Chapter 3

89 2 0
                                    

Raphael's POV

Andito ako ngayon sa isang jewelry shop...

 Alam niyo kung bakit?

 Simple lang....

 Para magnakaw.....

Naniwala naman kayo?

Ba't ko naman din gagawin yon? Ang yaman kaya namin at tong mukhang to? Magnanakaw? Di ata to maka basag pinggan eh.

.

(AN: Tama nga si Tina mas malakas sumalanta si Rafael kesa sa bagyong Pablo)

Hahaha... If I know may crush rin sakin yang author na yan at gusto niya kami ang magkatuluyan... Pero sorry nlng siya may nagmamay-ari na sa akin eh.

At siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa jewelry shop....

Dahil mag pro-propose na ako.

Siya nga pala si Chloe ang babaeng matagal ko nang minamahal. At ako naman si Raphael gwapo, matangkad, maganda ang katawan, mayaman, gentleman.. O diba?? Ano pa bang hahanapin niyo sa akin?

Girlfriend ko pla si Chloe for 5 years. Classmates kasi kami since highschool at first year pa lang may crush na ako sa kanya... Pero 4th year highschool ko na siya niligawan... Siya ata ang first girlfriend ko, at siya na rin ang last.... Pinakilala ko na rin siya sa parents ko nung 4th year college kami, at okay lng rin naman sa kanila, yung parang wala lang reaction.. ganun...

Pero ang ate kong si Rachelle ayaw niya kay Chloe. Di ko rin alam kung bakit, pero sabi nila ganyan daw talaga ang mga babae kapag sa first girlfriend ng kapatid nilang lalaki. 

Graduate na pala kami ni Chloe ng college, last year lng. Kaya okay na siguro kung mag pakasal na kami. May kompanya na rin naman ako.

Naglakad ako pa pasok ng jewelry shop at pagpasok ko, binati agad ako ng mga saleslady doon.

"Good morning sir"

Tumango lang ako at namili na.

Asan ba dito ang bagay kay Chloe? Ang dami namang magaganda eh.

"Sa girlfriend niyo po sir?" Bungad nung saleslady, napansin ata na nahihirapan na ako.

"Oo, di kasi ako makahanap nang babagay sa kanya."

"Aaah... ganun po ba sir.. saglit lang" Tumalikod siya at may kinuha sa loob ng room.

Lumipas ang isamg minuto lumabas siya dala dala ang isang heart shaped ring na kalahating white gold at yellow gold. Na may dalawang heart.

"Ito po ang best seller namin sir, I'm sure babagay po yan sa kahit sinong babae."

Binigay niya sa akin ang sinsing, tiningnan ko naman itong mabuti. Ang ganda.... bagay na bagay to kay Chloe, ang ganda niya rin eh....

"Oo nga no, bagay na bagay to sa kanya... at may dalawa pang puso, na parang ni rerepresent yung mga puso namin, kukunin ko na to miss."

"Okay sir, ano po ba ang size ng kamay niya?" Tanong nung saleslady.

Teka! Di ko alam... May size rin ba pati kamay? Di ko talaga alam, ang alam ko lang sapatos eh. Malay ko ba diyan.

"Di ko alam miss eh, paano na toh ngayon?" Sagot ko.

"Uhm, madali lang po yan sir, kung di niyo talaga alam isukat niyo lang po sa pinky finger niyo." Sabi niya

"Huh? At bakit naman?"

"Kasi po, may paniniwala po kasi na kapag nag kasya ang singsing sa pinky finger ng isang lalaki, at kapag nag kasya rin yung singsing na yon sa ring finger nung babae, ibig sabihin destiny sila. Try niyo po sir, para rin mapatunayan niyo kung puso niyo nga bang dalawa ang nirerepresnt ng ring na iyan."

Sinukat ko na nga ang singsing at nag kasya naman sa pinky finger ko.

"Sige kukunin ko na" At umalis na ako.

Pagkatapos kong bumili ng singsing, sinundo ko si Chloe at pumunta na kami ng Guernica's at doon na ako mag propropose sa kanya.

Naupo na kami sa isang table malapit sa bintana. Hinga lng Raffy kaya mo yan.

Nginitian ko siya, and she smiled back at me.

Eto na... Eto na...

"May importante akong sasabihin sayo" 

"May. gusto sana akong sabihin sayo"

Sabay kami nagsalita ni Chloe.

"Ikaw na mauna" Sabi niya.

Sinunod ko naman siya. "Alam mo sa 5 years na tayo at hindi na dapat pinapatagal pa to." Hinawakan ko ang kamay niya. "Chloe alam mo namang ikaw lng ang babaeng minahal ko... At mamahalin. Alam ko na tayo ang nakalaan para sa isa't isa.. Wi..."

"Walang hiya kang lalaki ka, pagkatapos mong kunin ang perlas ng silanganan ko! Ang aking pinaka-iniingatan!!! Iiwan mo na ako, may konsensiya ka ba ha? Alam mo bang nag-bunga ang ginawa mo sa akin? At ikaw miss, hindi mo ba alam na magiging ama na ang dinidate mo?"

Biglang may sumulpot na babae sa harap namin ni Chloe teka?? Sino ba to? Hindi ko naman kilala to eh.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Click the external link to seewhat the ring looks like....

VOTE AND COMMENT

A Heart That Beats For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon