Flashback pa din
The flying bag has hitted me in the ulo. Kainis, ang hirap mag engles ng diretso. Anyway, yun na nga yung flying bag.
Noong una akala ko tinapon lang kasi ang baho nung nasa loob. Kaya di ko na lang tinignan, tapos bigla na lang napadaan yung mata ko sa medyo bukas na parte ng bag. Nanlaki mata ko kasi pera pala yun!
Halos mga P1,000,000 ata? E syempre as a 7 year old gurl like me, ang gusto ko pa noon e pumuntang Disneyland. Pero nawalan ako ng pagasa nung laging sipot ng sipot si.. Sino nga ulit yun? Basta yung koyang rapist.
"Bakit ka ba nakatok ng ganito kaingay? E halos mag aala singko na e?" Halos mga 3 weeks na din kasi siyang nangungulit kung ano daw toothpaste ko.
Gusto daw niya kasi ngipin ko, inspiration daw para umayos pa lalo ngipin niya hanggang sa maging pustiso. E sungki sungki ngipin ko sa ilalim, so dahil dun alam kong niloloko lang niya ako. Kaya inis na inis na ako sa kanya ngayon.
"Sabihin mo na kasi toothpaste mo!" Aba't talagang! Dahil talaga doon napasabunot na ako ng todo todo sa buhok ko na nasipa ko siya sa *toot* sa sobrang galit. Di ko pa nga siya kilala tapos inaasar asar na niya ako ng ganito?! Ano kami close?
Mangiyak ngiyak siya sa sakit. Kahit gaano kaingay, e hindi naman siya mangigising ng tao dahil ako lang naman ang nasa garden shed natutulog. Tatay ko kasama yung perlang nanay neto.
"Alam mo akala ko nung una mabait ka! Yun pala pareho lang pala kayong mga lalaki! Mga walang hiya! Tulad na lang ni tatay! Walang kwenta!" (7 years old parin ang nagsasalita niyan) Sabi niya pupunta kaming Korea para i-meet ang F4! HE LIED! HE COULDN'T KEEP HIS PROMISE BECAUSE ALL MEN ARE THE SAME-
Napatigil ako sa pagrarant sa utak ng biglang yumuko siya sa lebel ko, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, at kiniss ako sa lips. Peck lang naman, e sabi ni tatay kapag hinalikan daw ako ng lalaki ibig sabihin sincere makipagfriends. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit gusto niya ng lamunin yung mukha ng nanay neto.
Simula nun lagi na lang kami naghahangout sa backyard nila. Everytime na magkikita kami lagi niya akong binibigyan ng Hani, tapos yung silver wrapper nun sa loob ginagawa niyang brace. Para daw gumanda yung ngipin niya lalo. Ako sa taas ko lang nialalgay kasi sungki nga ako, paulit ulit?
Tapos nangyari na lang, nakita ni mother pearl ang pinagagawa namin sa backyard. Natakot siya ng nakita niya may bakal ngipin ng anak niya. Akala niya ako ang nagturo sa anak niya ng ganun kaya nilayo niya sa akin si.. Hindi pa rin niya sinasabi pangalan niya as usual-
"Ikaw bata ka! Masyado ka ng nahahawa sa katangahan ng.. Katulad niya! Dahil diyan, Ricardo!" tawag niya sa driver nila ng limousone na bigla na lang sumulpot sa kanto."Yes ma'am?" "Ipadala mo siya sa airport! Pabalikin mo na siya sa nanay niyang hampaslupa sa Korea now na!" Nagtatakang nagtanong si manong. "Paano po magliligo ang bata ng walang pamalit na damit?" "Ipapadala ko na lang ang mga gamit nila through express mail, now chupee!"
"Koya! Hindi pa kita kilala! Sino ka ba?" Tanong ko bago siya mawala sa paningin ko. "Si-Si Park Chanyeol!" Bigla siyang nagulat sa sinabi niya at napalitan ng lungkot ang mukha niya habang kinaladkad siya ni manong pasakay ng limousine.
Narealize niya atang hindi tugma ang apelydong 'Park' at 'Dambuhala' niya sa 'ina' niya. Halata naman talagang di sila magkaano ano at.. Mas gwapo siya.
﹏
So ayun ginamit ko yung pera sa bag para makapuntang disneyland nung birthday ko. E bata pa ako nun, so naloko ako ng isa sa agency na may free cupholder pag dun daw nagsign up ng trip.
Yung pera naman kinuha din nung agency, tapos sinisi nila ako na ako daw ang gumastos ng lahat lahat. Pinapunta nila ako sa Korea kung saan nila ako binisto sa mga mafia na may ari pala ng P1,000,000 na ka current exchange lang nung time na tinamaan ako kasama ng mabahong bag na yun.
Kaya heto, naghihirap makabayad ng renta at utang sa kanila habang nagtitiis na lang sa ramen noodles bilang pagkain sa nakaraang taon.
Pero.. Kahit ganito ang pamumuhay ko ngayon? Nagawa ko pa ding ngumiti sa alaala na kahit mapangasar at mapangbiro yung lalaking yun, siya lang ang lalaking tinrato ako ng may kahalagahan-
♪ Dito ay umaga~! At diyan ay gabi~!! Ang oras natin ay magkasalungat! Pero ngayon ay salamat sa diyos at! Nandito ka na din sa South Korea~!—" bungad ng isang lasing na tambay sa tabi. Lasing na tambay ba? Mukha e..
Tumingin ako sa bintana at nasira ang araw ko ng bumirit pa siya lalo.
"Gago Park Chanyeol! Manahimik ka nga!"
BINABASA MO ANG
Bhoxcz Yeol Vente Uno
DiversosJejeng ulol na childhood friend pala ni Liandra ang nanliligaw sa kanya ngayon. At isa pang gang lord- ay mali ¶@n¶×z |0rd$xz pala. What a small word isn't it? Samahan ang katangahan nila sa isang love-hate and hate love relationship. Wag magseryoso...