"Hoy, Keanne! Napapano ka?"
"Huh?"
"Yung coke float, lagyan mo muna ng coke bago mo lagyan ng sundae!"
"Huh?" Napatingin naman ako sa float na ginagawa ko. Hala? Oo nga pala. Ano ba to?
"Kanina ka pa parang wala sa sarili. As in kanina pa. Okay ka lang?" Katrabaho ko, si Nikki.
"Ano? Ah. Oo." Para akong baliw! Wala ata ako sa tamang pagi-isip.
"Tss. Alam mo magbreak ka na. Baka gutom lang yan." Tinawag niya yung manager namin tas ayun pinag 20-minute break muna ako.
Habang kumakain ako ng fries, iniisip ko yung kanina.
Para akong sira. Si Jepoy ang laman ng isip ko. Ewan ko ba bakit. Pero sa kalahating araw na kasama ko siya. Ewan ko ba kung ano tong nararamdaman ko. Inlove? Agad-agad? Ang weird! O siguro, ganito lang ako kasi ngayon lang ako naging komportable sa isang lalaki. Kasi nga NBSB. Kaya di ako ganong komportable sa opposite sex.
Naku! Wag ko na nga siyang isipin! Erase-erase-erase. Marami pa akong makikilalang lalaki. Mas gwapo at matangkad. HAHAHAHA.
Kaya Keanne? Wag mo na siyang isipin, ok? Di na kayo ulit magkikita. Haaaaaaaaay.
Inubos ko nalang tong fries at minadali ang pag-ubos sa kinakain kong cheeseburger. Saka bumalik sa duty.
11PM
Plakda. Andami naming pagod! Dumagsa ang mga customer. Andaming tao. Shoot! Buti na lang 1hr nalang bago mag-out. Hahaha.
"Oi, Keanne. Jan ka muna sa counter ha? Turn over na kami." Atun at nilayasan na ako ng mga kasama ko. Oh well, ako rin ay magte-turn over na.
Sumalampak ako sa sahig at inayos ang mga stocks namin under the counter. Haaaaay. ANg pagod.
"Miss?"
Pamilyar ang boses na yun ah? Tumingala ako and..
"Gayuma boy!" Ang lapad ng ngiti ko. Hahahaha. "Order ka?"
Ngumiti siya. Takte. Wag ka ngumiti! Nakamamatay!
"Sige. Ahmm. Isang crispy chicken sandwich meal, isang large fries tas sundae. Pero yung sundae, mamaya ko na kukunin. Mamaya mo na gawin para di matunaw."
"Ahh. hehe. Sige. 134 pesos lahat. Upo ka na. Serve ko na lang."
"Sige." Ngumiti siya tapos umupo na.
Waaaaaaaaaaah! Ang swerte ko! Nagkita ulit kami ni Jepoy! hahahaha. Destiny! Hihi. Thank you, Lord! :))
After 5mins, pinuntahan ko na ang table niya para ihatid ang order niya.
.
.
.
0__0
.
.
.
</3
.
.
.
May kasama siyang magandang babae dun sa table niya.
Watdaaaaaaaaa? Eto si babe? nak ng. Huhuhu. Game over. TT__TT
Ang puti. Ang haba ng buhok. At ang seksi. Naka-short shorts at naka-heels!
Back out na, keanne. Wala kang laban jan. </3
"Order niyo po, sir. Enjoy your meal po." Yung lang tas tumalikod na ako.
"Hey, keanne. Wait."
Humarap naman ako.
"Si Genesis pala. Girlfriend ko."
Tanga humarap ka pa. Ang bobo mo talaga, Keanne. Sadista ka, girl!
"Babe, this is Keanne. The one I was telling you about a while ago."
Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Tapos nagsmile siya. Ang plastic!
"hey there, keanne right? Can we have more tissue please? Medyo marumi kasing kumain tong babe ko eh. Please?"
Tiis-tiis lang, keanne. Kaya mo yan. "Sure, ma'am. Nice meeting you po pala."
"Yeah." Tas inirapan ako. Artista to oh! Wow! Tsk.
Palakad na ako pabalik ng counter.
"Oh wait."
Ano, bruha? Gusto mo lasunin kita?
Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng matamis pero plastic na ngiti.
"Yes, ma'am?"
"Tubig na rin. Salamat."
"Ok po. ^__^"
Sure. Gusto mo lagyan ko pa ng sanitizer eh. Grrr.
Pumunta na ako pabalik ng counter.
Ang feeling! Porque maganda. Tss.
Kumuha ako ng maraming tissue at dalawang basong tubig at inilagay sa tray.
Maldita kang babae ka ha? Pasalamat ka on duty ako. Hmp!
Pabalik na ako sa table nila para ihatd tong request ni bruhilda.
TT__TT
Nagsusubuan sila ng fries.Habng naghaharutan.
Aww. </3 Ang sakit naman. Shet.
"Ehem." Tumikhim ako. Ang lalandi niyo noh? Fastfood po to, hindi sogo!
"Yes?" Tinaasan pa ako ng kilay ng makating ito!
"Yung tissue po saka water." nagsmile ako ng sweet pero deep inside, gusto ko na tong ibuhos sa girlfriend ni jepoy, ang kati!
"Yeh. Thanks. More ketchup, please."
Yun lang at bumalik na siya sa paglalandi sa kumag na unanong syota niya.
Grr. malandi kang babae ka. Nangangati kamao ko sayo.
Kumuha ako ng ketchup sa counter, dinamihan ko na. Lunurin niya sarili nya sa ketchup. Peste siya.
Di pa ko nakakalapit sa table nila, narinig kong tumili si makati!
At sa aking kasiyahan, ang daming ketchup ng damit niya.
HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Bagay mo! Malandi ka kasi! HAHAHAHA! Karma eh. Digital. haha.
"My gosh! My dress! I look so dirty na."
Dun naman ako umentra.
"More ketchup, ma'am?" At nilahukan ko pa ng matamis na matamis na ngiti.
Tinignan niya ako ng masama. "Nag-iinis ka ba? Get me more tissue! Fast!"
"Yes, ma'am." Pinipigilan ko lang tawa ko habang pabalik ng counter.
HAHAHAHAHAHAHA! Oh well, di ko na pala kelangan kumilos. Karma is a bitch. And so are you. HAHAHA.
Ayun at binigay ko na yung tissue na kinuha niya ng pabalang sa kamay ko.
"Babe! Let's go."
Hinatak niya na si Jepoy.
Pero bago sila makaalis..
"Sir! Yung sundae!"
Tumingin nman sakin si Jepoy.
"Para sa'yo talaga yun." Then nagsmile siya na parang apologetic smile.
"Ano ba? Let's go, I said." Epal na makati!
"Thank you, sir!" At nagwave na ako sa kanya.
HAHAHAHAHAHA! Epic! Nakaganti na ako sa pangmamaliit ni makati, may sundae pa ko.
Sweet revenge! Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Love Spell
FanfictionMasama bang gustuhin na gustuhin ka ng taong mahal mo? To the point na, kahit ang pinakaweird na bagay willing mo na gawin. At pag ginawa mo, sasaya ka ba? 100% guaranteed ba na magiging masaya ka. Love spell lang naman, wala namang mawawala.... WA...