Chapter 9 - Bipolar Vs. Plywood

123 13 3
                                    



-Brianna's Point of View-



It's 4 o'clock pm. At pauwi na kami ni Erin sa dorm. Galing kami sa Krixorth Building kinuha namin yung susuotin naming uniform para bukas. Hayyyy nakakapagod ngayong araw. Akalain mo? 3 hours yung dance lesson namin. Huhu nakakapagod. Tapos nagyaya pa si Erin kanina na libutin ang Krixorth building bago umuwi. Kapagod talaga.


"Erin, ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong ko kay Erin. Nakayuko lang kasi siya.


"A-Ah haha hindi naman." sagot niya.


"Hmmm. 'Nga pala, bakit nagulat ka noong nakita mo kanina si Bipolar ?"


"Bipolar?" nagtataka niyang tanong.


"Ah hehe. I mean si Xander."


"Aaaah. Wala. Familiar lang siya."


"Weeeeeh? Ex mo siya no?" Biro ko.


"Paano naman mangyayari yun? Eh hindi man nga niya ako kilala eh. Ikaw. Boyfriend mo siya no? Ayiiieee." Sabi niya at sinundot sundot pa ang tagiliran ko.


"Eeeeww! 'Di ko siya type no! Tsaka ang sama kaya ng ugali nun."


"The more you hate, the more you love. Hihihi"sabi niya. Aiishhh Seryoso?


"Yuck no! Tigilan mo nga ako Erin."


"Hahaha biro lang. Nandito na pala tayo." sabi niya at pumasok na kami. Actually magkatabi lang pala yung room namin. Room 019 siya.


"O'siya, paano ba yan? Kita nalang tayo mamayang dinner ah? Magpapahinga muna ako. Kapagod eh." sabi ko.


"Ah okay sige. Bye." sabi niya at nagsipasok na kami sa room namin.


Pagpasok ko agad na akong nahiga. Wooooh~ Ang sarap ng kama. Ang lambot. Actually wala naman talaga kaming ginawa sa ibang subject. Puro pagpapakilala lang. Pero yung nakakapagod talaga ay yung sa dance lesson. First day pa lang pero ang dami na nilang tinuro. Mga basics dance step lang naman.


Matignan nga muna yung uniform. Ang tagal ko ng nacucurious kung anong uniform dito eh. Sabi daw kasi nila iniba na.


"Wow. Ang cute." sabi ko ng pagkakita ko sa uniform. Checkered yung palda. Color red and black siya. Tapos color white yung long sleeve na blouse. At sa gitna ng kwelyo ang may color black na ribbon. Hihihi ang cute. Tapos yung black-shoes may maliit na ribbon sa gitna. At may konting takong ito. Wow gusto ko ng isuot! Sukat ko nga. Hihihi


Baby, love me harder~


Ooh, ooh, ooh, oooh,~

Krixorth AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon