Chapter 4

14 2 0
                                    



Hadley's POV


Aeren's first photoshoot is done. We are on our way to the cafeteria on the ground floor to have a break. I'm with Glen and Mira, mga katrabaho ko. 

Glen is the one who is responsible for Aeren's things like shoes, clothes, and he's Aeren's driver. He's 27 years old, he's been working for Aerens since the day it started to be an idol. Anak siya ng family driver nila AD kaya close sila. Gwapo si Glen, moreno , matangkad, makapag ang kilay, mahabang pilikmata, sakto lang yung katawan at naka army cut. Mabait at funny din, siya ang dahilan minsan kung bakit puno ng tawanan sa dressing room.

Mira is AD's secretary. she's 2 years older than AD, AD is 24 years old. she's been working for him for 3 years. Mira is pretty, siya din pala yung napagtanungan ko nung first day ko dito, its's my fourth day at close na kaming tatlo agad. She's tall pero mas matangkad ako sakanya, mistisa, short hair, sexy, katulad ni glen may makapal na kilay na korteng korte at mahabang pilikmata. Mira is nice actually siya nga unang nakipag usap sakin and nag kwento about sa company at sa mga artists. 

Were here at the cafeteria, yung cafeteria nila dito is parang restaurant, ang ganda ng ambiance at puro glass din yung haligi. I ordered sushi, one slice of chocolate cake, and a coke. After I ordered, I found where Glen and Mira were. I sat down beside Mira and we started to eat.

One hour ang break namin kaya pagtapos namin kumain ay hindi muna ako bumalik sa dressing room ni AD, pumunta muna ako sa rooftop para magpahangin. Ito na ata ang favorite place ko sa company na'to mahangin, tahimik dahil bihira lang may pumunta dito at higit sa lahat ang ganda ng tanawin. nakaupo lang ako sa may bench malapit sa railings at nakapikit may 35 minutes pa naman ako e.


"Ehem! Hi" 

"Ay mama mo hi!" sagot ko dahil nagulat ako sa biglang nagsalita. I turned around and saw Kye. He's walking toward my direction. 


Hindi ko nakita si Kapre ng ilang araw simula nung nangyari sa super market. Hindi ko rin alam yung reason basta sabi ni Mira tuwing may importanteng bagay lang daw yun hindi pumupunta sa company. 

"Naistorbo ba kita?" 

"Ah hindi naman. Bakit ka pala andito? May kailangan ka ba? Tambayan mo ba 'to? sige aalis nalang ako" sabi ko at agad tumayo at akmang aalis


"No no no I'm here kasi may gusto akong sabihin sayo" pigil niya sakin.

I faced him and nag antay sa kung ano ang sasabihin niya

"Uhm.. ano kasi gusto ko mag thank you dun sa ginawa mo sa supermarket the other day" then he gave me a pack of cheezy, yung pinag agawan namin sa supermarket nun.

"Ah yun ba? wala yun" I answer him while smiling. Iniabot niya sa akin yung cheezy at tinanggap ko naman. "Thank you"

"Sige una na ko, thank you ulit" sabi niya at tumalikod sakin. 

Nakalabas na ng pinto si Kye pero hindi parin ako mapakali dahila alam kong may kasalanan din ako sakanya at naguguilty na ko ngayon. Hinabol si Kye at naabutn ko siya sa harap ng elevator. 

"Ah kapre.. I mean Kye may sasabihin din ako" He turn  to face me and at nag aantay ng sasabihin ko. 

"I'm sorry for what happened that day, it was my fault" nakayuko kong sabi dahil di ko matagalan yung titig niya

"What do you mean?"

"Ako kasi nag sabi sa kanila na nandoon ka sa supermarket" nakayuko parin sabi ko dahil nahihiya ako sa ginawa ko



flashback

"Ah ayaw mo? OK" i said to him at tumalikod na ko.

I saw a bunch of teenage girls looking to a magazine and I saw na yung grupo nila AD na 'Virtuoso' aang tinitingnan ng mga ito and nakaisip ako ng paraan para makaganti dun sa kapre na yun. 

"Uhm.. hi fan ba kayo ng Virtuoso? nakita ko kasing kanina niyo pa tinitingnan yung pictures nila e"

"Omg ate sobra. Ako nga asawa ni Kye eh!"
"Opo ate number one fan ako ni AD"
"Mga asawa po namin sila ate"
"non-showbiz girlfriend po ako ni Rave"
sagot nila sakin ng sabay sabay

"Ganon ba, feeling ko kasi yung isa nilang member yung nakita ko kanina dito na namimili" sabi ko while smiling inside my mind 

"TALAGA ATE SAAN" excited na sabi ng isa sa kanila habang lilinga linga
"WE TE TOTOO PO? SINO?"
"TE BAKA PRANK YAN HA!"
"SAN PO? SAAN? OMG SAN ATE?
Grabe sobrang excited ng mga to, ganon ba talaga ka sikat yung grupo nila AD.

"I think dun banda sa may chips station ko siya nakita. Yung Kye ata yung nakita ko" sabi ko habang tumuturo turo pa sa may chips station.

Walang atubiling tumakbo ang mga ito sa lugar na sinabi ko. yung iba ay nagthank you pa at yung iba ay nagbanta nababalikan daw nila ako pag wala. 
"Nakaganti din" sabi ko sa sarili ko while pushing my cart with an evil smile. Tiningnan ko rin yung facemask ni kapre na hawak ko.

Papunta na ko sa cashier para mag bayad ng makita kong may nagkakagulo sa di kalayuan at I saw that kapre na napapalibutan ng madaming fans. Our eyes met, tinaas ko yung kamay ko na may hawak ng facemask niya at winagayway, dinilaan siya ng parang bata at nung makita kong nagagalit na siya ay nakangiti ko siyang tinalikuran, nagbayad ako sa cashier at lumbas na ng super market. 

Pag dating ko sa napakalayong parking lot ng supermarket na to ay inayos ko na ang mga binili ko at umalis. Nang mapadaan ako sa entrance ay nakita kong napapalibutan parin si kapre ng mga fans at kahit mga guards ay hindi sila kayang pigilin dahil mas lalo pa silang dumami. Nakonsensya ako ng makitang parang nasosofocate na si kapre at parang hindi na talaga siya makakaalis sa kumpol ng mga tao na yun. I parked my car again pero this time sa harap na ng super market dahil may nakita akong space. Bago bumaba ay kinuha ko muna ang baseball bat ko under my seat, i always have this alam niyo na kailangan natin ng protection. 

I enter the supermarket and I shout "tabe" many time pero parang wala silang naririnig. Sa sobrang inis ko ay huminga ako ng malalim at sumigaw nang sobrang lakas yung parang luluwan na yung lalamunan ko.

"SABING MAGSITABI KAYO E!" Then all eyes are on me. Hindi parin sila nagsisitabi kaya nagsalita akong muli. 
"Ano tatabi kayo o ihahampas ko to sainyo" pagpapakita ko ng baseball bat ko hambang hinahampas hampas ko ito sa kamay ko. Nakita kong natakot naman ang mga ito at nagsitabi. Naglakad ako papunta sa pwesto ni kapre at hindi ko maiwasang matawa dahil yung muka niya ay gulat as in gulat pero pinilit kong wag tumawa. I grab his wrist and hinila ko siya palabas ng supermarket. 

My Boyfriend is an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon