*Bark! Bark! Bark!*
Kanina pa tahol ng tahol si baby dahil sa mokong na yun! Mga dalawang oras na siyang nakanta pero hindi pa talaga siya tumitigil. Dinadaan ko na nga sa panonood ng Die Hard e, wala kumakanta pa din.
E sa nainis ako, sinilip ko na sa bintana.
"Bakit ka ba nandito? Ala siyete na ng gabi chanyeol! Madami ng natutulog!"
Napakunot siya habang nakatingala. Mataas kasi apartment ko.
"Ha? Natutulog agad?! Grabe naman yung mga taong yun. Daig pa lola ko."
"Bakit? Pake mo ba kung natutulog na sil-teka nga lang! Iniiba mo usapan e, bakit ka nga nandito?"
Napakamot siya sa ulo niya bago siya magsalita. Sus akala mo naman ikakagwapo niya..
"Hinanap kasi kita sa coffee shop kanina, sabi ng boss mo di ka daw pumasok. Akala ko may kinalaman ako sa di mo pagpasok kaya heto.. I'm singing my apologies thru u" Medyo nandiri ako sa sentiments of affection niya.
"Anong may kinalaman ka sa di ko pagpasok? Anong ibig mong sabihin?"
Nabigla ako ng ngumiti siya ng pagkalaki laki. Showing off his perfect teeth. "Kasi binagsak kita kagabi sa sahig niyo dahil dun sa-nevermind.. Akala ko na hurt ka sa ginawa ko, kaya sorry bh3 bh3 qu0H"
Yan nanaman siya sa katarantaduhan niya e. Kapal ng mukha talaga! Bilib na bilib sa sarili!
"Diyan ka magaling! Sa pagiging mahangin mo! Please nga Chanyeol lubayan mo ko habangbuhay!"
Sinaraduhan ko na siya ng bintana. Pati na din pintuan ko na ginamitan ko ng apat na lock. At mas nilakasan ko pa yung volume para di ko marinig yung pambubulabog nun.
Mga thirty minutes ng nakalipas at bigla nalang tumahimik..
Yes! Woohoo! Finally at peace!
Namangha ako sa sound effects nung tv ko kahit na maliit yun nagagaya pa din niya yung totoong tunog nung pagpatak ng ulan. At kanina pa siya ganun! Kahit bugbugan lang sa building yung scene...
"Parang may mali?"
Hinanaan ko yung volume. Totoo palang ulan yun, at sobrang lakas parang bagyong ondoy.
Tumingin agad ako sa bintana at akala ko matalino siya para umalis sa ilalaim ng bagyo.
Inis akong bumaba ng apartment at dahil wala akong maysadong kagamitan sa tag ulan, nilusob ko na lang yung malakas na ulan para puntahan siya.
Nakaupo lang siya at nakasandal sa poste habang nababasa sumbrero hanggang sa ovesized t-shiry niya. Ang bobo talaga.
"Hoy! Ulol! Ano pang ginagawa mo diyan? Umalis ka na nga diyan!"
"Ayaw. Not until you forgive me bh3 bh3" Gago talaga e. Halatang nanghihina na siya sa lamig may balak pa ata magpagabi.
"Taenang yan." Bahala siya sa buhay niya. Baka responsibilidad ko siya? Sariling katangahan na niya ikamamatay niya.
BINABASA MO ANG
Bhoxcz Yeol Vente Uno
RandomJejeng ulol na childhood friend pala ni Liandra ang nanliligaw sa kanya ngayon. At isa pang gang lord- ay mali ¶@n¶×z |0rd$xz pala. What a small word isn't it? Samahan ang katangahan nila sa isang love-hate and hate love relationship. Wag magseryoso...