Boom!

49 0 0
                                    

Keanne's POV

Nagulat talaga ako nung nagalit si Mr. Gayuma. (Naaalala ko kasi sa kanya yung lalaking bida dun sa Gayuma. Hahaha. Yung nagfi'fliptop ata.) HAHAHAHA. As in nakakatakot! Ghaaaaaad! Eh di ko naman talaga sinasadya na mapatawa kasi naman ang nabigla na lang ako sa naisip ko na word na "bansot". Kasi ang liit nya talaga. Di ko naman siya pinipintasan. Actually, ang cool nga eh. HAHAHA. Ang cute ng height nya! Haha. Natawa lang talaga ako sa term ko na "bansot." HAHAHA.

Saka parang mya pinagdadaanan siya eh. Kasi feeling ko di siya sa akin galit eh. Naalala ko pa yung hitsura niya habang nagse-sentimyento siya. Hahaha. Mukha siyang kawawang paslit. Kasi naman. Ang liit niya. Ang cute pa! Para siyang batang ninakawan ng stick-o! HAHAHAHAHAHA.

Alam mo? Ang babaw ng kaligayahan mo. Normal ka ba? Takas ka ba sa mental? Uminom ka nga ng gamot! Tumatawa ka na lang bigla d'yan. Nakakainsulto ka ah?"

"Kayong mga babae. Ang hirap niyong intindihin! Kala ninyo kayo lang ang dapat intindihin. May puso din kaming mga lalaki. Napapagod din kaming maghintay! MGA PAASA KAYO!"

At ayun! Sabay walk-out. Nakonsensya naman daw ako. Kasi tinawanan ko pa si Mr. Gayuma, may pinagdadaanan na nga.

"Ma'am Jessie!" Tinawag ko manager namin.

"Bakit? Don't tell me magpapa'void ka. Naku! Kakalbuhin kita." Bungad naman ni Ma'am Jessie. Ayaw na ayaw nila nagpapavoid ng orders lalo na pag napunch na. Lalo naman kaming crew noh? Kami kaya ang napapagalitan. HAHAHA.

"Easy lang, ma'am. HAHAHA. Bili akong sundae tutal paout na ako, ma'am."

 "Bakit di na lang mamaya? Nakaduty ka pa, bawal yan."

"Sige na, ma'am. May pagbibigyan lang ako. Pleaaaaaaaaaase?" H-in-ug at k-in-iss ko siya. Lambing lambing. HAHAHAHA.

"Naku. Sige na nga. HAHA."   HAHA. Yes! At ayun. Gumawa ako ng hotfudge sundae. Babayaran ko pagka'out ko kasi bawal talaga. HAHAHA. Pumunta ako ng locker ko at naglabas ng pink na sticky notes na ginagamit ko sa school. Smile na, bossing pogi. :)) Hahahaha. Bola-bola rin para di na siya masungit. HAHAHAHA. Tas ayun. Dinikit ko sa sundae.

"Angel!" Tawag ko dun sa kasama ko. Nandun siya sa back sink, naglilinis.

"Oh bakit?" Tanong naman niya.

"Tao ka muna dito sa counter. Naiwan nung customer yung hotfudge niya!" Palusot pa ko. Hahaha.

"Hahaha. Gaga. O sige. Bilis mo!"

At ayun. Lumabas ako ng store at hinabol si Mr. Gayuma. Buti na lang di pa siya gaanong nakakalayo!

"Sir! Teka!" Tawag ko.

Di niya ko nililingon. Ai naku! Bingi-bingihan tong Gayuma boy na 'to! 

"Sir! Uy!" Tawag ko pa rin.

Hala! Juice ko. Hinihingal na ako. Natutunaw na tong sundae!

"Sir! Hinto ka naman please. Yuhooooo!"

Lumingon na siya sa wakas! Halatang nairita na siya sa kakatawag ko sa kanya. HAHAHA. Yeaboi! galling ko talaga. Hahaha.

Inabot ko sa kanya yung sundae. Grabe! Hingal na hingal ako. Soooooooows! Bwisit na Gayuma boy na to. Lilingon din pala pinahabol pa ko. Hmp!

"Ano to?" Tanong niya.

"Hot fudge sundae po. Peace offering?" Tapos nagsmile ako ng matamis. Matamis pa sa sundae. HAHAHA. 

Kaso deadma tong Gayuma boy na to! Pokerfaced!

"Alis na po ako." Baka lalo pa siyang mabwisit sakin. HAHAHA. Saka sigurado hinahanap na ko dun.

Ga-ga-gayuma. Ga-ga-gayuma. Pakanta-kanta pa ko. Haha. At least malinis na konsensya ko kasi nakabawi na ko sa kanya pero lulubusin ko na. Haha.

"Uy, sir!" 

Ang layo ko na pero tawag ko pa siya. HAHAHAHA.

"Hindi lahat ng babae, paasa. Ingat po!"

Feeling ko lang kelangan kong sabihin. Totoo naman ah? Di lahat ng babae, paasa. Meron ding katulad ko. HAHAHAHA. Wag naman niyang lahatin. Haha.

Bumalik na ako ng store. Grabe! Ang dami kong pagod! Hahaha. Tas ayun. 11:57 na sa relo! Yaaaaaaaaay! Out na kami nyan! Haha.

"O, ano? Nahabol mo?" Tanong ni Angel.

"Yup!" Super smile ko. "Nahabol ko. Pinahabol pa ako. Hahaha."

Tawanan kaming dalawa.

Ano kayang problema no Gayuma boy? Hmmmmm. HAHAHA. Sana naman nakabawi na ako sa kanya sa ginawa ko. P25 pesos din yun noh? Di ko naman siya kilala pero nilibre ko siya! HAHAHAHA. Pag nakita ko pa uli yun sisingilin ko siya. HAHAHAHA.

12:18AM

Ayun! Tapos na duty. Nakapagturnover na at lahat. Yeye! Haha. Uwian naaaaaaaaaa!

"Kain tayo." Yaya ni Angel.

"Ay nako. Maaga pa ang pasok ko bukas. Gusto ko na matulog. Haha."

"Arte nito!" Saka pa ko binatukan ng bruha.

Inayos na namin ang gamit namin at nagready nang umuwi.

Nagboboarding house ako malapit sa store at malapit na rin sa school. malayo kasi ang bahay namin eh. At super mega worried si mama kapag ganitong madaling araw ako umuuwi kaya  pinayagan na niya akong magboarding house.

Pagdating dun. Plakda agad ako. Tulog. Zzzzzzz.

Pag gising ko kunaumagahan..

Waaaaaaaaaaaaaaah! T__T  Huhuhu. 6:30 na! Late na ako! Graaaaaaaaaaaaaabe! Patay ako neto! 7AM pasok ko! Ang bagal ko pa man ding kumilos.

Ligo. Suklay. Toothbrush. Bihis. Wala ng almu-almusal!

Tumakbo ako hanggang sakayan ng jeep. Takbo. Takbo. Takbo.

BEEEEEEEEEEEEEEP!

Napalingon ako at. Halaaaaaaaaaa! Juice ko po! Sasakyan! At ang lapit na sa akin! Sobrang takot ko. Napapikit na lang ako. Ang bilis ng kabog ng puso ko. Unti-unti kong nararamdaman na parang tinatakasan ako ng lahat ng lakas na meron ako.

Blag.

Love SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon