Chapter 22

136 6 0
                                    

        Bumalik ako sa trabaho nang pakiramdam ko, kompleto ang lahat sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   
   
Bumalik ako sa trabaho nang pakiramdam ko, kompleto ang lahat sa akin. Though I came there thinking he’d want to have sex with me, it wasn’t what happened.

He only wanted to  see me . . .

He only wanted to kiss me . . .

He only wanted me in his arms . . .

And never have I ever thought that those would be enough for me, too.

On my way back to my department, kabang-kaba ako dahil baka mamaya, maghinala sila. Natatakot akong malaman nila na isa akong malanding empleyado na nakikipag-hook up sa boss namin. Pero nang dumating ako doon, tutok ang lahat sa monitor at mga papeles sa harap nila. Nakahinga ako nang maluwag bago dumeretso sa cubicle ko saka itinuloynang naudlot na trabaho.

Bago mag-lunch, nagkaroon ng ingay sa buong department dahil sa isang memo na bumaba mula sa boss namin.

“Oh, my god! Hindi raw required pumasok from December 23 to December 31 ayon sa memo!!! That’s a whole fucking week of a fucking vacation!!!”

Nagpalakpakan at nagsigawan ang mga katrabaho ko. Hindi ko naman mapigilan ang sarili sa pagngiti at pagtawa dahil ngayon ko lang sila nakitang ganito kasaya. Kung masaya sila kapag may pa-company dinner, grabe yung saya nila ngayon! Parang binigyan ng 20th month bonus!!!

“January 3 na raw ang balik at p’wede nating ihabol na lang do’n ang mga magiging backlogs! Still, p’wede pa rin namang pumasok kung ayaw n’yong matambakan ng trabaho. Double pay pa,” our accounting manager added.

Naghiyawan ulit ang lahat dahil do’n.

“Of course, the days na hindi required pumasok, bayad pa rin! Pero kung papasok ka naman, double pay! In short, nasa inyo na rin ang desisyon kung papasok kayo or hindi.”

“Hindi na ako papasok, hindi naman pala mate-terminate tapos bayad pa! Uuwi na lang ako sa CDO!”

“Baka pumasok ako sa ibang araw, I need money for my car loan!”

“Papasok ako sa mga araw na ’yan para wala nang trabaho pagpasok.” Danilo laughed. “’Tang ina, sarap pala maging boss ni Sir Hunter! Sana may nagpapainit sa kan’ya gabi-gabi!”

Nag-init ang mukha ko dahil do’n pero nakisali na lang din ako sa ingay nila. Pati ako, nakipalakpak at naka-celebrate dahil sa maganda naman talagang balita.

“Are you gonna go to work or take this chance para magpahinga?” tanong ni Dian sa akin.

Ngumuso ako, nag-iisip sa tanong niya. “Hmm . . . baka sumama ako sa parents ko sa Cagayan. Though, gusto ko yung double pay kapag pumasok.” I chuckled. “Pinag-iisipan ko pa.”

Ngumiti lang si Dian, pinananatili ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit sobrang nailang ako do’n. Hindi ko napigilan ang mag-iwas ng tingin sa kan’ya. Still, nakisali pa rin ako sa ingay nila hanggang sa sabay-sabay na kaming lahat pumunta sa cafeteria para kumain ng lunch.

Under His SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon