Chapter 01

548 13 0
                                    

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

"Ayon sa napag-meeting-an namin, our CEO is stepping down on his position and will only focus on being the chairman. Due to his age, his health is declining so he needs to rest."

Napanguso ako habang nagsusulat sa notebook. Our accounting manager went on a meeting earlier together with the managers from the other department and higher-ups. Ngayon, sinasabi niya sa amin lahat ng napag-meeting-an nila para aware din kaming mga nasa laylayan.

"Within this week, his youngest son will be coming here in the Philippines to take over the position. You know, the two older sons are already managing their own companies so the last company that the chairman has will be going to the youngest."

"How young is he?" I asked lazily. "Maka-youngest ka, eh. Nakakailan ka na. Konti na lang, iisipin kong teenager 'yan."

Nagtawanan ang mga kasama ko. Pati ang manager namin ay natawa na. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"For your information, Miss Areeya Cervantes, he is already 27 years old. He might not be young for us but he will be the youngest CEO in the country. That's why I kept on emphasizing the word youngest."

Napatango-tango na lang ako't hindi na nagsalita.

"Ma'am, ang laki naman ng age gap masyado ng magkakapatid?" dagdag na tanong ni Dian.

Ngumiti ang manager. "Since ilang buwan ka pa lang dito, Dian, you might not know that the chairman's current wife is his second. The first one, who was the mother of his two older sons, died because of heart disease. The eldest son is 45, the second is 42 and the youngest, Mr. Hunter Santiago, is 27 years old. May fifteen at eighteen years na age gap ang dalawa sa kan'ya."

Napatango-tango ulit ako. Kahit na mahigit two years na akong nagtatrabaho dito, ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon. Well, I'm not here to know the family tree of my boss. I'm here to earn money.

"Sa Friday ang official na pagtuntong ni Sir Hunter sa position bilang CEO ng RES Telecommunications kaya naman lahat ng empleyado, kailangang nasa auditorium para i-welcome siya at makinig sa speech niya habang nagpapakilala. 'Wag na 'wag kayong mali-late, ha?" paalala niya.

"Yes po," sabay-sabay na sabi namin.

"And after that, may company dinner and welcome party tayong lahat para sa bagong CEO natin. Ni-reserve ng company ang isang buong restobar para sa lahat ng empleyado ng RES Telecommunications kaya naman sulitin n'yo 'yon, okay? Tutal, wala namang pasok kinabukasan kaya hindi kayo dapat mangamba kung malalasing kayo nang sobra."

Nagpalakpakan ang mga kasama ko sa opisina habang humihiyaw dahil sa excitement. Nakipagtawanan na lang ako sa kanila bago itinuloy ang trabaho dahil tapos naman na ang announcement.

Well, I don't really care about that. Kahit naman sino ang maging CEO namin, wala namang magbabago. Noong si Mr. Renato pa ang CEO, napakadalang ko lang siyang makita. Sa sobrang laki ng kompanya, hindi na niya napupuntahan ang iba't ibang department. Kung hindi pa magkakaroon ng awarding ceremony at iba pang events, hindi ko pa malalaman itsura ng pinaka-boss namin.

Under His SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon