mismong araw na 'yun. Ganito...



"HOY BIPOLAR! WALANGYA KA! BAKIT MO SINABI KINA TITA YUN HAH?! TAPOS PAGKASABI MO NUN, BASTA BASTA KA NA LANG UMALIS?! NASISIRAAN KA NA BA?! BAWIIN MO YUNG SINABI MO! HAYOP KA!"



Capslock talaga para mas intense. Pero alam niyo ba ang sinagot niya?!



"Well, I'm just bored."



Oo! Ayan mismo! Bored? Bored lang daw siya? Grrr!!! Huwag lang talaga siya papakita sa akin kun'di mag g'goodbye world na talaga siya! Aiiissh. 'Di ko siya type no! -___- At hello? No boyfriend since birth kaya ako! Ayoko naman na isipin nila na yung Bipolar na yun yung first boypren ko no!!! Over my dead body!



At para makalimutan ko ang mga bangungot ko, napagpasyahan ko munang mamasyal mag isa. 4:00 pm palang naman eh.




"Tita lalabas muna po ako, magpapahangin lang."



"Magdedate ba kayo ni Xander yung boyfriend mo?" Sabi niya. Eto nanaman... -_-



"1045 times ko na po'ng sinabi sa inyo na hindi ko nga po siya boyfriend. Tita naman eeehh."



"Nabilang mo talaga? Hahaha. Sus, ayos lang naman sa amin na magboyfriend ka pero huwag mo lang pabayaan ang pagaaral mo." hayyyyy, kumbinsido na talaga siya na boypren ko yung Bipolar na yun! Arggg!



"Tita, alam niyo naman po na loyal ako kay Bae Austin 'di ba? Siya yung magiging first and last ko sa buhay." Sabi ko. Tinaasan naman niya ako ng mata.



"Hmmm mas boto ako kay Xander." what?




"Tita naman eeeeeeeehhhh. Mas boto ako kay Austin."

Krixorth AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon