Jeffrey's POV
Balisang-balisa ako habang sakay ko tong service crew na nameet ko kagabi. Grabe! Di ko akalaing magkikita pa kami ulit tas muntik ko pa siyang mabundol!
"Hinimatay lang siya dahil sa sobrang nerbyos. There are really no damages. Konting gasgas lang. You don't have to worry. Just let her rest for a while." Yun lang ang sabi ng doctor tapos tinapik nya yung balikat ko tas iniwanan na kami.
Ninerbyos din ako nung makita ko siyang papatawid. Kasi biglang nalang siyang tumakbo ng di tumitingin sa dinadaan niya. Buti na lang nakapagpreno ako. Kala ko nga nasagi ko siya kasi natumba siya eh tas paglabas ko ng kotse, wala na siyang malay. Dali-dali ko naman siyang dinala sa pinakamalapit na ospital.
Ayan. Nakahiga siya sa hospital bed. Wala pa ring malay. Sobrang nerbyos niya siguro. Kumuha ako ng upuan at umupo sa tabi nya.
Ange peaceful niya matulog. Para siyang angel. Naalala ko nung tumawa siya ng tumawa kagabi. Para talaga siyang timang kasi bigla na lang siyang tumawa na parang baliw. Mangiyak-ngiyak pa siya. At naalala ko rin yung sundae na binigay niya. Hinabol pa niya ko para dun. Haha. Lumamig naman ang ulo ko. Naaabswelto na siya at nawala na din badtrip ko sa girlfriend ko.
Kanina ko pa nga siya tinitignan eh. Bilugan ang mukha niya. Tas ang lalim ng eyebags niya. Halatang laging puyat. Ang kinis ng mukha niya. Kapansin-pansin yung lips niya kasi ang pula. Di naman siya nakalipstick eh. Parang natural. Halatang never-been-kissed. HAHAHAHA.
Nilapit ko ng konti pa yung mukha ko para mabistahan lalo yung mukha niya. Kaso..
Bigla siyang dumilat!
Nabigla ako kasi ang lapit ng mukha ko sa kanya.
Akala ko sasampalin niya ako eh. Kaso bigla siyang tumawa.
"Hoy! Hahalikan mo ba ako?" Nakangiti niyang tanong.
Namula naman ako bigla. Grabe ang babaeng to. Straight to the point. Hahaha.
"Nahiya ka pa. HAHAHAHA. Ang pula na ng mukha mo. Parang kamatis. HAHAHA."
Ang kulit talaga ng babaeng to. Hahahaha. Di pa ako nakakasalita, nagsalita na naman siya.
"Hoy, gayuma boy. Ikaw ba nagdala sa akin dito?
"Ha? Gayuma boy?" Nagtataka kong tanong.
"Gayuma boy. Di ko kasi alam pangalan mo eh. Kamukha mo yung bidang lalaki sa music vid ng gayuma. Yung bansot. HAHAHAHAHA."
Hala! Ayan na naman siya. Tawa na naman.
"Sino? Si Abra? Yung nagfi'fliptop?" Sabi ko na eh. Lagi nalang pinapakamukha sa kin si Abra. Medyo maliit kasi ako tas parehas kami ng style. Yun nga lang, di ako nagfi'fliptop. Hahahaha.
"Yun! Yun nga! Hahaha. Crush ko yun!" Nagniningning pa mga mata niya. HAHAHAHA.
Ang kulit talaga nitong baabeng to. Ang daldal! hahaha.
"Mas gwapo ako dun noh?" Sabi ko naman. Hahaha. "Saka kung crush mo yun, eh di crush mo rin ako? HAHAHAHA." Saka ko siya kinindatan.
Natawa naman siya. "Oy, hindi ah? Mas crush ko yung Abra. hahaha."
Nakakatuwa tong babaeng to. Wala pa kaming bente kwatro oras magkakilala, ang kulit na. HAHAHAHA.
Maiba ako. "Uy, ang kulit mo na jan. Okay ka na ba? Wala bang masakit sayo?"
"Wala. Okay lang ako. Ninerbyos lang talaga ako ng sobra kasi akala ko katapusan ko na." Nakangiti nyang sabi.
"Ikaw kasi di ka tumitingin sa tinatakbuhan mo. Buti na lang nakapagpreno ako."
"Late na kasi ako sa klase ko. Anong oras na ako nakauwi kagabi. Saka napagod din kasi ako sa kahahabol sayo noh? HAHAHAHA."
Natawa naman ako. "Ikaw kasi. Parang baliw! Bigla na lang tumatawa! Ano bang nakakatawa kagabi?"
Ngumiti lang siya. Mukha pa ngang nagpipigil ng tawa. Ayaw atang sabihin. Hahaha.
"HAHAHAHA. Secret!" Binelatan pa ako ng lukaret. Hahaha.
"Secret pala ha? Hahahaha." Kinurot ko ilong niya. Ang kulit kasi. HAhahaha.
"Waaaaaaaaaaahhhhhhhhhh~! Ang sakit! Huhuhu." Namula yung ilong niya. HAHAHAHA.
Kakatawa ang babaeng to. Tas naalala ko di pa kami magkakilala. Pero kung magkulitan kami eh. HAHAHAHAHA.
"Uy, Jeff nga pala. Jeffrey Santillan." Nilahad ko kamay ko.
"Kelly Anne Maganda Mabait Seksi Dimaguiba." Binigay naman niya kamay niya.
Nag'apir kami at nagkatawanan pa. Ang kulit eh! HAHAHAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Love Spell
FanfictionMasama bang gustuhin na gustuhin ka ng taong mahal mo? To the point na, kahit ang pinakaweird na bagay willing mo na gawin. At pag ginawa mo, sasaya ka ba? 100% guaranteed ba na magiging masaya ka. Love spell lang naman, wala namang mawawala.... WA...