Aerens's POVToday is Wednesday, and I decided na huwag muna pumasok dahil wala naman akong schedule ngayon at wala rin akong tulog. Iniisip ko pa rin kasi yung lalaki na narinig ko sa condo ni Trish nung nakaraang araw, gusto ko tanungin si trish katulad ng sinabi ni Payton pero natatakot ako sa isasagot nito sakin. Halos buong gabi kong inisip kung tatawagan ko ba siya kinabukasan para itanong yun o ioopen up ko ba yun pag tumawag siya, baka kasi maging cause lang ng away namin. Sinabi ko na rin kay Mira na hindi ako papasok ngayon, gusto ko din sana sabihin kay Payton para hindi na siya mag-abala pang pumunta sa kumpanya kaso lamang ay wala akong phone number nito. She's been working for me as a make-up artist for almost 3 weeks pero wala parin akong number niya. Hiningi ko ang number niya kay Mira at Glen pero wala din daw silang number nito, kaya sinabi ko na lamang rito na sabihin kay payton na hindi ako papasok at pauwiin nalang siya.
Sa pag iisip ko kung tatawagan ko ba si Trish ngayon o itetext ay nakatulog ako. Nagising lang ako sa ring ng cellphone ko, kinakabahan akong dinampot yun sa tabi ko at dahan dahang tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Brysen lang pala ito.
"Hello boss AD" bungad ni Brysen
"Oh bry bakit ka napatawag, hinahanap ba ako ni manager Amir?" namamaos kong sagot
"No boss, sorry po kung nagising ko kayo. Gusto ko lang po sana ipaalam kung pwede ko hiramin si HP today tutal sabi naman po ng secretary niyo hindi kayo papasok. Wala po kasing magmemake up kay Kye ngayon may emergency daw po kila Mama A"
"Ok lang sakin, si Payton ang tanungin niyo kung ok lang sakanya. Tsaka pano mo nalamang kagiggising ko lang?"
"Halata po sa boses niyo. Sige po Boss AD maraming salamat po"
"Welcome" then I ended the call
"Teka Payton at Vin magsasama HAHAHAHA gulo yun panigurado" sabi ko sa kawalan habang nakangiti. Alam kong may gulong mangyayari dahil sa araw araw na magkasama kami ni Payton sa kumpanya ay nakikita ko kung pano sila mag labanan ng tingin ni Vin tuwing magtatagpo ang mga mata nila. Para silang nagsasaksakan gamit lang ang tingin.
Bumalik ako sa pagtulog, hindi ko na muna inisip ang gagawin ko kay Trish. Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. It's already 5pm at buong araw ay wala pa akong kinakain. Tumayo ako at tiningnan ang ref, madaming laman pero wala ako sa mood mag luto. Napag desisyunan kong sa labas na lamang kumain at dumaan narin sa Kanzen para kamustahin sila Payton at Vin, at para narin tingnan kung may bali ba sila o pasa.
Sa company muna ako dumaan para kung sakalaing tapos na sila sa shoot ay yayayain ko silang kumain din. Pag dating ko sa dressing room ni Kye ay wala ng tao at nakapatay na din ang ilaw at aircon. Pumunta ako sa studio pero ibang artist nag nagshoshoot. Nakita ko si brysen na nakikipag usap sa mga staff.
"Bry, hey bry" tawag ko dito at agad naman niya kong nakita
"Oh boss AD kala ko hindi kayo papasok?" aniya paglapit niya sakin
"Dumaan lang ako para sana kamustahin yung shoot ni Kye kaso wala na sila e tsaka iba na nag shoshoot sa studio"
"Ay nako boss maaga natapos yung shoot mga 5pm po siguro. Nagmamadali po kasi si sir Kye, hindi nga po nag breaktime si sir Kye at yung mga staff kanina e"
"Kahit si Payton?" tanong ko na siyang ikinabago ng expression ng muka niya
"Wow boss concern? Joke lang po pero opo pati si HP hindi rin nag brektime" sabi niya at sumilay ang mapanuksong ngiti sa muka nito
"it's not what you think. Natural lang na maging concern ako sakanya dahil nagtatrabaho siya sakin, she's my make -up artist"
"Wala naman akong sinasabi na iba boss"
"Wala nga pero halata sa ngiti mo," turo ko sa kanya, "By the way may number ka ba ni Payton?" at nag umpisa na naman itong ngumiti ng nakakaloko. "Oh ayan na naman sa ngiti mo" sabi ko
"Sorry boss, opo meron po akong number niya send ko nalang po sayo" then he send it to me
"Sige na una na ko, thank you bry" tinapik ko lang to sa balikat at naglakad na paalis
Habang papunta ako sa parking lot ay nicontact ko ang phone number ni Payton at agad naman niyang sinagot

BINABASA MO ANG
My Boyfriend is an Idol
Novela JuvenilA girl who just wants to be an independent woman but becomes the girlfriend of a popular idol. She is labelled as one of the luckiest girls on earth. Many girls want to be her, while others want to get rid of her. Is it easy to be an idol's girlfrie...