Chapter 6 - Surprise

127 18 4
                                    



-Austin's Point of View-



Pauwi na ako ngayon galing park. Hinatid ko na si Brianna kasi nagka sugat siya sa paa. Akala ko matatapos ang araw na 'to ng puro pagtatago.Haysss Kaya kasi ako hinahabol ng mga lalaki kanina kasi yung girlfriend noong isa doon ay nakipag break sa kanya at ang sinisisi ay ako. Kasalanan ko bang gwapo ako? Tss. 'Di ko alam na ang simpleng pag e'exist ko ay kasalanan na. Mga tao nga naman. Buti na lang nameet ko si Brianna. Kilala ko na siya kasi lagi siya present pag may important events ako. Thankful naman ako sa kanya.


7:30 pm na. Napasarap ang kwentuhan namin ni Brianna eh. Haha. Nakarating na ako sa bahay. Nandyan na kaya si Xander? Binuksan ko naman ang pinto, buti hindi ito naka lock. Nadatnan ko si Xander na nanonood ng TV habang hawak niya yung picture frame? Actually 'di siya nanonood eh, nakatingin lang siya doon sa picture. Nadistract naman siya nung bigla akong pumasok.



"Hoy Austin! Saan ka galing ha?! Bakit ang tagal mo?!" binaba niya agad ang frame at sinigawan ako ng ganyan.


"S-sa park. Dinaig mo pa ang nanay ko kung makataong ah." sagot ko. Yes aaminin ko nanginig yung boses ko nung una. Nakakatakot kaya ang aura niya. Parang anytime mangangain siya.


"Tss. Where's my dinner?" this time medyo kumalma na siya. Buti naman.


"'Di ka pa kumain? 'Di ka naman nagpabili eh." sabi ko. Biglang naman kumunot ang noo niya.


"What?! So wala kang dalang pagkain?! No! Hindi ako papayag! Ibili mo ako ng pagkain! Bibiyan kita ng 10 minutes! Ngayon na!!!" bossy talaga 'to kahit kailan. Well, sanay na naman ako sa kanya pero parang iba siya ngayon.



"Hey, hey. Anong nangyayari sayo? Bakit ang init ng ulo mo?"



"Meron ka pang 9 minutes and 45 seconds. 'Pag hindi ka pa umalis alam mo na ang mangyayari." seryoso niyang sabi. Napa facepalm nalang ako at lumabas na para ibili siya ng pagkain. Hmm Bakit sobra ata ang pag ka sungit nun ngayon? Meron ba siya? Wala naman akong ginawa sa kanya ah? Pag ganyan kasi kasungit yan, may ayaw siya or nalulungkot or galit siya. Hmmm.. baka malungkot.



Paglabas ko agad naman akong sumakay sa kotse at pumunta sa malapit na resto. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakapag order na ako. Agad na rin akong umuwi.



"You are 20 minutes late. Humanda ka. Nasaan na ang pagkain?!" bungad sa akin ni Xander. Nakatayo lang siya habang hawak hawak ang remote. May period ba 'to ngayon?



"Hey Bro, bakit ka ba nagagalit ah? May nangyari ba?"



"It's none of your business." masungit niyang sagot at hinablot ang dala kong pagkain at pumunta sa kusina. Sinundan ko naman siya.

Krixorth AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon