Alam ko na sasabihin ng nakakarami na ako ay isang bagong baliw, pero bago niyo ako husgahan makinig muna kayo sa lahat ng sasabihin ko.
Alam ko na napakamalikhain ng aking isipan sapagkat, may mga gabi na ako'y nagising hindi dahil sa ako'y naiihi o nauuhaw, ngunit mayroon akong narinig sa hindi kalayuan na mga instrumento na para bang may isang pulo ang nagtipon-tipon at nagdiwang ng kanilang festival. Malalaking tambol at kung ano-ano pa na mga tunog ang aking naririnig na nagiiwan ng rhyme "Bog, tsagag, tsag, bog, tsagag, tsag.." ng paulit-ulit.
Sa una hindi ko ito pinansin at baka mayroon lang nagpatugtog sa may 'di kalayuan. Ngunit ng ilang buwan umulit ito at ala-una pa ng madaling araw habang umuulan, tulog na ang lahat ngunit maririnig ko pa rin ang "Bog, tsagag, tsag, bog, tsagag, tsag.." na paulit-ulit. Hindi ako nakatulog at talagang kinusot ko ang aking mga mata at inilabas ang aking ulo mula sa bintana.
Habang pinakinggan ko ang mga malalakas na tambol na'to ay para bang sinasabi nito na "Halika at sabayan mo kami.." hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, at tumayo ang lahat ng aking balahibo sa katawan. One of the reason of my goosebumps was when I knew that the loud bang, drums and shouts are came from a forest of nipa palm trees. It is definitely a place that impossible for people to gather.
A true experience of the author.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories | Novelettes [ COMPILATION ]
Short StoryIto ay mga kumpilasyon ng maliliit na kwento o mas kilala sa larangan ng Pilipino ang 'Dagli' na nagawa ko bunga ng malikot at malikhaing imahinasyon na meron ako. Nakakatawa, Nakakatakot, Love story, Tragic ending, Happy Ending, Psycho, at marami p...